Chapter 9:

24 3 0
                                    


"Hey! Don't you worry, it's just me,"

***

3 weeks bago ang aming first periodical exam. Tambak nanaman ng gawain at syempre stress na naman.

"Uy balita ko, may bagong estudyante eh, kayear daw natin," sabi ni Daphne,

"Sino naman daw?" Tanong ko sabay suot muli ng earphones ko. Ano ba iyan, may bago na naman? Ang alam ko, lahat ng bago... masama.

"Ewan ko,"

"Tignan mo to, nakikichismis ka na nga lang hindi pa full details," sagot ko. Sino kaya yung bagong transfer student? Di kaya, yun yung kausap ni Jonas nung isang araw? Hayy! Pake ko ba dun.

*riiiingggg*

Pumasok na si Mam Mendoza at may tisay na babaeng kasunod.

"Good morning class! I want to introduce to all of you, your new classmate," sambit ni Mam. Haha! Nakakatawa naman! Ano to? 'Okay class let me intoduce to you...blah... blah....blah...' parang grade 1 lang ang peg, hahaha! Tsk! Well in fairness ah! Ang ganda nung girl.

"Uh-oh," bulong ni Daphne. Oo si Daphne lang ang nagrereact kasi absent yung isa kong katabi, bakit kaya?

"Uy bakit?" Pabulong kong tanong sa kanya,

"Ah... eh... napapatae ako ehehe," sagot niya,

"Ay 'langya ka,"

Pinaupo na ni Mam yung bagong trasfer sa tabi ni Dale at... grabe! Akala ko mahiyain si tisay, takte! Ang FC!

"Hey! I know you, you're a friend of Yuan Iverson right?" Sabi ni tisay,eto namang si Dale, ang laki ng mata. Bakit ganyan ang mga reaksyon nila, akala mo laglag panty at brief ang kagandahan ng tisay na yan at ganyan ang mga pagmumukha nila. Tsk! Maganda pa ako dun eh.

"Uhm o-oo,"sagot ni Dale,

"Don't be so nervous, it's just me," sabi ni tisay at nagevil smirk pa.

"Ano kasi yung pangalan niyan?" Tanong ko kay Daph, di ko narinig yung mga sinabi niya eh, i'm not paying attention eh.

"Samantha Flinn from Georgina Westland Hills University of U.S.A.," sagot niya. Laglag panga, ang sosyal naman pala nito.


***

Natapos din ang tiring class hours at uwian na rin sa wakas, pero bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa library at nag computer sandali.

"Hi ate Trisha!" Sabi ko sa librarian.

"Oh Cayla! Mgbabalik ka ba ng libro?" Tanong niya,

"Hindi po, pwede po bang magcom ng sandali, may ireresearch lang po," sagot ko at tumango naman si ate Trisha.

Pagkaupo ko sa harap ng computer ay agad na akong tumungo sa facebook at tinype ang pangalang... Samantha Flinn.

*ENTER*

Name...
Birthday...
Status...
Address ...

'Kainis naman! Walang kwentang info.'
Nagpatuloy ako sa mga post niya at finally...

Lahat ng mga posts niya ay feeling in love! At nakatag pa si... Yuan Iverson, ito yung binanggit niya kanina kay Dale ah! At magkaapilido pa sila ni Jonas. Psh! Parang magkaapilido lang, ay grabe naman Cayla! Kailan ka naging pakielamera sa iba ha!

Pipindutin ko na sana yung Yuan Iverson na yun kaso...

"So... stalker ka na pala ngayon?" Sabi ni Dale sa likuran ko na talagang ikinagulat ko,

"Ay kabayo!" Sigaw ko, nagsitinginan naman ang mga tao sakin sa loob ng library at pati na rin ang mga librarian.

"Oy! Nasa library ka, di ka na nahiya, ang ingay mo," sabi niya. Wow ha! Ako pa talaga ang di na nahiya!

"Ikaw kasi eh!" Galit kong bulong sa kanya,

"Ako na naman? By the way, hindi ka lang pala stalker, magugulatin ka din," sabi niya at kung makangisi wagas.

"Ako stalker? Eh ikaw? Pati ba naman dito sinusundan mo ako?" Sabi ko at siya naman umupo na sa tabi ko,

"Pasalamat ka may sumusunod pa sayo, eh pano kung ..." sabi niya at yumuko,

"Pano kung?" Sarcastic kong tanong,

"Wala. Sino nga pala yang iniistalk mo? Si Samantha? At si..." dugtong niya pero pinutol niya uli,

"...Yuan Iverson?" Dugtong niya,
"Bakit?" Tanong pa niya,

"Wala lang, magkaapilido kasi sila ni Jonas eh," sagot ko. Gandang sagot! Malamang, hindi lang naman si Jonas ang may surname na Iverson diba?

"Ay babae ka, pabayaan mo na lang si Sam, tara uwi na tayo baka gabihan ka," aniya. Tama si Dale, pabayaan ko na siya.

Nga pala dumidilim na. Ano to? Hahatid daw niya ako?

"A-ano?" Pagpigil ko,

"Tara sabay na tayo hanggang sa may sakayan," sabi niya at hinila na ako palabas sa library.

"Uy wait lang," sabi ko habang hinihila niya ako. Sayang naman, di ko nasearch yung Yuan. Di ko rin naman masearch paguwi, wala kasing wifi sa bahay eh, kainis!

***

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now