HCIF: Chapter 5 - Believe in you ♥

315 5 2
                                    

Chapter 5

AJ’s POV      

Kainis! Bakit sa dinami rami ng lugar na pwede ko tong puntahan eh sa gym pa!?

Pabalik na ko sana sa bahay ng madaanan ko ang house garden.

Yung jacket!

Dali dali akong pumasok sa house garden at hinanap ang pinaglagyan ng jacket. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap ko.

Gotcha!

Pagkakuha ko sa jacket ay pinagpag ko muna ito at tinitigan.

Sino nga pala may ari nito? Hmmmm..

Bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko. pagtingin ko sa cellphone ko ay may text iyon galing kay Kuya Chiq.

Go home now. Hinahanap ka na nila mommy at daddy :)

Napakagat labi ako. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa bahay.

Nasa tapat na ko ng pintuan ng bahay nila kuya....

Paano ko tatago tong jacket na to hindi nila napapansin?

Isip, Aj, isiiiiiip

Ahaaaaaaa!

Dumaan ako sa likod ng bahay. Pagpasok ko, naamoy ko agad ang mabangong niluluto ni mommy.

Boom! Baka na sa kusina pa si mommy!

Sumilip muna ko bago pumasok, at para kong nabunutan ng tinik dahil wala tao roon. Mabilis akong pumasok at patakbong tinungo ang hagdanan.

“Stop!” sigaw ni mommy.

Tinago ko ang jacket sa likuran ko at dahan dahang paharap na umakyat sa second floor.

“W-wait lang, my...... bababa rin ako!” at tuluyan na kong nakapasok sa kwarto ko.

Weeeeeeeeeew!

Ni-lock ko ang pinto ko at humiga sa kama ko dahil sa sobrang pagod.

Yung jacket!

Tinitigan ko muli ito. It is just a simple jacket...

Kumuha ako ng box at nilagay iyon doon.

“Dito ka muna ha” sabi ko rito.

At nilagay ko ang box sa ilalim ng kama ko. Dali dali akong bumaba ng hagdan at pagbaba ko...

“Hi!” bati sakin ni Axel. Kasama nito ang mga magulang at mga kuya ko.

“Kanina ka pa nya hinihintay, anak! Haha. Nagkakilala pala kayo sa kasal nila Graf at Dyowi.” Sabi ni mommy.

Lumapit ako sa mga to at uupo na sana sa bakanteng pwesto sa couch.....

“Dito ka na, hija. Hahaha. Punta muna kami ng mommy mo sa kusina para maghanda ng pagkain natin ha” sabi naman ni daddy at sabay hila kela Kuya Chiq at Kuya Chaq.

Napangiti na lang ako sa trip ng mga to.

“Ganda ng suot mo ah. Haha” sabi nito.

Hinarap ko ito, “May sinabi ba ang magulang ko sayo?” tanong ko rito. Hindi ko na pinansin ang pambobola nito.

“Wala pa naman. Bakit?” tanong naman nito.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito, “Wala. Tara na sa kusina” yaya ko rito.

Pagdating namin sa kusina, “Maupo na kayo rito” utos ni dad samin.

Umupo ako sa tapat ni Kuya Chiq at si Axel naman ay umupo sa tapat ni Kuya Chaq....

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now