HCIF: Chapter 17 - Memory ♥

275 4 0
                                    

Chapter 17

Axel’s POV

“Axel.. kain na tayo” yaya sakin ni Vianne.

Nakahiga pa kasi ako sa kama. Hindi ko kasi makalimutan yung babaeng nakausap ko kahapon sa house garden.

Ano kaya pangalan nya?

“Susunod ako....” sagot ko.

Ngumiti ito sakin at lumabas na rin ng kwarto ko.

Bakit kasi hindi ko inalam pangalan nung babaeng yun eh....

Ano ka ba, Axel?!!? May asawa ka na!!!!

Bumuntong hininga ako at nagpasyang pumunta sa kusina para kumain.

Tahimik lang kami kumakain ni Vianne. Walang may gustong magsalita. Pagkatapos namin kumain....

May inabot itong folder sakin, “Ano to?” tanong ko.

“Annulment papers... just sign it at wala ng bisa ang kasal  natin.” Sabay ngiti nito sakin.

Naguluhan naman ako, “B-bakit?” tanong ko.

“Axel... it is time to face Aj..... sya talaga ang mahal mo” sabi nito.

“Ikaw ang asawa ko!” mariin kong sabi. “Tsaka ni hindi ko nga sya kilala eh”

“Dahil ayaw mong alamin kung sino sya! Asawa mo lang ako pero hindi ako laman ng puso mo!” mariin din nitong sabi.

Napailing na lang ako sa sinasabi nito. Hindi ko na rin tinapos ang kinakain ko at padabog na lumabas sa bahay.

Hindi ko alam kung kanino ako maiinis.... kung sa sarili ko o doon sa babaeng nagngangalang AJ..

Nagdesisyon akong pumunta sa house garden... Nagdesisyon akong pumunta sa house garden... may pakiramdam akong stress reliever ang house garden na iyon...

Pagpasok ko sa house garden.....

Yung babaeng stranger.... may hawak itong kahon...

“Ikaw......” sabi ko.

“Axel...” sabi nito.

Nagulat naman ako, “Paano mo nalaman na Axel ang pangalan ko?” tanong ko.

Kitang kita ko ang pagtulo ng mga luha nito. Dali dali akong lumapit rito.

“O-okay ka lang ba?” tanong ko.

Tumango ito pero patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

“B-bakit ka umiyak? Miss....... ano nga pala pangalan mo?” tanong ko.

“Hindi mo na rin naman kelangan alamin kung ano ang pangalan ko” sabi nito. “Aalis na ko Axel mamaya....”

Nagtaka naman ako kung bakit nito sinasabi sakin iyon, “B-bakit sinasabi mo ito sakin?” tanong ko.

Tumingin ito sakin at pigil pigil ang paghagulgol, “Para kahit p-paano.... m-makapagpaalam ako sayo...”

Para namang nalungkot ang puso ko nun. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang lakas ng tama sakin ng mga sinabi nito.

Inabot nito sakin ang kahon, “Para sayo.....

para kahit papaano ay maalala mo ko....

para kahit papaano .... eh malaman mo kung sino ako...” pagkasabi nun ay dali dali itong tumakbo palabas ng house garden...

hindi ko na ito nahabol dahil sa medyo may kalakihang kahon...

Binuksan ko iyon.....

Ito yung favorite jacket ko...paano na punta iyon sakanya...

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now