CHAPTER 1:

37 1 1
                                    

Cayla's Pov.

"Maganda ang mageffort pero masakit kapag nasayang,"

~Anonymous

***

Three days passed at wala paring pagbabago, pero in fairness ha! Hindi na ako nalalate. Ang kaso...

*pitt! Pitt!*

" hoy! Magdahan dahan ka naman sa pagtawid!" Sigaw ni manong driver ng jeep.

"Ay s-sorry po!" Sabi ko. Muntik lang naman ako masagasaan dahil sa kakamadali, putik! Late nanaman ako!

Pagdating ko sa room, wow! Palakpakan ang bagong head turner ng umaga.

"Ay! Late ka nanaman!" Sabi ni Daphne.

"Late na ba talaga ako?" Sagot ko.

"Alam mo! Sa sobrang late mo nauunahan ka na!" -Daphne,

"Ahehe! Wala pa naman si Mam eh at wag kang magalala hindi ako nakikipagunahan." Sagot ko.

"Hindi ka lang pala naghahabol, nakikipagunahan ka rin... sa oras," sabat naman ni Jonas.

"Shht! Talk to the hand," sabi ko sabay harap ng palad ko sa kanyang mukha.

Ang ingay, nakakairita lang na babanatan nanaman niya lahat ng hugot ko.

***

We spend the rest of the day with excited activities at hindi ko makakalimutan ay ang activity namin sa Mapeh.

[FLASHBACK]

We are divided into five groups with ten members, kung minalas ka nga naman eh ang grouping ay by row at sakto karow ko pa si ex-crush.

Now were making a slogans about the questions given. Nasa Covered court kami gumagawa dahil masikip sa room at ngayon ay nakapaikot kami na nakaupo.

"Uy! Sino dito ang may ruler?" Tanong ko, walang sumagot pero merong tumayo.

"Sandali lang ha! May kukunin ako sa room natin, uy wag muna kayo gagawa hanggang sa wala pa ako," sabi ni Lawrence, ang ex-crush ko.

"Hala! Aakyat ka pa sa fourth floor?" Tanong ni Casey, isa sa mga kagroup ko.

"Oo," sagot ni Lawrence at nagumpisa na sa pagtakbo papunta sa room. Kahit wala pa siya ay nagumpisa na ako at kahit walang ruler ay ginawan ko ng paraan, bakit ko pa siya hihintayin eh hindi naman ruler ang kinuha niya no! Patapos na ako sa pagdrawing at halos sampung minuto din siyang nawala.

Pagdating ni Lawrence ay hinihingal siya at mamataymatay na sa pagod. Saan ba kasi nagpunta ito.

Pumunta siya sa direksiyon ko at iniabot sakin iyong ruler. 'Eto? Kaya ba siya umalis para kumuha ng ruler?'

"Uy! Bakit nagsimula na kayo? Diba sabi ko hintayin niyo ko? Ganyan naman eh lagi na lang kayong nangiiwan." Sabi niya at oo, still stuck parin sa ginawa niya.

"R-ruler lang ang kinuha mo?" Tanong ko,

"Oo, diba kailangan mo ng ruler?" sabi niya, napayuko ako at sakto ay nakatingin ako sa drawing ko. Tapos na akong magdrawing, h-hindi ko na kailangan pa ng ruler. Gusto ko sanang ibalik sa kanya kaso, hindi ba't parang nakakahiya na pinagpaguran niyang kunin to tapos di ko lang magagamit.

"Ay Lawrence, nung dumating ka eh halos tapos na kami. Hindi na kailangan ni Cayla ng ruler." Sabi ni Daphne. Nakatitig lang ako ngayon sa ruler at parang gusto ko ng mamatay sa sobrang ka walang hiyan ko kung ibabalik ko ito sa kanya.

"A-ah ganon ba? O sige, next time na lang ulit." Sabi niya at binigyan niya ako ng isang ngiti, ngiting mahirap kalimutan.

"Ouch! Nasayang lang yung effort!" Bulong naman ni Jonas sakin. Ay ginuilt pa ako ng loko oh!

Sa tingin ba nila na totoo kaya yung ginawa ni Lawrence? Pero bakit naman hindi?

"Oy Cayla! Times up na! Bakit nakatulala ka lang diyan?" Sabi ni Casey sakin. Natapos na yung activity at pabalik na kami sa room, pero di ko matanggalan ng tingin ko iyong ruler.

[End of flashback]

Hindi maalis sa isip ko dahil parang naguiguilt ako, alam mo yung feeling na parang pinamukha talaga sakin na dapat maguilt ako.

"Uy okay ka lang?" Tanong ni Daphne, pauwi na kami ngayon at heto nadito na sa may sakayan ng jeep.

"Oo," sagot ko. Tss! Cayla, hayaan mo na yung nangyari.

"Ano? Di ka move-on? Hmm, I smell something fishy here." Sabat ni Jonas mula sa likuran ko.

"Hanggang dito ba naman, sinusundan mo kami?" Sabi ko with my irritated voice. At bakit nandito nanaman tong lalaking to? Parang kabute na bigla na lang sumusulpot.

"Ah kasi dito ako sasakay. Wag ka ngang assuming, hindi pwede sakin ang tumakbo kaya wag ka ngang umasa na hinahabol kita." sabi niya.

"Dito din ang daan mo?" Tanong naman ni Daphne with an excited tone in her voice that gives me a clue of... thinking that she likes Jonas.

"Obvious naman diba?" Sabi naman niya,
"Ay, Cayla may itatanong ako. Ano bang meron kay Lawrence at nakita kong naggoo goo eyes ka nang iabot niya sayo yung ruler?" Dugtong niya, pfft! Ako? Naggoogoo eyes?

"Oo nga! At nagblush ka pa," sumbat ni Daphne.

"What!" Sigaw ko na dahilan para tumingin ang ilang tao sa akin habang nakasakay kami sa jeep. Napagtulungan nanaman ako nitong dalawa.

"Ang ingay mo," natatawang sabi ni Jonas. Grrr! Bahala nga sila jan.

"Para po!" Sabi ko sa manong driver. Kahit hindi pa dapat ako bababa pero bumaba na ako dahil hindi ko matiis ang mga ito.

"Uy Cayla, hindi ka pa dito bababa diba?" Tanong ni Daphne. Nangiinsulto ka ba? Malamang iniinis niyo ako tapos expect niyo na makikisabay parin ako sa inyo?

"Tsk!" Sagot ko at tuluyan na akong bumaba ng jeep.

Nang makalayo na ang jeep. Eh nagumpisa na rin akong maglakad. Actually meron namang short cut dito papunta sa bahay ko eh, ewan ko ba kung bakit hindi ako dumadaan dito?

Uh-oh teka! Alam ko na kung bakit ayaw kong dumaan dito kasi hindi ko alam ang daan dito.

After 30 minutes, myghad! I'm so exhausted! Tumigil muna ako sa paglalakad at nagpahinga, grabe kapagod maghanap. Takte kasi yung dalawang un eh!

Pagkatapos kong magpahinga nang sandali ay naglakad muli ako. Habang naglalakad... meron yatang nasa likod ko, nakasunod.

"Lost?" Sabi nang isang boses lalaki mula sa may likuran ko. Geez! Baka may balak to. Binilisan ko nang maglakad at oo grabe ang kaba ko ngayon.

"Uy! Wag mo naman bilisan ang paglakad!" Sabi nanaman ng lalaki pero ngayon familliar ang boses niya sakin...

...Jonas?

Lumingon ako at oo si Jonas nga.

"P-paano?"
"B-bakit?" Tanong ko sakanya.

"Sabi kasi ni Daphne sundan kita eh, kasi alam niyang maliligaw ka," sabi ni Jonas habang hinihingal. Sinundan niya ako? Ibig sabihin...

***

Yay! Update another chapter.
Thank you for reading. Please vote. Please comment.

Girl Hugot Meets Boy Banat [On Going]Where stories live. Discover now