Chapter 37

8.1K 224 9
                                    

Hara's P.O.V.

"Its a misunderstanding" Sabi ko kay Trevor na nasa harapan ko ngayon.

"Ano bang sinasabi mo Hara?" Tanong ni Trevor sa akin. Agad akong napabangon sa higaan ko at sinubukan kong tumayo pero I failed. Natumba ako sa harapan ni Trevor. Agad niya naman akong tinulungan At ibinalik sa kama.

"Hoy babae alam mo naman sigurong hirap ka pang gumalaw diba? Ba't ba nagpupumilit ka jan? Hoy Sahara Vanderweele, hinang-hina ka pa oh. Kung makabalikwas ka jan kala mo ang lakas-lakas mo na." Sermon niya sa akin. Teka lang, kailan pa to natutung manermon sa akin?

"Kailangan nilang malaman ang totoo Trevor!" Sigaw ko sa kanya. Kay naman napataas ang kilay niya. Ay confirm?

"Hay nako Hara! Anong katotohanan na naman yan? Tsaka sigurado ka bang aalis ka ng ganyan ang suot?" Tanong niya sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba't!

"Sige magbibihis muna ako, paabot ng kahoy na yan." Utos ko sa kanya. Agad naman niyang inabot sa akin yung kahoy.

"Maghintay ka rito." Utos ko ulit sa kanya at pumunta na ako sa closet namin ni Cindy. Nakita ko naman ang isang loose dress at nagsuot ako ng inside shirt sa loob. At agad akong lumabas.

"Diba Lunch na ngayon? Cafeteria na tayo, may sasabihin lang ako. Tara na" Sabi ko kay Trevor agad niya naman akong inalalayan.

"Hay nako Hara, pasalamat ka at pinagkalooban ako ng kabaitan ngayon at hindi kapilyohan. Tssk" Sabi niya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad

----------Cafeteria---------

Pagdating namin sa Cfeteria, napansin ko na ang lahat ng atensyon nasa akin na. May nagbubulungan at ang iba parang pinapatay na ako sa isip nila.

"Bad idea talaga na pumunta pa tayo dito. Pinagtitinginan na tayo Hara oh" Sabi ni Trevor at umaktong hihilahin ako pabalik pero nabawi ko ang kamay ko.

"Magtigil ka nga Trevor. Kung natatakot ka kasi Monarchia Nero ka at former temporary member ako ng Buio E Luce, edi sana pinabayaan mo na ako kanina pa" Sabi ko sa kaniya at nagsimula na akong maghanap sa kanila. Kung tinatanong niyo kung sino, si Ate/Leonora at Ace.

Hanap-hanap, lingon-lingon, at boom andun sila nakaupo sa isang table. Agad ko silang nilapitan. Pero napansin kong ang saya-saya nilang dalawa, habang ako nagdudusa sa kalagayan ko na ito.

"Ate" Tawag ko sa kanya. Agad namang napalingon silang dalawa at si Ate parang nakakita ng multo si Ace naman galit. As usual.

"Ano pa bang ginagawa mo dito Hara?! Di pa ba sapat ang ginawa ko sayo? Gusto mo ulitin ko?!" Tanong niya at lumapit sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko para sa sampal pero nabigla ako nung wala, may nakahawak na pala sa kamay niya, si Ate.

"Hayaan mo muna siyang magsalita Ace" Sabi ni Hale sa gilid. Aalis na sana si Ace pero may humarang sa kanya, ang Monarchia Nero.

"What the-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Ace dahil agad siyang pinatahimik ni Rence

"Listen" Utos ni Rence kaya humarap naman si Ace sa amin.

"A-ate. Andito ako kasi gusto kong maliwanagan. Ayoko ng gulo pero yung utak ko naman yung nagugulo." Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Ano bang sinasabi mo Hara?" Takang tanong niya sa akin. Alam ko kinakabahan siya ngayon. Dahil alam ko ang ibig sabihin ng bawat paghinga niya.

"Last 9 years ago, 2007, itong picture na to, diba dito ako mahilig maglaro dati ng frisbee?" Tanong ko sa kanya at ipinakita ko sa kanya yung picture ng isang magandang lugar, ang lugar na to ay sa labas ng paaralang ito, bago pa nangyari ang war. Unti-unti nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Nasasaktan na talaga ako!

"Hindi ka pa nga nun marunong maglaro ng frisbee nun diba? Nakatingin ka lang sa akin? Tapos may nakita akong batang lalaki na kasing edad ko lang, sabi ko sa'yo siya yung mapapangasawa ko. Pumayag ka diba? Pero nakatingin ka rin sa kanya." Sabi ko sa kanya habang nakayuko pa rin.

"Nung umalis tayo dun, nagpaturo ka sa akin mag frisbee, inabot nga tayo ng isang taon nun eh, tapos bigla kang nawala." Sabi ko sa kanya habang nagpipilit na pigilan ang mga luha kong nag-uunahan sa pag-agos.

"Nung nawala ka, nawala rin ang Chakkar ni Lola. Nabigla nga kami nun eh. Pero hindi naman kita pinaghinalaan" Sabi ko sa kanya. At umangat ang ulo ko, nakita ko siyang namumutla, kinakabahan siya.

"Ate pwedeng makita ang Chakkar mo?" Sabi ko sa kanya. Nabigla naman siya sa sinabi ko pero parang kinukuha niya na yun.

"Stop talking nonsense Hara!" Sigaw ni Ace pero agad naman siyang pinatahimik ni Rence.

Nakita ko na hawak-hawak ni Ate ang Chakkar, hindi maaari. Hindi talaga to pwede. Bigla akong nanlambot sa kinatatayuan ko at bigla akong napaupo. Ang Chakkar ni Lola, nasa kanya. Tama nga lahat ng hinala ni Mommy.

"Bakit ate bakit? Bakit ka nagpanggap na ako ikaw?! Bakit pinalabas mo sa kanilang lahat na ikaw yung babaeng naglalaro ng frisbee dati!" Sabi ko sa kanya habang humahagulgol ng iyak. Nakaupo na ako ngayon.

"Akala ko ba soul sister kita?! Bakit mo siya inagaw!" Sigaw ko sa kanya. Nabigla naman ang lahat ng tao sa cafeteria sa biglaang pagsigaw ko.

"Hara ano bang sinasabi mo?!" Sigaw ni Ace sa akin. Galit na galit na siya sa akin. Pero wala akong paki-alam kailangan kong masabi ang totoo.

"Si Ace yun diba?! Si Ace yung batang lalaki na yun? Ate naman!" Sigaw ko sa kanya habang tinitingnan yung mukha niyang umiiyak na rin. Nasasaktan rin siya.

"Ano bang ibig mong sabihin Hara?" Tanong ulit ni Ace sa akin. Pero di ko lang siya pinansin.

"Yung araw na nawala ka sa amin, yun yung araw na pumunta ka dito diba? Kaya nga hindi mo magamit-gamit yang Chakkar mo kasi hindi mo siya magawang kontrolin. Kasi pineke mo ang lahat!" Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin ako. Napayuko naman si Ate sa sinabi ko.

"Hara ano ba talaga ang sinasabi mo?" Tanong ni Ace sa akin habang umiiyak na rin. Galit, galit pa rin siya.

"Yung babaeng naglalaro ng frisbee Ace ako yun! Dahil dito kami nakatira dati! Hindi pa nangyayari ang war nun at hindi pa siya marunong gumamit ng frisbee. Kaya nga nagpaturo siya sa akin eh, kasi nagbabasakali siya na maalala mo siya dahil sa paglalaro niya ng frisbee. Kaya nagpakilala siya na siya yung babaeng yun pagpasok niya dito." Sabi ko sa kanya, hinang-hina na ako. Nakita ko naman sila na nabigla sa sinabi ko. Si Ace unti-unti nang humahagulgol ng iyak eh.

"Sa lahat ng ginawa mo sa akin Ace, tinanggap ko lahat yun dahil akala ko ako ang mali pero hindi eh." Sabi ko kay Ace at bumalik ang tingin ko kay Ate. Si Cindy naman, kating-kati ng sugudin si Ate pero pinipigilan siya ni Nash.

"Sa lahat ng manloloko ikaw ang pinakaeksperto! Pinaniwala mo pa silang lahat na ikaw ako! Anong klase kang tao?!" Sabi ko sa kanya habang humahagulgol na ng iyak.

Nakita ko namang umiiyak na talaga siya, nasasaktan ako sa bawat luha niyang pumapatak, pero mas nasasaktan ako sa panloloko niya

"To-totoo ba yun Leonora?" Nanginginig na tanong ni Jaden sa kanya. Isa pa to...

"I'm sorry." ang sabi niya at agad na umalis. Nakita ko namang umiyak na ng todo si Ace.

Sa lahat ng tao na pinagkatiwalaan ko, sa kanya ako pinaka nasaktan.

Katelyn Vanderweele/Leonora, ang sama-sama mong tao.

A/N: Ayan truth revealed na po tayo. Hahaha. Ano kayang gagawin ni Ace? Ni Hale? Hahaha. Asahan niyo pa pon mas marami pang mangyayari. Thank you po sa support HODees. Sana po'y patuloy parin kayong magcomment at magvote sa story kong ito. Hahaha. Lovelots po sa inyo.. By the way happy 500 reads po. Hahaha. Thank you po sa lahat!!

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon