Chapter 2:

29 3 0
                                    

Oh no readers! I'm very sorry for this late update, my cellphone was confiscated for almost one month. I'm so sorry!

***

Beep!
Beep!
Beep!

"Cayla, Cayla, uy gising!"

"Hmm..."

"Okay Ms.Noriesta, can you please stand up and answer my question?" Sabi ni Mrs. Marquez.

Ay sh*t! Nakatulog pala ako,

"Uhm, sorry Mam. Uhm..." yan lang ang nasagot ko. Kainis naman kasi, di ako pinatulog ng sinabi ni Jonas kagabi.

"Why are you sleeping in my class?" Tanong ni Mrs. Marquez sakin habang nakataas ang isang kilay.

"Uhm... kasi po-,"

"Masakit po yung ulo niya Mam," putol ni Jonas. Huh? Masakit ang ulo?

"Masakit pala yung ulo mo Ms. Noriesta, eh bakit hindi ka nagpunta nang clinic? Can someone please bring Cayla to the clinic." Sabi ni Mrs. Marquez,

"Ako na lang po," sagot ni Daphne at tuluyan na siyang tumayo kaya tumayo narin ako at lumabas na kami sa room. Habang naglalakad papunta sa clinic...

"Cayla, okay ka lang ba?" Tanong niya, di ko alam kung tanong ba ito o insulto.

"Okay lang," sagot ko.

"Ano ba talagang nangyari kahapon at ayaw mong magkwento? Alam kong di masakit ang ulo mo, palusot lang yun ni Jonas." Sermon ni nanay. Bakit ko pa ikwekwento kay Daphne kung baka alam na niya, at baka hindi rin siya maniwala sa mga sasabihin ko.

"Alam mo kasi, may mga bagay na mahirap ipagsabi lalo na't kung alam mo namang walang maniniwala, nagsayang lang ng laway." Sagot ko,

"Ang kaibigan, pag sinabihan mo ng sikreto, mapatotoo man yan o hindi ay maniniwala parin yan," sabat nang nasa likod namin, WTF! Bakit ba bigla na lang sumusulpot tong lalaking to.

"Oh Jonas? Bakit ka-"

"Ang tagal niyo daw sabi ni Mam, pinasusundo ka na Daphne," putol ni Jonas ulit sa tinanong ko.

"Ah... ganon ba? O sige, Cayla di naman masakit yung ulo mo diba? Tara balik na lang tayo ulit sa room, sabihin mo nakainom ka na ng gamot." Sabi ni Daphne. Habang pabalik, ang dami nanamang iniisip ko, bakit kaya masyadong curious si Daph sa nangyari kahapon, sa mga sinabi ni Jonas at parang grabe siya magreact na ayaw kong sabihin sa kanya kasi malay mo baka walang kwenta lang din yung ikwekwento ko sa kanya. Punyemas! Bakit kasi ako nagiisip nang ganito? Sana naman makaibento ang tao ng pagkaing nakakabura ng complicated memories sa utak para naman wala akong iniisip.

"Oh Cayla, are you relieved now?" Sabi ni Mrs. Marquez pagkapasok namin sa room.

"Yes Mam," matamlay kong sagot,

Nagumpisa na uli ang subject na puro hugot para mas lalo daw maganahan yung mga estudyante.

"Class! Bukas magquiquize tayo tungkol sa mga machines problems na ididiscuss ko sa inyo today," sambit ni Mrs. Marquez,

"Ang lesson natin ngayon ay maihahalintulad sa buhay. Sa buhay may kanya-kanya tayong problema tulad ng love problems."

"Woah!" Sigaw ng aking mga kaklase.

"Kapag may problema dapat solusyunan agad, dahil kung hindi... masisira lang, mauuwi sa break,"

"Tsk! Lagi namang ganyan ang sinasabi kapag may problema, laging sinosolusyunan pero pagdating sa pagibig, makakalimutan ang lahat ng iyon dahil pinangunahan ng galit at lungkot ang ating pagiintindi kaya boom! Non-sense lang ang solusyon." Haba nang sinabi ko no?

"Haba naman ng sinabi mo, basta ako kung mahalaga ang bagay na ito hindi ko hahayaang masira para di na mauwi sa maling pagkakaintindihan at para walang masasayang." Sabat ni boy banat, ikaw na kasi. Kailan ba ako naging tama pagdating sa kanya?

***

Pagkatapos nang klase ay lunch na pero hindi ako kinakausap ni Daphne at hanggang sa paguwi.
Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpapansinan, si Jonas lang ang nakakusap ko nang maayos.

"Cayla, wala kang balak kausapin siya?" Tanong ni Jonas habang kumakain kami dito sa canteen ng hindi kasama si Daphne.

"Maybe, she needs some space, akala niya kasi hindi ko siya pinagkakatiwalaan kaya ayun nagtampo," sagot ko at nilaro laro na lang ang aking pagkain.

"Space? Tanga ka talaga, broken hearted ka nga." Sabi niya at may ngiti ngiti effects pa.

"Huh?"

"Ang kailangan niya, paglilinaw hindi space. Bakit di mo sabihin?"

"Kasi ayaw ko... ayaw ko siyang...
...
...
...
...
...
...
...
...
...masaktan."

***
Sorry for this short chapter, hope you like it, :-) onting pagiintindi lang po hehe, medyo malabo kasi eh.

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now