Chapter 27

8.9K 222 6
                                    

Hara's P.O.V.

"A-ate?" nassabi ko nung nakita ko yung babaeng parang ate ko.

"Anong ate? Sinong nakita mo Hara?" Tanong ni Cindy na lumapit sa direksyon ko.

"Ah wa-wala na malikmata lang siguro ako." Pagpapalusot ko sa kanila. At nauna na akong umakyat sa hagdan. Nabigla naman ako nang may humawak sa kamya ko. Si Ace

"Loko, dito na yung kwarto natin oh." Sabi niya at binitawan niya na yung kamay ko. Err kainis. Oy don't get me wrong, nainis ako kasi hinawakan niya kamay ko at hindi dahil binatawan niya eto.

"Hara parang nagtatalo yang konsensya't utak mo ah. Tawagin mo na kaya ang referee" Sabi ni Nash at humarurot ng takbo papunta sa couch. Bwiset na lalaki yun.

"Pasalamat ka at andito tayo sa games ngayon, kung hindi, baka tinapos ko na ang buhay mo." Sabi ko sa kanya habang umupo sa couch.

"I will miss them" Sabi naman ni Cindy na nakapatong ang paa sa mesa habang naka-upo sa couch.

"Para namang di ka na babaik sa campus" Sabi ni Jaden habang naglalaro sa cellphone.

"Loko. Para namang makakalabas pa tayo ng buhay dun. Remember. OUR SCHOOL NEVER WON IN THIS GAMES! Lahat ng pinapadala dito tsugi" Sabi ni Cindy. Pero walang epekto sa akin yan. Its too early to conclude what will happen.

"That's because they don't have a seer. Iba na ngayon." Sabi naman ni Nash habang naka yuko.

"It doesn't mean na we will win. We just got a special member. Wala tayong edge dun Nash" Sabi ni Cindy habang umiiyak pa. They are scared and I know it. Strong bodies and minds but weak hearts. Yan sila.

"She can sense danger Cinds, kaya naman niya tayong protektahan." Sabi ni Nash na umiiyak na rin. My comrades.

"We will WIN this fight. Pagkatapos nito, babalik na sa dati ang lahat. Wala na tayong iisipin pa. Kaya kailangan natin lumaban. Kailanagan nating manalo dun at ipagpatuloy ang buhay natin." Sabi ni Ace na umiiyak na rin. All of them are crying. Takot sila sa posiblng mangyari.

"You know. I'm your seer, don't you trust me? Makakalabas tayo ng buhay dun! Kaya natin to. Walang malalagas sa grupong to. Oo Mafia ang kalaban natin pero, we are BUIO E LUCE. We can overcome this sh*t together" Sabi ko sa kanila at ngumiti. Isang mapait na ngiti.

Agad naman nila akong niyakap. Nasasaktan ako habang hinahawakan ko sila na humahagulgol ng iyak. Pero di ko dapat ipakita na mahina ako. Ako ang SEER nila. Sa akin nakasalalay ang kinabukasan ng grupong to. Nasa mga kamay ko ang buhay naming lahat. Isa lang ang kailangan kong gawin, manatiling buhay para buhay rin ang mga kasama ko. Yun lang.

"Matulog na tayo. We have a great day tomorrow. Makakalabas tayo ng maaga sa gubat na yun! Hahahaha" Sabi ni Hale at pinupunasan ang luha niya.

"Just stay together. Walang mangyayari sa atin" Sabi ni Jaden habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Tong lalaking to. Masusuntok ko na to eh. Ang hirap-hirap na ngang magpanggap na malakas, pinapakita niya pa sa akin na pwedeng umiyak. Pero hindi pwede. I should tell them that I will be strong to make this group stronger.

"Oh siya good night guys. FIGHTING!" Sabi ko sa kanila habang nakangit at alam kong may luhang tumulo sa mga mata ko. Oo takot ako, di para sa sarili ko, kundi para sa mga kasamahan ko. Alam ko na once I will be vanished, may tendency na maglaho rin sila. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan nila pero, dahil takot ang nagingibabaw sa kanila, hindi sila nakakapag focus sa games. I should stay alive. I SHOULD!

...................................................................................................................................................

Maya-maya

Lumabas ako sa may balcony at tiningnan ko ang paligid, nakaharap kami sa dagat ngayon. And this scenery, I will miss this.

"Ba't gising ka pa?" Tanong nung nagpatong ng jacket sa balikat ko. Ace

"May iniisip lang ako" Sagot ko sa kanya. Habang nakatanaw pa rin sa dagat. Ang mga alon, marahan na humahampas sa dalampasigan, ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng liwanag sa dagat. Ang mga bituin ay kumikislap-kislap na para bang nag-uusap. Paano ko iiwanan ang mundong to? Ni hindi alam ng mommy ko ang maaring mangyari sa akin. Na hindi ko pa nahahanap ang kaisa-isang kong pinsan.

"Alam kong takot ka" Sabi ni Ace sa akin kaya bigla na lang akong napatingin sa kanya. May luha na nangingilid sa mata niya.

"Ano ka ba! Wag mo ngang ipasa sa akin ang nararamdaman mo." Sabi ko sa kanya habang ang mata ko ay nasa dagat, at ang isip ko nasa posibleng mangyari sa amin sa gubat na yun.

Hindi siya nagsalita pero yung mga luha niya umaagos mula sa mata niya pababa sa pisnge niya habang nakatingin siya sa buwan.

"Tama ka. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na tayo makalabas ng buhay dun. Na baka kakapasok ko pa lang dun, tsugi na ako." Sabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa dagat. Pero di kalaunan, nagsipatakan na rin yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Ang hirap lang kasi isipin na dahil dito, maaring mawala ang buhay ko, ang buhay niyo. Na baka pagdating natin sa atin nasa kahon na tayo." Sabi ko sa kanya habang hinahayaang umagos ang luha ko pababa sa mga pisnge ko.

"Kahit na anong pilit kong magkunwaring hindi natatakot, hindi umeepekto eh. Natatakot at natatakot pa rin ako. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito." Sabi ko sa kanya habang nakayuko na at hinahawakan ang singsing na bigay sa akin ng nanay ko.

"Hindi ako malakas pero kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Sa akin sila nagtitiwala at umaasa. Na ako ang tanging makakaligtas sa kanila sa bangungot na haharapin natin bukas at sa susunod na mga araw" Sabi ko sa kanya. Hinihilamos ko na ang kamay ko sa mukha ko.

"Ayoko silang biguin Ace. Ayaw na ayaw ko silang paasahin sa wala. Mahalaga sila sa akin." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Nabigla naman ako nung bigla niya akong niyakap.

"Magtutulungan tayo Hara. Makakalabas tayo dun. Araso?" Sabi niya sa akin habang nakayakap pa rin sa akin.

"Makakalabas tayo."

A/N: Awwww. Sinong umiyak sa chapter na to? Well welcome to the club. Umiiyak rin ako eh. Hihihih. Kababawan ni Author loka-loka. Oh sya. See you sa next chapter....

���2�X��

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon