Chapter 10:

22 4 1
                                    

"I care but I shouldn't be,"

*****************

After that day, pumasok na si Jonas pero nalate siya.

"Late ka?" Tanong ko sa kanya,

Umupo siya sa tabi ko tapos tinignan lang ako. He didn't answer me but his eyes is telling me 'please I'm not in a mood, just don't talk to me,'

Buong araw siyang walang kinakausap at laging magisa.

Uwian na pero wala pang balak umuwi ni Daphne kaya ngayon nandito kami sa 7/11, umiinom nang slurpee.

"Daph, naguusap kayo kanina ni Jonas?" Basag ko sa katahimikan namin,

"Hindi nga eh," sagot niya sabay higop sa iniinom niya,

Anong problema nun? Baka siguro wala lang sa mood yun.

Pitt!!
Pitt!!
Pitt!!

Pang!!!

Weeewooot!!!
Weeewooot!!!

"A-ano yun?" Pagtigil ko sa paginom ng slurpee,

"H-hindi ko alam," sagot ni Daph. Nabulabog ang lahat ng tao at kami naman ay dali daling nakiusyoso sa labas. Mukhang bunguan ng isang Montero at ng Audi. Lumabas na yung nakamontero at pinagmumura yung nasa loob nung Audi. Hindi naman malala yung pagkakabungo kaya gasgas lang ang natamo nung Montero. Di na natiis mang nakaaudi ang mga mura sa kanya kaya lumabas na ng sasakyan.

"Uy anong nangyare? Napano?" Di mapakaling tanong ni Daphne,

"Wait," sabi ko at nakikipagsiksikan sa mga tao, nang makakuha na ako ng maayos na lugar para makita ang mga pangyayari....... Si Jonas yung...... Nakaaudi?

"Sorry po sir, di ko po nakita ang pagatras nyo, sorry po talaga," pagmamakaawa ni Jonas,

"Puny*ta! Anong sorry sorry?  Ha?" Galit na galit na sabi nung naka Montero, at akma nang susuntukin si Jonas. Malayo si Daphne sakin kaya di niya nakikita ang mga pangyayari. Lumilipad na ang kamao nung nakamontero pero biglang may lumabas na Babae mula sa Audi, inawat niya yung nakamontero,

"Sam! Get back in the car," sigaw ni Jonas. Wait tama ba yung narinig ko? Sam? Si Samantha yun ah! Bakit sila magkasama ni Jonas?

Hinila ko na si Daphne mula sa maraming tao at dumiretso na kami sa sakayan ng jeep.

"Cayla, anong nangyari? Di ko man nakita eh," sabi sakin ni Daphne , sumakay na kami ng jeep at di ko pinapansin yung mga tanong sakin ni Daph.

I tried not to talk  para di na ako magkamali pa,

"Uy please! Ikwento mo na," pagkulit nya sakin, kinuwento ko ung nangyari pero di ko binanggit si Jonas at Sam.

Nang makauwi na ako ang dami kong tanong, di kaya si Sam yung kausap ni Jonas sa cellphone? Anong meron sa kanila? Sino ba talaga sila?

Krrrriiing!!

Tumunog yung cellphone kong 3310, may nagtext yata.

From: 091234567890

Do you really care about them because they're so mysterious or because you really care but you shouldn't be?

~Dale

The fvck! The hell I care about them! Syempre magtataka ako. Atsaka pano nalaman ng manyak na to ang number ko? Sabi na eh, stalker ko to hahaha!!

**********************

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now