Pansin na pansin ang bigla niyang pagsimangot. Pero kahit ganoon, gwapo pa din itong kaibigan ko. Anak ba naman ng artista eh. Saan pa kukuha ng genes niya ito, hindi ba?

"Buti nga at wala sa paningin ko. Absent ata, buti naman!" Nakasimangot na sabi nito habang ang mga kamay ay naka-spread sa likod ng kanyang ulo.

"Eh bakit parang naiinis kang wala siya?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Tss.. Tigilan mo ako, Stephanie Cruz!" Salubong na ang kilay niya kaya tinigilan ko na. Saka kapag ganyang kumpleto na ang tawag niya sa pangalan ko, malamang, galit na yan!

"Peace! Si Bez naman, hindi na mabiro. Kanina nga ako inaasar mo eh." Sabi ko kasabay ng peace sign. Pagkatapos ay inabot ko pa ang braso niya at hinimas. Alam ko namang konting bola ko lang diyan, ok na siya eh.

"Sorry!" Dagdag ko pa showing my beautiful smile.

"Tss.. Alam mo talaga kung paano ako bobolahin eh, no?" Nakangiti ng sabi niya. Sabi na eh. Epektib talaga ang lambing ko dito.

"Hindi ka naman binobola eh." At nagbeautiful eyes pa ako para patawahin siya.

"Mukha kang Minnie Mouse." Natatawang na ngayon sabi niya. Tumingin siya sa gawi ng daan papuntang soccer field. "Nasaan na pala si Franz?" Naitanong niya pa sa akin.

Kumuha ako ng barya sa aking pitaka sa bulsa at nagbilang. "Ewan. Iniwan ko nga di ba?" Sagot ko. Nang mabilang ko na ang tamang amount, "bibili lang ako ng tubig, Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

"Sige. Mabuti naman at ibibili mo ako. Inubos mo na nga ang ice cream ko..."

Hindi ko na siya pinatapos sa pang-aasar niya. "Ssshhh.. Ibibili na kita, huwag ng madaldal." At agad akong tumayo para pumasok sa loob.

Pagbukas ko ng pintuan ng canteen, as usual, ang dami na namang nakasunod sa akin ng tingin. May mga  boys na humahanga. May mga girls na humahanga at naiinis. Naiinis iyong ilan dahil sapaw sila sa beauty ko eh!

Dumiretso lang ako sa cashier at bumili ng tubig. Tinitingnan ko ang mga pagkain na nakadisplay habang nag-aantay.

"Ito po." Nakangiting abot ng kahera sa akin. Ngumiti naman ako at tumalikod na. Pero pagharap ko...

Syete!

Napasupalpal ako sa ice cream sa cone. Nang tumingala ako, naningkit ang mata ko ng makita kung sino iyong bumangga sa akin.

Si Kyla! Si Kyla ay kaklase namin na anak mayaman din at patay na patay kay Franz. Well, madami naman kaming patay na patay kay Franz. Pero iba si Kyla! Konting masulyapan lang siya ng hindi sinasadya ni Franz, feeling niya may interest na sa kanya. Konting sagot lang ni Franz, like oo o hindi, feeling niya close na sila. Ganoon siya kalala.

The StarWhere stories live. Discover now