Chapter 12

11.5K 265 14
                                    

"Is everyone ready?" tanong ni Hale sa aming lahat. Tumango naman kami at pumasok sa isang sasakyan na maghahtid sa amin sa lugar na pagiimbestigahan namin.

"What the hell is this place?!" Tanong ko sa sobrang gulat nung makalabas kami sa school.

"This is Lue Marshall Island after the war." Sagot ni Jaden sa akin

Nakakaawa ang lugar na ito. Parang devastated. Walang umaayos ng mga nasira. Parang sinalanta ng sampung bagyo ng sabay-sabay dahil kung titingnan mo to ngayon, hindi mo akalaing may lugar na ganito ka sira.

"Bakit walang nag-aayos nito? San ba ang Presidente dito wala ba siyang pakialam dito?" Tanong ko sa kanila.

"Walang presidente dito Hara. Isa itong pribadong isla na pagmamay-ari ni Speigner. Ayaw niyang ipaayos ang istablisyemento dahil mas mahihirapan siyang hanapin ang anak niya." Sagot sa akin ni Hale.

"Totoo bang binuo kayo para hanapin ang anak niya?" Tanong ko sa kanila.

"oo binuo kami para hanapin siya pero nung mawala si leonora, sumalungat kami at gusto naming hanapin yung mga taong dumudukot sa mga taong may marka" Sagot ni nash sa akin. Itatanong ko ba?

"Papaano kung malaman niyong may marka ang isa sa school?" Tanong ko sa kanila.

"We'll send hr to Speigner para palayain niya si Leonora" Sagot ni Ace. ganun parin, Kung sasabihin ko sa kanilang may marka ako, ibibigay nila ako kay Speigner kahit hindi ako ang anak niya.

"Bakit mo natanong yan?" Tanong ni Cindy sa akin.

"Yan kasi ang naikwento sa akin ni Mr. Principal eh. Gusto ko lang isigurado" Palusot ko sa kanila.

Nung makarating kami sa parang isang bakanteng lote, bumaba kami at naglakad-lakad. Ng mapansin kong may kumikinang sa lupa, kinuha ko ito, isang pendant.

"Jane?" Tanong ko kaya napatingin sila sa akin.

"Ano Hara?" Tanong ni Hale sa akin

"She left her pendant here. Isa rin ba siya sa mga hinahanap?" Tanong ko sa kanila.

"Good job Hara. Magandang evidence to" Sabi ni Jaden at ipinasok sa isang plastic bag ang pendant.

Habang naglalakad-lakad kami, may mali eh, may mali talaga.

"Ace yuko!" Sigaw ko dahil alam kong may isang dagger na papunta sa direksyon niya.

Inatake ko yung may gawa gamit ang Chakram ko at alam kong napuruhan ko siya agad ko siyang pinuntahan.

"Sino ka? at anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya, Ngunit itinapon niya ang dagger niya sa kin buti na alng at nasalo ko at tuluyan ko na siyang tsinugi.

"Hara ayos ka lang?" Tanong ni Cindy sa akin.

"Oo ayos lang ako. tong lalaking to san galing to?" Tanong ko sa kanila.

"Sa isang Mafia. Pero paano mo nalaman yung dagger?" Takang tanong ni Nash.

"I can calculate actions. At alam kong may dagger na papunta sa direksyon ni Ace" Sagot ko sa kanya.

Agad kong hinigit yung kwintas na suot ng lalaking umatke kanina, napansin kong may nakaukit dito na ibon, a Phoenix

"Marco Lee, a former student of LMFHigh, myembro siya ng Phoenix ngayon." Sagot ni Ace. Realtalk kilala niya ba lahat ng former student ng nakakalokang paaralang yun?

"Maswerte tayo at andito si Hara ngayon. Its good to have her on our team." Sabi ni Hale. Yeah whatever.

Napansin ko na naman may kumikinang kaya kinuha ko yun, isang weapon.

"Guys, catch" Sabi ko at inihagis ko sa kanila yung weapon.

"Jane's weapon. You have sharp eyes Hara" Sabi ni Ace. Syempre bakit pa at andito ako sa grupo diba.

"Ano bang itsura ni Jane?" Tanong ko sa kanya.

"Come here" Utos ni Ace at lumapit ako sa kanya. Nabigla naman kaming dalawa nung may biglang humawak sa amin pareho. Ano na namang kalokohan to?

Susugod na sana yung mga kasama namin pero bigla silang natigilan.

"One wrong move" Sabi nung may hawak sa amin. Agad-agad naman kaming ipinasok sa isang sasakyan ni Ace. pero sumigaw si Ace bigla.

"Bring that back to our school. Layas!" Sigaw ni Ace at nagsimula ng umandar ang sasakyan. Hindi ba siya kinakabahan sa nangyayari ngayon? Kasi ako kulang na lang tumalon yung puso ko dahil sa kaba eh.

Huminto naman ang sasakyan sa isang mansion at bumaba si Ace at hinila ako. Hindi po uso sa kanya ang magpakagentleman. -.-

Pagkapasok namin sa bahay na to, may agad na sumalubong sa amin. Lalaking kaedad lang namin pero I guess more creepier than Ace.

"Oh sino naman to couz? Girlfriend mo?" Tanong nung lalaki. Teka Couz? Magpinsan sila? May pinsan to? Akala ko alien to eh.

"What do you want Rence?" Tanong ni Ace sa kanya. Ahh so Rence ang pangalan ng mokong na ito?

"Her. I want her." Deretsong sabi ni Rence kay Ace. Nakakasindak naman tong mga kalahi ni Ace. Masyadong straight to the point.

"Eh paano kung ayoko?" Sarcastic na tanong ni Ace. Baliw talaga to.

"May Leonora ka na Ace, sa akin na naman tong kahawig niya. Masyado ka ng tiba-tiba sa mga magaganda eh. Balato mo na to sa akin" Sabi ni Rence at hinawakan ang braso ko. Ano bang problema nito?

"Ano ba!" Sabi ko sa kanya. At I stare at him coldly. Napatigil naman siya at binitawan ako.

"Kakaiba siya couz ha. That makes me want her even more" Sabi ni Rence at kinagat niya yung ibabang labi niya. Oo gwapo siya pero ang creepy niya promise.

"Ang problema gusto ka ba niya?" Sabi ni Ace at hinila ako paakyat sa isang kwarto. Gago to

"San ba kasi tayo ha Ace?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bahay" Maikling sagot niya sa akin. Aba't gago to ah.

"Alam kong bahay to pero kanino?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bahay ko to tsaka pwede ba, wag kang sumigaw nakakainis yang boses mo eh." Sabi niya sa akin.

"Bakit nila ako kinuha? Ha! Anong balak nila sa akin?!" Sigaw ko ulit sa kanya. Makulit ako eh at hindi ako basta-basta nainiwala sa mga utos.

Agad niya akong hinila at pinako sa isang dingding.

"Tatahimik ka o patatahimikin kita? Pag andito ka sa bahay tumahimik ka dahil maraming hindi natutuwa sa maiingay dito. Ngayon magbihis ka na kung hindi bibihisan kita." Sabi niya at itinulak ako sa isang closet. Pagkapasok ko dun I smell a very familiar smell. Kailan ko nga ba naamoy to? Oh well nagbihis ako ng isang blue dress at inayos ko yung buhok ko.

Lumabas ako at nakita ko si Ace na nakabihis na rin. San ba kasi kami pupunta?

"You'll meet my father. Behave Hara" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko papunta sa dining area. Pagdating namin dun andun na ata yung tatay ni Ace nakaupo kaya umupo na rin kami. Nabigla naman ako nung magsalita ito at sinabing

"Long time no see, Ace. And I'm glad to meet you Buio e Luce's Seer"

A/N: Hello po Last update for today.

Rence at the media

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon