Chapter 28

8.9K 227 7
                                    

Hara's P.O.V.

Naka handa na kaming lahat at kulang na lang ay magpatayan na kami. Charot. Andito kami ngayon sa sasakyan papunta na kami sa gubat na pagdadausan ng games na sasalihan namin.

"Handa na kayo?" Tanong ni Ace sa amin. Lahat naman ng mukha nila, puno ng galit at pagnanasa na makaligtas sa larong to.

"To kick some ass? Yes. To survive this sh*t? Yes." Sabi ni Nash sa akin habang nakatingin ng deretso sa driver. Kita mo tong lalaking to. Pati driver pinag-iinitan eh no?

"Hoy Nash! Ano ba naman pati yang UNKNOWN species na yan, para mo nang kakainin. Wala namang kasalanan yan" Sabi ni Hale habang tinitingnan si nash.

"Eh kasabwat pa rin siya. Dapat di na lang siya pumayag para walaang maghatid sa atin dun sa gubat" Bulong ni Nash sa amin.

"Gag* ka talaga. Umayos ka nga jan. Parang naglalaban na yang katinuan at kabaliwan jan sa utak mo eh." Sabi ni Jaden habang binatukan si Nash. Si Nash naman hinimas-himas yung ulo niya.

"Loko kay Jaden. Paano kung naalog yung brain cells ko ha! Paano na?" Pag hehesterical ni Nash. Kaya binatukan siya ni Rence. Hahaha Dalawa na yun ah.

"Manahimik ka na lang nga. Wala ka talagang matinong sinasabi." Sabi naman ni Cindy kay Nash habang hinahawakan ang Sword niya.

"Oh. Ilagay niyo na yang mga relong yan sa kamay ninyo. Tracker yan." Sabi ni manong driver. Agad naman naming isinuot ang tracker na alam kong may camera din. Di kasi obvious yung inilagay nila (note the sarcasm)

Pagkadating namin sa bukana ng gubat, agad kaming sinipa ng driver palabas. Syempre biro lang yun. Kami ang sumipa sa kanya. Biro lang ulit. Bumaba kami ng maayos sa kotse at inayos yung mga sarili namin.

"Guess this is it" Sabi ni Cindy habang Nakapamulsa pa. Oo simula na ng bangungot na mararanasan natin in the next few days.

Habang papasok na kami sa bukana, I saw some guy na madadaanan ni Nash. Oooh too early for the surprise mister.

"Nash gilid" Sabi ko sa kanya. Then after a while, may nakita na akong nakahandusay sa daanan. No mercy. Wala talagang awa tong Nash na to. Feel na feel niya eh. May bit-bit namang bag yung lalaki. Siya ata yung may bitbit ng pagkain nila. Swerte namin. Tiba-tiba kami neto. hahahaha.

"On your posts" Sabi ko sa kanila. Di nagtagal ay nagsisuguran na ang mga kalaban namin sa amin. Syempre ako nakatayo lang. Kaya na nila yan. Pagkatapos nung small get together with the opponents, dumiretso kami ng mapansin kong may metal na nakausli sa dadaanan ni Rence. Kaya agad ko siyang binalaan.

"Rence jump" Sabi ko at tumalon naman siya. Akala namin ok na pero biglang may tumakbo papunta sa direksyon namin Sh*t madadamay pa kami sa pagsabog niya.

"Letse takbo!" Sabi ko. Kaya humarurot kami ng takbo maya-maya pa ay sumabog na yung daanang yun. Told you I'm so good. Hahaha pagbigayn niyo na.

"What the hell was that?" Tanong ni Nash na hingal na hingal pa.

"Land mines obviously" Sagot ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Di ba nila alam na pwede silang makapatay dun?" Tanong ulit ni Nash. Kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you think this game is all about?" Tanong ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Bigla namang kuminang yung relo kaya tiningnan ko ito.

"Black Pearl & Zece Gone" Sabi nung relo. Talking relo. Amazing!

"Guess they are the one who got killed by us." Sabi ni Hale habang nakapamulsa pa. Halatang wala siyang pakialam sa maaring mangyari sa ginagawa niya eh no? Confident mats tol..

Mr. Principal's P.O.V.

Kasama ko ang aso ni Hara ngayon. Papunta na kami sa may viewing center nung may masalubong akong pamilyar na mukha. Hara?

Hinawakan ko yung braso niya at sinabihan na "Hara? San ang kagrupo mo?"

Humarap naman yung babae and to my surprise hindi siya si Hara, kamukha lang.

"Sorry" Sabi ko sa kanya.

"Teka You know Sahara?" Tanong nung babae sa akin. Kakilala to ni Hara?

"Oo studyante ko bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kasali siya dito? Bakit niyo siya sinali?" Tanong niya sa akin. Ba't ba concerned to kay Hara? Problema niya?

"Kasi she's one of a kind period." Sabi ko sa kanya at umalis na sa harap ko. Pero nung paakyat na ako sa Viewing Center. Dun ko lang narealize yung nakita ko kanina. Siya ba yun? Hindi masyadong imposible. Bakit naman andito siya diba? Hindi naman talaga siya yung nakita ko diba? Oh well.

Umakyat na ako ng tuluyan sa Viewing Room at may biglang humila sa akin. Sino na naman to?

"Gag* ka Carlo! Ba't mo isinali si Hara sa larong to? Nasisiraan ka na ba?" Tanong sa akin ng babaeng kausap ko ngayon. Halata naman diba? Hays!

"Teka wag mong sabihing- Patring?! Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sa kanya. Patring/Cleopatra. Nanay ni Hara. Pareho sila. Parehong sadista at loka-loka.

"May choice ba ako? Kasali siya sa Buio e Luce. Maghihinala ang lahat kung inalis ko siya" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Nababaliw ka na paano kung mahuli siya ha?! Nahihibang ka na ba?" Tanong ni Patring sa akin.

"Inisip mo talagang hinyaan kong lumabas siya dun ng nakikita yung pesteng bagay na yun?! Di pa ako nahihibang gaya mo! May temporary disappearance akong inilagay sa kanya. Maglalast yun ng 1 month." Sabi ko sa kanya kaya nakahinga naman siya g maluwag. Masyado siyang praning.

"Mabuti na yung magkaliwanagan. Tsaka kelan ka pa naging dog lover ha?" Sabi at tanong niya sa akin.

"Sa anak mo to. Oh ikaw humawak jan. At bakit ka may maskara?" Tanong ko sa kanya.

"Kung makatanong ka akala mo di mo alam ang rason kung bakit ako may maskara ah" Sabi niya at hinimas-himas ang balahibo ni Cream. Ang amo talaga ng asong to.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Sponsor ako." Maikling sagot niya. Yaman talaga. Pakidnap kita ngayon eh.

Nung tumingin ako sa screen, napansin ko na nagsisimula na si Hara sa pagiging seer niya.

"She can predict what will happen" Sabi nung babaeng medyo matanda na.

"She's a good match for Phoenix's Mysterious Lady" Sabi nung matandang babae.

"So La Morte Facile High had finally found their very own seer" Sabi nung matandang lalaki. Nung humarap naman ito napansin kong napasinghap si Patring. Sino ba namang hindi diba lalo pa't ang lalaking to ay into kids na may mark. And he's no other than,

Mr. Speigner

A/N: LAst update for today. Congrats sa atin!! Laban lang tayo.

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon