HCIF: Chapter 18 - Muli ♥

291 4 2
                                    

Chapter 18

AJ’ s POV       

It’s been two years..... since I left Philippines....

 It’s been two years....since I left the right one for me...

It’s been two years...since I let him go...

Siguro masaya na sya....  masaya na talaga sya sa piling ng asawa nya... si Vianne...

“Hooooy! BAKEKANG! Ano na naman yang iniisip mo?” tanong ni kuya Chiq sakin.

“Maling mali na pinapunta kayo nila mommy at daddy dito. Hahaha. Mga bwiset kayo!” biro ko sakanila.

It is true.... na maraming nagagawa ang nakaraan para baguhin ang hinaharap... like now...

natuto akong makisalamuha sa ibang tao na walang tulong ng kung sino man....

natuto akong maging masaya kahit na may kulang sa buong Ann Jeline Qui...

natuto akong tanggapin lahat ng pagsubok sakin ng walang hinihingi tulong galing sa ibang tao...

at higit sa lahat.... natuto akong magsakripisyo.... si Axel...

“Si Axel iyon oh! Haha”

Napalingon naman ako sa likuran ko.. “Mga bwiset kayo! Hahaha” sabi ko.

Having a lunch date with my twinnie brothers is a big big mistake ever....

“So... namimiss mo pala sya ha.. haha” biro sakin ni kuya Chaq.

“Oo naman... kahit papaano ay naging magkaibigan kami” sabi ko. liar, Ann jeline... miss mo sya kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin sya..

“Ooooooooowssss? Baka naman dahil sya pa rin ang lama ng puso mo?” tanong sakin ni kuya Chiq.

Binato ko ng tissue ito, “Iba talaga nagagawa ng true love.... nagiging korni na ang mga taong inlove ngayon. Hahaha” sabi ko kay kuya Chiq.

“Syempre.... ikakasal na kami ni Gicelle eh. Haha” sabi nito.

Nagulat naman ako... “Talaga?! Oh my goood!” lumapit ako rito, “I’m so happy for both of you!” at kiniss ko ito sa pisngi..

“At dito namin sa Fance gagawin ang kasalan.. haha” sabi pa nito.

Napatingin naman ako kay Kuya Chaq na bigla namang tumahimik.

“Huuuuuwaaaaaaat?!” sabi ko.

“Ayaw mo ba? Hahaha” tanong nito.

Umiling naman ako. “H-hindi... kaya lang hindi ba mas maganda kung sa Pilipinas na lang gawin yung kasalan nyo...” suhestyon ko.

“Eh hindi ka naman kasi babalik sa Pilipinas eh... kaya kami na lang ang lumapit sayo... bukas na ang dating nila Dam rito.... at dito sila sa bahay matutulog” sabi pa nito.

“Kuya Chaaaaaaaq! Tumutol ko naman oh!” sabi ko.

“Tumututol ako...” matabang na sabi nito. Halatang napipilitan.

“Hahahahahaha. Im so sorry, boy bawang...” sabi ni kuya Chiq.

Nginusuan ko lang ang mga to.

“Oh.... hindi pa ba kayo tapos kumain dyan? Ang dami dami na naming pinamili oh!” biglang singit ni mommy

“Almost done, mom” sabi ni kuya Chaq. “Si boy bawang lang naman ang mabagal hahaha.” Asar pa nito sakin.

“Che!” sabi ko.

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum