Chapter 35

8.1K 242 23
                                    

Cindy's P.O.V.

Habang tinitingnan ko si Hara habang gumagapang palayo sa amin, unti-unting dinudurog ang puso. Gustung-gusto ko siyang lapitan at tulungang makaalis pero parang may kung anong bagay sa akin na humahadlang sa akin. Ang Hara na matapang at malakas ngayon ay gumagapang sa lupa. Si Nash at si Rence rin humahagulgol dahil sa nakikita nila ngayon. Habang si Leonora naman nakayuko lang. Hindi niya lang ba ipagtatanggol ang pinsan niya?

"Leonora?" Tanong ni Ace, ngumiti naman si Leonora sa kanya kaya kahit kami nagulat sa naging reaction niya. Diba dapat sinampal niya to? Or di kaya sinigawan? Bakit ngumiti pa siya?!

Agad namang nilapitan ni Ace si Leonora at niyakap ito. Halos naman manlambot ang mga paa ko sa nakikita ko ngayon. Para bang tinuturing nilang kontrabida si Hara sa kwento nila. Nakakaasar lang kaya bigla akong napaupo. Agad naman akong nilapitan ni Rence, Nash at ni Hale.

"Cinds?" Tanong ni Rence sa akin. Patuloy pa ring tumutulo ang mga luha ko dahil sa nakikita ko. Hindi ako nagseselos pero, nasasaktan ako para kay Hara.

"Cindy anong problema?" Tanong ni Nash sa akin habang tinititigan ang mga mata ko.

"Hindi ganung tao si Hara. Bakit ganun ang tingin ni Ace sa kanya?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Napayuko naman si Nash at alam kong umiiyak na siya.

"Hindi ba niya alam na kung may nasaktan dito ng lubos si Hara yun? Pinsan siya eh, at itinuring pang kapatid. Kung makaasta si Ace akala niya siya lang ang nasasaktan." Sabi ko at humagulgol na ako ng iyak. Agad namang tumayo si Hale.

"Susundan ko lang siya" Paalam ni Hale sa amin. Si Ace naman napatingin kay Hale. Ang sarap-sarap niyang kilitan ng buhay.

"Pupuntahan niya si Hara" Sagot ni Rence habang nakatingin kay Nash. Galit si Rence kay Ace at nararamdaman ko yun.

"Ano na naman to? Kinakampihan niyo na naman yung babaeng yun?!" Galit na tanong ni Ace kay Rence. Si Rence naman tumingin kay Ace.

"Oo! Dahil siya yung may hawak ng ala-ala ng kapatid ko! For Pete's sake Ace, siya yung nag-alala sa akin! Eh ikaw na pinsan ko at leader ko mismo halos di mo nga lang pinansin yun eh!" Sabi ni Rence kaya sinuntok ni Ace si Rence.

"Nagsinungaling siya!" Sigaw ni Ace sa amin.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan Ace? Isipin mo nga! Itinuring ni Hara na kapatid yang babaeng yan! Kaya sa lahat sa atin dito, siya yung pinakanasasaktan! Tapos kung makaasta ka parang ikaw lang yung nasasaktan!" Sigaw ko sa kanya. Agad akong sinampal ni Ace.

"Mga walang utang na loob!" Sigaw niya sa amin.

"Kami ba?! Sa tingin ko ikaw yun eh! Ilang beses niya na bang ipinahamak ang sarili niya para sa'yo? Siya ang pinakahuli sa atin Ace! Nakalabas na tayo pero siya papalabas pa lang! Siya yung napuruhan! Dahil inuna niya tayo kaysa sa sarili niya! Tapos sasampalin mo siya?!" Sigaw ni Nash kay Ace. Si Ace naman napatigil.

"Dahil nagsinungaling siya!" Sigaw niya sa amin.

"Sigurado ka? Have you ever let her explain? Sa tingin ko wala eh. Hindi mo siya hinayaan." Sagot ko sa kanya at tumayo na.

"At ikaw babae ka. Pinsan mo ba talaga yun? Bakit di mo siya ipagtanggol. Ah tama dahil inuna mo pa yang kalandian mo kaysa sa pinsan mo!" Sigaw ko sa kanya sasampalin sana ulit ako ni Ace pero hinarangan siya ni Nash.

"Subukan mong saktan ulit si Cindy at mas dadami ang atraso mo kay Hale. Tama nga si Hale, nagustuhan mo lang si Hara dahil kahawig niya si Leonora, at ngayong nagbalik na siya, iniwan mo na siya, at worst, sinaktan mo pa. Tandaan mo to Ace, dahil sa ipinakita mo ngayon, hinding-hindi na kami papayag na malalapitan mo pa si Hara ulit. Nasaktan mo na siya. Tama lang na nawala na ang tiwala niya sa'yo, dahil hindi ka naman talaga katiwa-tiwala." Sabi ni Rence kay Ace. Napatigil naman si Ace sa sinabi ng pinsan niya.

"Alam mo Ace, siya lang ang may kakayahang magligtas sayo. Pero ngayon binigyan mo siya ng rason para paslangin ka niya" Sabi ni Nash habang naghahanda upang umalis.

"Nabigo mo si Tito Ace, hindi mo naalagaan ang SEER mo. At bakit? Dahil pinairal mo yang katangahan mo. Hinding-hindi na siya babalik sa'yo tandaan mo yan" Sabi ni Rence kay Ace.

"Tama nga si Hara, naturingan ka pa namang leader pero ikaw pa tong walng puso" Sabi ko at umalis na. Sinundan naman ako nila Nash at Rence. Yung dalawang makitid ang utak ayun, andun sa bruhitang si Leonora. Bwiset.

Hale's P.O.V.

Sinundan ko ang mga patak ng dugo sa lupa, sa amin kasi, siya ang pinaka napuruhan dahil mas inuna niya kami kaysa sa sarili niya. Mas inuna niya pa nga yung pinsan niya eh kaysa sa kaligtasan niya. At hindi man lang alam ni Ace yun.

Nakita ko siya sa isang puno, umiiyak lang siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Yung tipong ang hina-hina niya dahil ang ipinapakita niya lang sa amin ay ang kalakasan niya. Pinilit niyang mabuhay para sa amin, at unti-unti namang dinudurog ni Ace ang puso niya.

"Hey" Bati ko sa kanya pero hindi niya ako narinig. Umupo na alng ako sa tabi niya at pinagmasdan ko siyang umiyak.

"Hi-hindi k-ko a-alam n-na s-siya s-si L-Leonora" Pagpapaliwanag niya sa akin. Nauutal siya, ibig sabihin takot na takot siya. Sampalin daw ba siya na dalawang beses.

"Sssshhhh, wag ka na magpaliwanag, alam ko naman eh" Sabi ko sa kanya. Umiiyak parin siya. Hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa takot.

"Ang kitid kasi ng utak ng leader natin eh. Hindi ka lang man niya sinubukang pakinggan" Sabi ko sa kanya pero umiiyak pa rin siya.

"P-pagod n-na a-ako" Sabi niya sa akin at unti-unti na siyang nawalan ng malay. Kinarga ko naman siya at tinahak yung daan pabalik dun sa lugar kung saan kami nakaligtas. Naabutan ko pa si Ace, Jaden at Leonora dun na nakaupo.

"Bakit mo binalik yan?!" Galit na tanong ni Ace sa akin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Dahil siya ang nagligtas ng buhay natin. At lalong-lalo na ng buhay mo Leonora. Kaya kung ayaw mo siyang kasama, umalis ka! Dahil sa tingin ko nilayasan ka na ng mga kagrupo mo." Sabi ko sa kanya at lumayo sa kanila. Pero bago pa ako makaalis ng tuluyan, sinabihan ko muna si Ace ng:

"Masasaktan ka rin gaya ng ginawa mo sa kanya"

A/N: Hello po. Umakyat na po tayo hihi!! Sige po continue to support. Tig-iisang update na lang po ako ha. Magcomment tsaka vote po kayo para mas masaya si Author na magsulat. Hihi. Thank you po.

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon