HCIF: Epilogue ♥

417 13 11
                                    

Epilogue

Axel’s POV

“Baby bear..... hindi naman ikaw ang ikakasal eh.. wag ka ng magpaganda ng magpaganda pa dyan..” reklamo ko kay Aj. Hindi kasi ito mapakali sa kwarto.

“Bakit ba? Hahaha. Kasal ng kapatid ko yun. Dapat lang na maging maganda ako” sabi naman nito.

Niyakap ko ito habang nakaharap ito sa salamin.

“Maganda ka naman na eh... pinakamaganda sa lahat...” sabi ko.

“Huwag mo kong utuin ha..... hahaha” sabi naman nito.

Kiniss ko ito sa pisngi. “Ano? Yun lang yun?” reklamo nito.

“Eto na po... hahaha” sabay kiss ko rito sa lips.

“SPG! SPG! SPG! SPG!” sigaw nila Chaq at Vianne. Mukhang okay na ang mga ito.

“Istorbo kayo! Hahaha” sabi ni AJ.

Natawa lang kami sa sinabi nito. “Tara na nga... mauna na tayo sa simbahan...” yaya ni Chaq samin.

Pagdating namin sa simbahan..

“Pare, ganito pala pakiramdam ng ikakasal no..hoooo. nakakakaba...” sabi ni Chiq.

“Kaya kung ako sayo...” sabay akbay sakin ni Dam...”kabahan ka na rin. Haha”

“Tinakot nyo pa si Axel ha.... eh mas dapat ngang kabahan yang si Kuya Chaq eh. Haha” sabi naman ni AJ.

Bigla naman namula si Chaq.

“So gaaaaay!” sabay sabay komento nila Ash at Aj.

Bigla naman inakbayan ni Vianne si Chaq, “Huwag nga si Chaq....sumbong ko kayo sa mga asawa nyo eh!” depensa ni Vianne rito.

“Asuuuuuuuus...” sabay namin sagot sakanila.

Bigla naman sumingit si Dyowi. “Mga walang hiya kayo! Pumwesto na kayo doon! Daldalan kayo ng daldalan!”

Natawa naman kami.

“Hon naman... magagalit si Gabby kapag nakita kang galit na naman...” sabi ni Graf.

“Ay sorry na hon...” sabay kiss ni Dyowi kay Graf.

Natawa na lang kami sa kakornihan ng mga ito.

Pumwesto na kami at nagsimula ng maglakad ang mga abay.

“Baby bear.... dapat mas maganda rito kasal natin ha...” sabi ni Aj.

“Oo naman... tsaka wag kang magulo....kasal to ng kapatid mo oh.. behave na..” saway ko rito.

Nagsaludo pa ito.

Nang naglalakad na kami papunta sa harapan. Bigla ito huminto.

“Yung sapatos ko!” mariing bulong sakin ni Aj. Tinaas nito ang gown ng makita ko ang paa nito na walang sapatos.

Paglingon ko sa likod, lahat ng bisita ay nakatingin samin.

Yung sapatos!

Kinuha ko agad iyon.. at sa harapan ng lahat.... sinuot ko iyon sa paa ni Aj.

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga bisita. Halatang kilig na kilig ang mga ito.

“Agaw eksena kayo!” sigaw ni Chiq.

Nag-peace sign na lang kami ni Aj.

Nag-uumpsia palang ang kasal ay sumisingit na si Chiq...

“Father.... you may kiss the bride na po...” sabi ni Chiq.

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now