HCIF: Chapter 16 - The Owner of Jacket ♥

264 6 0
                                    

Chapter 16

Aj’s POV

Nandito ako sa balconahe ng bahay. Parang sumang balot balot dahil sa kumot. Nakatanaw sa madilim na langit.

Wala ang mga stars ....

Naiyak naman ako... hindi dahil sa mga nagtatagong bituin... kundi sa mga sinabi ko kay Axel.

Masakit pala..... ito na pala yun.... yung true love..... kelangan mong masaktan para malaman mong nagmamahal ka...... kelangan mong umiyak para maramdaman mong nasasaktan ka na pala...

Napabuntong hininga ako.... .. naalala ko ang mga sinabi ni Dyowi noong pinapunta nya ko sa clinic.

Flashback

“May problema ba?” tanong ko.

Nasa clinic ako nito. At parang gusto kong kabahan dahil napakaseryoso nito.

“Kanina lang nandidito sila Axel kasama barkada at si Vianne...

Napadiretso naman ako ng pagkaka-upo.

“Dinumog nila Graf si Axel at mukhang natamaan ang ulo nito to the point na sumakit iyon at dinala si Axel rito” sabi nito.

Nag-alala naman agad ako kay Axel.

“B-bakit daw sumakit ulo nya?” tanong ko.

Tumayo ito at umupo sa tapat ko.

“Usually kasi... nagkakaroon ng visualization sa ulo ng isan gmay selective amnesia. Nakikita nito ang mga dating nangyari...

“So, you mean, may natandaan na si Axel?” tanong ko

Tumango ito.

Natuwa naman ako. “It is a sign” sabi ko

“Yes. A sign. Pero wag ka muna matuwa, Aj...” sabi nito. Natakot naman ako. “nagusap kaming dalawa ng masinsinan... and I found out that he already recognized them....”

“Talaga? Naaalala na nya sila kuya? Haha. So... dapat matuwa tayo di ba?” masigla kong sabi.

Pero seryoso pa rin ito. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko.

“Except you.... Aj” sabi nito.

Para naman akong sinuntok sa puso nun. Naguluhan ako.

“Why me? B-bakit may exception?”tanong ko.

“When I held Cool Dudes magazine and pointed out your picture..... he said that he really didn’t know you...”

Pagkasabi nito nun ay nagsituluan na ang luha ko.

Bigla naman ako nilapitan ni Dyowi at niyakap mula sa likod.

“Dont worry, Aj....maghintay ka lang ng konting panahon..”

Pagkasabi nito nun ay nagpasalamat na ko at nagdesisyong pumunta sa house garden..

At laking gulat ko ng marinig ko ang sentimyento ni Axel......

Parang nainis ito dahil nandodoon ako.

“Bakit nandito ka?” masungit na tanong nito.

“Eh bakit nandito ka?...

Hanggang sa nakabuo kami ng pag-uusap. Masaya ako kahit papaano pero ang malamang hindi ako nito nakilala..... masakit iyon..

“Bakit hindi mo subukan itanong sa mga star?” sabi ko.

Mukhang naweirduhan naman ito sakin. “Ang korni mo naman. Haha” sabi nito.

Palihim ako nangiti. Dahil na rin sa narinig ko itong tumawa.

“Korni na kung korni.... pero ng dahil sa mga bituin na yan... nakilala ko ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko....” sabay tingin ko rito at ganoon din ito.

Dahil sa mga titig nito..... nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

....yung lalaking handang patunayan ang lahat sakin....yung lalaking kayang isakripisyo ang lahat.... yung lalaking sobrang magprotekta.....”

Kitang kita ko ang pagkalungkot ng mga mata nito...

.... yun yung lalaking halos hindi ko na rin kilala dahil hindi na rin ako nito kilala...” pagkasabi ko nito nun ay gusto ko ng umiyak at magmakaawa na kilalalin ako nito... per pinigilan ko...

“Sino ba yung lalaking yun?” tanong nito.

Tumayo na ko at ngumiti rito bago umalis.

“Para hindi ka na malungkot....” sabay abot ko nito ng mini stuffed toy na bear.     

Madami pa itong tinanong sakin pero hindi ko na rin sinagot.... baka makita nito yung mga luha kong kusang ng malalaglag..

End of flashback.

“Aj.. peram nga ako ng mga pictures natin....

Pinahid ko naman ang mga luha ko... for sure papagalitan ako ng mga to dahil umiiyak na naman ako.

“Yan ka na naman. Haha” sabi ni kuy Chiq.

“A-ano ba yun?” tanong ko.

Inakbayan ako nito. “huwag ka ng umiyak.... sabi naman namin syao, maaayos rin ang lahat eh. Haha. Napakaiyakin mo” biro pa nito sakin.

Siniko ko ito at inaya na sa kwarto ko.

“Peram ako ng mga pictures natin noong bata... papakita ko kay Gicelle, my loves ko. haha” sabi nito.

Oo nga pala... sila na ni Gicelle. hindi ko alam kung paano pero mukhang tinamaan na ng lelang itong kapatid ko.... samantalang ako, heto..... nagdaramdam dahil sa nangyayari samin ni Axel.

Lumuhod ako sa harapan ng kama... tinggal ko lahat ng mga kahon doon.

“Anong kahon iyan?” tanong sakin ni kuya Chiq na ang tinutukoy ay isang hindi pamilyar na kahon.

Bago ko buksan ang di pamilyadong kahaon, inabot ko rito ang kahon na punong puno ng mga pictures.

“Ewan ko...” sagot ko rito.

Kinuha nito ang kahon na may lamang picture at kinuha naman nito ang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman.

Pagkabukas ni kuya Chiq ng kahon.

Yung jacket.........

Agad ko iyon inagaw kay kuya Chiq.

“Kaninong jacket yan? Haha. Ang baho!” biro nito.

“Pakielam mo ba!” pagsusungit ko.

“But it looks familiar...” sabi nito.

Nagtaka naman ako... “familiar?”

“Oo.... isa lang naman ang may ari ng  jacket na ganyan eh..” sabi nito.

“Sino?” tanong ko.

Napalunok naman ito.

“SINO?!” halos pagalit kong tanong rito.

“Hahahaha. Why so freakin’ bad? Haha. Kay Axel.... sya lang ang may ganyang jacket..” pagkasabi nito nun ay lumabas na ito ng kwarto.

Kay Axel ang jacket na ito? kelangan kong maibalik sakanya to! Kelangan....

*A/N: Advance Merry Christmas guys! :)

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz