Chapter 13:

20 4 0
                                    

'Hard to explain because it's hard to accept'

*******************

"Cayla anong nangyari? Bakit ang baba mo?" Tanong ni Daphne nang natapos kami sa klase.

Paulit ulit niya itong tinatanong pero hindi ko siya sinasagot. Nakatuon lang ako sa test paper ko na ngayon ay hawak ko. Hindi ko matanggap na ang baba nang mga nakuha kong score. Hindi lang isang subject ako bagsak kundi lima.

Gusto kong maiyak at dahilan ito ng bwisit na tawag ni Jonas nung isang gabi.

"Uy Cayla! Okay ka lang?" Tanong niya, nangingilid na ang mga luha ko pero pinipigilan itong bumagsak.

Hinarap ko siya at lakas na loob akong tumango kahit alam kong anumang oras ay pwedeng bumagsak ang mga luha ko.

Natapos ang klase nang hindi ako namamansin ng  kahit na sino, pati na rin si Daphne, pero kahit ganon ang pakikitungo ko sa kanya kanina ay sinabayan niya parin ako sa paguwi.

"Sasabayan na kita ha! Baka ano pang mangyari sayo," sabi niya sabay ngisi. Tinitigan ko lang siya at hindi umiimik.

Hindi ako makaget over na first time kong bumagsak because of that damn call! Ugh! That call made me fvcking forget all I reviewed, damn! I can't believe it! What a shame of me!

Nang nakauwi na ako, Ipinakita ko ang lahat ng test paper ko kay ate Carryle,

" what happened?" She asked in an angry tone, napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan,

"Aren't you ashamed of yourself Cayla?" Sabi niya muli at hindi parin naaalis ang galit sa tono ng boses niya,

Nagsisimula nang uminit ang Ilong ko at nangingilid na ang mga luha ko.

"Ano na niyang sasabihin ko kay papa kapag napagalaman niyang bagsak ka sa periodical exam mo? Sasabihin nanaman niyang di kita tinuturuan?" Mas lalong tumindi ang galit ni ate, ganyan naman eh! Sarili niya lagi ang importante, kung magagalit ba sa kanya o kung mapupuri ba siya.

Hindi ko siya sinasagot at hindi rin makatingin nang diretso sa kanya,

"Don't make your life easier because we're not rich to sit and sleep! Remember! Sabit ka lang sa bahay na ito! You're just nothing but a piece of sh*t!" Tinaasan niya na ako ng Boses at kada salitang binibitawan niya ay dinudurog ang puso ko na dahilan ng pagbagsak ng mga luha ko.

'Sabit nga ako, pero I don't deserve to be treated like this. Yung araw araw na dapat patunayan ko sa kanila na deserve kong manirahan kasama niya, yung pinipilit ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat kayanin ko kahit alam kong mahirap, at yung tanggapin ang lahat ng ito dahil wala naman akong ibang matatakbuhan at mas lalo na yung ginawa ko na ang lahat pero parang wala parin akong kwenta.

"I'm sorry..... Sorry... Na.. Nasobrahan lang ako sa pagaaral... Kaya...kaya namental block ako... Tapos... Sinabayan pa ng pu-puyat," sabi ko ng humagulgol, di ko mapigilan ang pagdaloy ng luha ko lalo na kapag na aalala ko ang mga sinabi niya.

Damn! This is his fault! Because of his damn and stupid call! He ruined me!

********

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now