HCIF: Chapter 8 - Cupcakes for Him ♥

264 4 0
                                    

Chapter 8      

Aj’s POV

Ano bang nangyayari sayo, Aj!?

Sabi ko sa sarili ko habang paroo’t parito sa house garden. Hindi ako mapakali. Hindi ko naman alam kung bakit.

Tinigan ko ulit box na puno ng cupcake. Ni hindi man lang ito nagalaw o natignan man lang ni Axel.

Napasimangot ako sa nangyari kanina. Umupo ako sa bench at kinausap ang box..

“Pasensya na ha.... yung baby bear ko kasi e.... nagkaroon lang ng Vianne, hindi ka na pinansin...” sabi ko.

“Ayiiiiieeeee. Nagseselos gummy bear ko!” sabay kiliti sakin ni Axel.

Nagulat naman ako, “K-kanina k-ka pa d-dyan?” tanong ko rito.

Lumapit ito sakin at kinuha ang box, “Oo naman...” sabi nito sabay hawak pisil sa pisngi ko. “Huwag ka na sumimangot, gummy bear. Haha” sabi nito.

Hindi ko naman ito pinansin at inagaw na lang ang box mula sakanya.

“Hindi ssayo to!” sabi ko.

“Anong hindi? Narinig ko sinabi mo kanina...

“Joke lang yun!” palusot ko.

Tumayo ako at tumalikod rito para hindi mapansin ang pagpapalusot ko.

“Kunwari paaaaaa... sige ka, gummy bear.... lalaki butas ng ilong mo hahaha” biro nito sakin.

“Wala akong paki” pagsusungit ko.

Niyakap naman ako nito mula sa likuran ko at pinatong ang baba nito sa balikat ko.

“Gummy bear.... sorry na.. Ayiiiiieeee... tatawa na yan. Haha” sabay pindot nito sa tagiliran ko.

Nakiliti naman ako, “Oo na! hahaha. Kainin mo na nga yan!” utos ko rito.

Pero sa totoo lang ay kinikilig ako. Hahaha. Kakaiba kasi sya maglambing... parang bata...

Parang kami talaga....

Kahit hindi naman...

Humarap ako rito at nakita ko naman itong binuksan ang kahon.

Natuwa naman ako dahil sa naging reaksyon nito.

“I-ikaw ba may gawa nito?” tanong nito sakin.

Tumango ako, “pero tinulungan ako ni Gicelle” sabi ko.

Yumakap naman ito sakin, “Thank you sa cupcakes, gummy bear! Ang ganda ng decoration. Haha” sabi nito.

Inalis ko ang braso nito sakin, “Ah ganoooon?” sabi ko.

Dali dali itong kumuha ng isang cupcake at tinikman, “Hmmmm... sharap!” pambobola nito sakin at kumuha pa ng isa sabay abot sakin, “Ka-irn ka rin. Haha” sabi pa nito.

Kinuha ko naman iyon at kinain. Tuwang tuwa ako dahil nagustuhan nito ang cupcake.

Nang may bigla akong naalala,

Si Vianne....

“Nasaan nga pala si Vianne?” tanong ko rito.

Napakamot naman ito sa ulo, “Nasa bahay ko” prangkang sagot nito.

Nagulat ako, “B-bakit sa bahay mo?” tanong ko..

“Seloooooooooooooooooos! Hahahaha!” sabi nito. At ngayon ko lang napag-isip isip na niloloko lang pala ako ng mokong na to.

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora