HCIF: Chapter 9 - Off to States ♥

264 7 4
                                    

Chapter 9

Axel’s POV

Patungo naman kami ni Vianne sa States kung saan makikipagusap ako sa mga magulang nito. Katabi ko ito sa eroplano at mahimbing na natutulog.

Nang bigla kong maalala si Aj...

Flashback

“Aj...” tawag ko rito. Nandito na naman kami sa house garden at nakaupo sa bench. “I’m going to States tomorrow.... with Vianne” sabi ko rito.

“B-bakit?” tanong nito sakin.

“Kakausapin namin ang mga magulang nito na tanggapin ang relasyon nila Vianne at Vance na  ex-boyfriend na nito ngayon” paliwanag ko.

Bigla naman ito tumahimik.

Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at tinitigan ito.. “Aj... trust me...” sabi ko. “Tatlong araw lang kami sa States” paninigurado ko..

She hugged me, “Promise, baby bear?” she said.

And I hugged her too, “Promise, gummy bear ko” then we both smiled.

End of flashback.

“Mukhang malalim iniisip mo ah” untag sakin ni Vianne na kanina pa pala gising.

Ngumiti ako, “Iniisip ko lang si Aj. Haha” pag-amin ko.

Tumawa ito, “Hahaha. Inlove ka na talaga sakanya ha” tukso naman nito.

“Sinabi mo pa. haha” sabi ko naman.

Bigla naman ito nalungkot.

“Eh bakit naman nakasimangot ang babaita? Haha” tanong ko rito.

“Baka bukas makalawa nyan eh.. ... ikasal ka na” seryoso nitong sabi.

“OA mo naman! Haha” sabi ko.

At tumahimik na lang ito.

------------

AJ’s POV

Kasalukuyan akong nagbababad sa pag-eedit ng picture sa restaurant ng mag-asawang Dam at Ash.

I need to be busy.... busy... busy...

“Hoooooooooooooooooy!” gulat sakin nila kambal kong kapatid.

At obvious naman na nagulat ako kaya inirapan ko lang ang mga ito.

“Back to your old self ha. Haha” asar sakin ni Kuya Chiq.

Hindi ko pa rin ito pinapansin.

“Bakit kasi hindi ka sumama sa paghatid kela Axel at Vianne sa airport?” tanong naman sakin ni Kuya Chaq.

Masama tingin ang binigay ko sakanila, “Will you just shut up, please?” inis kong sabi sa mga to.

Bigla naman napawi ang mga ngiti ng mga to sa labi.

“Ingat ka lang, sis..” biglang banta sakin ni Kuya Chiq.

“B-bakit?” tanong ko. Sa tono palang ng boses nito ay mahahalatang pinagbabawalan ako ng dalawa kong kapatid.

“Just be careful... and stay strong.... brave.... and determined..” yun lang at umalis na ang mga to.

May pagka-siraulo talaga ang magkambal na yun.

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasasabi ng mga ito. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-eedit ng picture.

Pero mukang wala roon ang isip ko... ...

How Can I Fall? ♥  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now