Chapter 53

6.9K 157 13
                                    

Nash's P.O.V.

Matapos makipag harutan ni Jaden sa babaeng nagtanong sa amin kung saan ang Dorm ay nakarinig naman kami ng tili mula sa likod ng Girl's Dorm.

"What the hell was that?" Tanong ko sa kanila. Lahat naman sila napatingin sa akin ng masama. Ano na namang ginawa ko sa mga ungas na'to.

"Subukan mong tumayo lang jan at malalaman mo kung ano yun. Letche." Sagot sa akin ni Rence. Moody tong lalaking to oh. Moody!!

"May dalaw ka ba Rence? Sarap mo nang sipain ah." Sagot ko naman sa kanya.

"Tara na." Utos ni Ace sa amin kaya sumunod na lang kami sa kanya.

Alam niyo bang basang-basa pa rin kami dahil kakaahon lang namin mula sa fountain? Pwes alam niyo na ngayon. Juicecolored! Ang lamig!

"Ako lang ba o wala talaga akong nakitang bakas dito kahit isa?" Tanong ko sa kanila. Si Cindy naman halatang nilalamig na dahil sa pagpulupot ng kamay niya sa katawan. Ba't kasi hinulog pa ako ni Ace sa fountain eh, nadamay tuloy siya.

"Nash minsan nga tumingin-tingin ka muna. Baka may naiwan dito na magiging ebidensya natin kung may nangyari mang karumaldumal dito." Panenermon ni Rence sa akin. Kita niyo tong lalaking to, feel na feel ang pagiging ungas. Leshe

"Kung andito lang sana siya." bulong ni Ace

Alam kong di niya intensyon na sabihin yon pero sadyang malapit kami sa isa't-isa narinig ko ang sinabi niya at alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Yung babaeng mala agila ang mata. Sahara.

Napansin ko naman na nakatingin rin ang iba sa kanya. Hindi lang pala ako nag-iisa.

Napansin ko namang may pinulot si Cindy sa lupa. And it was a necklace. Kita mo tong babaeng to, may pagka Hara rin eh.

"What's that?" Tanong ni Ace sa kanya. Pinaningkitan naman ni Cindy si Ace ng mata. Kita mo tong isang to, walang patawad oh.

"Its a necklace obviously." Sagot ni Cindy kay Ace. She's angry... Backstep muna tayo at puputok ang bulkang Cindy tsssssk.

"I know." Sagot rin ni Ace sa kanya na naging dahilan ng pagsingit muli ng mata ni Cindy.

Napansin naman ni Hale na parang nag-iiba na ang ihip ng hangin kaya nilapitan ni Hale si Cindy.

"It has a letter M pendant" Sabi ni Hale sa amin.

"Hindi lang siya nag-iisa. May isa pa rito oh." Pagbabalita ni Rence sa amin. Dalawang letter M na pendant? Wala namang magkapatid dito except sa Tieszen siblings.

Rence's P.O.V.

"Kailangan nating I report to kay Mr. Principal." Suhestiyon ni Hale sa amin. Nagsimula na silang maglakad pero si Nash nagpaiwan lang

"Ah guys? Pwede bang kayo na lang pumunta?" Tanong ni Nash sa amin. Lumingon naman kaming lahat sa kanya.

"Why?" Takang tanong ni Ace sa kanya.

"Babalik ako sa fountain. Gusto ko pang maligo eh." Sagot niya kay Ace.

"Takas ka ba sa mental?!" Tanong ni Cindy kay Nash. Napailing na lang kami sa sinabi ni Nash. Abnormal talagang kapreng duwende na'to.

Pia's P.O.V.

"Pinadukot ko na sa inyo ng maayos, nakuha pa talaga sa inyo?!" scold sa amin ni boss. She's so nakakairita. Di ba niya know na we are so napagod to get yung chararat girl?

"We're so sorry. Di naman kasi namin know na kukunin siya sa alim." answer ni sister Olivia sa aming boss.

"Putek! Kailan ba aamin ang magnanakaw ha?! San niyo ba inilagay yang mga utak niyo? Tigil-tigilan niyo na ako sa mga conyo niyo at pag hindi ako nakapagtimpi baka hindi na kayo magtatagal!" Sigaw ng boss namin sa amin.

"Pia, na sa iyo pa ba ang necklace mo?" Tanong ni Olivia sa akin. Tiningnan ko naman ang leeg ko at nakita ko na nawala na yung kwintas ko.

"Wa-wala Olivia eh, sa'yo ba?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman sa amin si boss. Patay kami nito.

"Wala nga rin eh." Sagot ni Olivia sa akin. Tuluyan nang lumapit si Boss sa amin at hinawakan ang aming mga mukha.

"Bobo talaga kayong dalawa! Nag-iwan pa talaga kayo ng ebidensya doon! Alam niyo naman na masyadong matatalas ang mata ng Buio E Luce dahil sa pagkawala ng bwiset na Sahara na yun! Iniwan niyo pa talaga ang kwintas niyo?" Galit na tanong sa amin ni boss. Yumuko na lang kami dahil sa takot sa kanya.

"Hindi naman po namin sinasadya." Pagpapaliwanag ni Olivia kay Boss.

"Ang sabihin mo bobo talaga kayong dalawa! Simpleng utos nga lang di pa talaga magawa! Mga letche kayo!" Sigaw ni boss sa amin. Alam kong nagpipigil na si Olivia ng galit dito. I know my sister too much. Kahit na gaga yan alam kong malakas yan, pero hindi pa rin kami nangangalahati sa boss namin.

"Ginawa na namin ang lahat! Ano pa bang gusto mong gawin namin?!" Pasigaw na tanong ni Olivia sa boss namin.

"Aba't sumasagot ka na? Kailan ka pa nagkaboses ha Olivia Monteral?!" Sigaw natanong ni boss kay Olivia.

"Tinanggap ko lahat ng panlalait mo sa akin pero dinadamay mo pa ang kapatid ko?! Anong kasalan niya sa'yo ha?!" Galit na tanong ni Olivia sa boss namin. Ngumisi naman si boss.

"Nagpakatanga kasi kayong dalawa!" Sigaw ni boss sa amin.

Bigla naman natumba si Olivia at ng lingunin ko si Olivia, nakahiga na ito at may dagger na nakatusok sa left side ng katawan niya. Tiningnan ko ng masama ang boss ko ngayon.

"Alam mo kahit anong gawin mo hindi mo mahihigitan si Hara dahil hindi siya pumapatay!" sigaw ko sa kanya. Nagbago naman ang timpla ng mukha niya.

"Wala naman siyang magagawa dahil hindi alam ng lahat kung saang lupalop ng mundo ang babaeng yun diba? Kahit na ubusin ko lahat ng kasmahan niya WALA PA RIN SIYANG MAGAGAWA!" sigaw niya sa akin.

"Yun ang akala mo." Sabi ko sa kanya.

"Ibinigay namin siya. Hindi siya nawala. At hindi magtatagal babalik yun dito para talunin ka!" Sigaw ko sa kanya. Napasigaw naman ako sa sakit ng itusok niya ang espada niya sa tiyan ko. Pero nginisian ko lang siya.

"Subukan mong galawin ang mga kaibigan niya at tingnan natin kung mapapatawad ka pa niya!"

Hale's P.O.V.

"Rence hawak mo pa ba yung kwintas na nakita mo kanina?" Tanong ko kay Rence.

"Oo andito pa rin." Sagot niya sa akin.

"Keep it. Baka makatulong yan sa imbestigasyon natin." Utos ni Ace kay Rence. Tumango na lang si Rence bilang sagot.

Papunta kami sa office ni Mr. Principal ngayon. Para ireport ang mga nangyari. Pagkapasok namin sa office ni Mr. Principal. Takang-taka siayng tingnan kami.

"Ba't kayo basang-basa? Sa pagkakaalam ko wala namang pool dito ah?" Tanong niya sa amin.

"Long story. Pero kanina nakarinig kami ng tili at nakita namin to sa likod ng Girl's Dorm." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Monteral sisters." Sabi ni Mr. Principal.

A/N: Ayan bibitinin ko muna kayo. Hahahaha thanks for the support everyone. Malapit na siyang matapos. 7 more chapters at matatapos na to. Pero wag mag-alala magkakaroon po tayo ng Book 2!! Pero hindi pa right after matapos to. Gagawa po kasi ako ng Fantasy story... Kaya yun na naman po sana ang suportahan niyo. Pero baka Prologue pa lang ang maipupublish ko dahil magiging busy po ako sa susunod na mga araw. Abangan niyo na lang po sana... Thank you po :)

"

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon