Chapter 11:

18 3 0
                                    

"The hell I care about him,"

***********

One week passed at halos padating na rin ang September. Last week, masyadong busy para sa darating na 1st periodical test for this week at nawala din sa isip ko yung mga nangyare last time na nakita kong magkasama si Jonas at Sam. Hindi ko na munang pinagtuunan nang pansin iyon sa halip ay nagbabad ako sa kakareview.

"Cayla! Labas muna tayo, nagutom kasi ako sa buong araw na kakareview natin eh," sabi sakin ni Daphne sabay hila papunta sa labas nang Campus. Simula nung dumating si Sam dito, si Daphne lang ang kasama ko, iniiwasan din kami ni Jonas tapos si Dale naman ay ayun, panay text sakin. I actually don't know kung bakit naging mailap samin si Jonas pero gaya nang sinabi ko noon, the hell I care about him.

"Jollibee?" Tanong niya at nandito kami ngayon sa harap ng Jollibee.

"Ikaw Bahala," sagot ko. Tuluyan na kaming pumasok sa nasabing kainan.

"Anong gusto mo?" Tanong niya muli habang umuorder nang pagkain,

"Fries lang ako," ani ko sabay abot ng 100 sa kanya, pero tinalikuran niya lang ito.

"Libre ko," anya,

Nakaupo na kami ngayon. Actually wala sa plano kong kumain ngayon kaya fries lang ang hiniling ko pero.... Not bad, marami rin akong iniisip kaya kailangan din minsan nang pangalis stress.

Nakatingin lang ako sa labas habang kumakain ng fries, si Daph naman ay ayun busy sa lunch meal niyang inorder. Sa kalagitnaan nang katahimikan ay biglang nagring yung cellphone ko.

Nakita kong si Dale nagtext nanaman. Grabe tong lalaking to, sa kanya lang nauubos load ko.

From: Dale

Saan ka?

To: Dale

Sa Jollibee sa may Plaza Square

After kong replyan ay di na muli sumagot. Nabaling ang tingin ko kay Daphne nang napansin kong tapos na siyang kumain at ngayon nakatingin lang sakin.

"Sino yan?" Malamig niyang tanong,

"Si Dale," sagot ko habang kumakain parin nang fries.

"Pumuporma ba yan?" Tanong niya muli. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Actually di ko alam eh, Baka siguro nagaassume lang ako o di kaya friendly lang siya.

Tinaas baba ko na lang ang balikat ko bilang sagot.

Lumabas na kami nang Jollibee at dumiretso sa sakayan. Napagabe kami nang labas sa Jollibee kaya nang nakarating na kami sa sakayan ay wala ng jeep sa sakayan. Madilim na at kalahating oras na kaming naghihintay ni Daphne ng jeep.

"Sa terminal kayo sumakay, di makakadaan yung mga jeep dito sa sobrang daming nagtatayo ng tingian para sa nalalapit na piyesta," sigaw nung caller samin, napatingin agad ako kay Daphne at siya naman ay halos matumba na sa ngawit.

Takte naman! Tagal kong naghintay, wala rin naman pala talagang dadating!

"Don't tell me! Maglalakad pa tayo papuntang terminal?" Iritang sabi ni Daph,

"Malamang, kesa namang gumapang tayo papunta dun," I answered sarcastically. Nagpapadyak si Daph sa sobrang inis at parang gusto nang pumatay ng tao.

Napagpasyahan ko ng maglakad pero ng ilalapag ko ang first step ko eh may biglang tumigil na koste sa harapan namin, isang Audi na kulay itim.

Binaba nito ang bintana and look who's here....

"Kyaaaah!!! Jonas!!,"  sigaw ni Daphne at lumapit agad, halata ang pagkakilig nito sa boses kaya napayuko na lang ako.

"Sakay na," sabi ni Jonas. Di ko alam kung ako pinasasakay niya o si Daphne o kaming dalawa.

"Huh?" Natunganga ako sa sinabi niya,

"I said, you two get in," sambit niya muli. Si Daphne ay nakatitig lang sakin, di alam kung sasakay o hindi pero for Daphne's sake.... Di ko na siya paglalakadin.

Binuksan ko na yung pinto sa back seat at  sumakay na. Nakakahiya naman kung sa harap ako eh baka si Daphne lang naman talaga ang balak na isakay nito.

Pumasok na rin si Daphne at umupo sa front seat, at nilagay na rin yung seatbelt.

Pinaandar na ni Jonas ung kotse. While riding, I feel that I'm not comfortable in here or maybe it's just because.... Silence is killing me.

"May kotse ka pala?" Painosente kong tanong na akala ko di ko nakita yung isa niyang Audi na kulay abo naman. Yaman nito ah, ilang Audi kaya meron to?

Nakita ko ang pagngisi niya dahil nagreflect ito salamin ng kotse. Ngisi? Ni di man lang sinagot yung tanong ko.

Napasimangot ako sa inasta niya, mukhang ako na yata ang bad mood ngayon ah,

"Saan dito?" Tanong ni Jonas, mauuna si Daphne sa pagbaba kaya siya ang nagturo nang daan. Akala ko sa terminal niya lang kami ibaba, seryoso talagang hinatid kami.

Nakarating na kami kay Daphne,

"Uhm... Sige  bye na ....thank you ha.... Uhm..." Sabi nito pero di parin nakakaalis dahil nastuck yata yung seatbelt niya. Napadiretso ako nang upo at akmang tutulungan siya ngunit napanganga na lang ako dahil..... Biglang lumapit si Jonas sa kanya at sinubukang abutin yung seatbelt, habang tinatanggal niya ito ay mas lalong lumapit si Jonas sa kanya. Medyo natagalan ang pvta sa pagtanggal, t@ng*na! Para akong third wheeler dito! Nang matanggal niya na ito at pagkasabay nang paganggat niya nang ulo, sakto! Muntik nang magtama ang kanilang labi. Fvck!
Sh!t! Bakit ganon ang naramdaman ko? Ang sakit! Mas sumakit pa nang nagtama ang tingin nila tapos nagngitian pa! Puny*ta! Ang sakit!

Napatingin na lang ako sa labas at hinintay na makalabas si Daph, nag goodbye siya saken pero nginitian ko lang. Pinaandar na muli ni Jonas ung sasakyan.

Bakit, bakit masakit? Diba dapat masaya ako? Pero bakit masakit?

"Okay ka lang?" Tanong niya. Yes I'm sh*t okay!

Tumango ako pero nakatingin parin sa labas.

"Sure ka?"

Tinitigan ko siya, do you think I'm not okay? If really it's your opinion, well yes! you're right! I'm not okay.
Pffft!! Hahahahaha! So pathetic Cayla, bakit ka masasaktan eh palabas lang ni Jonas yun at diba the hell you care about him!

Nginitian ko na lang siya para maipakitang okay ako. Siya naman ay binaling na muli ang tingin sa daan.

Nandito na kami sa harap ng bahay ko, bubuksan ko na yung pinto para makalabas na pero may sinabi siyang ikinabigla ko,

"I'm here for someone else and not for her," sabi niya at ngayon ay nakaharap siya sa likod, nakatitig sakin. Hiya ang biglang kong naramdaman, at umiwas na lang ng tingin. Binuksan ko na lang nang tuluyan yung pinto at bago ako bumaba ay...

"S-salamat,"

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Kde žijí příběhy. Začni objevovat