Chapter 21

10.2K 265 6
                                    

Hara's P.O.V

Andito na kami sa Dorm namin ni Cindy, tong babae naman na nasa harap ko, nakabusangot ang mukha na wala akong ideya kung bakit sira ang mukha. Kala mo nalugi eh.

"Anong mukha yan CINDYRELLA?" Tanong ko sa kanya. Hindi Cindyrella ang pangalan niya. Trip ko lang talaga siyang pagtripan ngayon. Hahaha

"Wag mo akong ma Cindy-Cindyrell jan Hara, di ko naiwan ang sapatos ko, at hindi ako hinabol ng prince charming ko" Sabi niya na hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ang mukha niya. Kita mo tong babaeng to. Hindi na maipinta ang mukha sa sobrang sira.

"Ano ba kasi ang problema mo jan?" Tanong ko ulit sa kanya. May itinapon naman siya sa akin isang letter.

'Dear Cindy,

I like you, no more flowery words to make this letter long. I love your smile, your nose, your cold eyes, your cheeks. I like every part of you.

Love Yael'

"Kyaaaaaah!!" Tili ko dahil sa kasweetan ni Yael kay Cindy. Ang hindi ko lang maintindihan bakit nakabusangot ang mukha ng babaeng to ngayon. Wala ba sa bukabolaryo niya ang word na smile at happy?

"Bakit ka nakabusangot eh ang sweet-sweet nga nito eh!" Sabi ko sa kanya. Tinitigan niya naman ako.

"Anong sweet? Baka isa lang yang paraan para kunin ka!" Sabi niya sa akin. Ay praning. Nagtatapat na nga sa kanya yung tao ako pa rin yung iniisip niya. Bigyan ko na kaya siya ng leksyon? Yung sampal na side by side para damang-dama -.-

"Loka-loka ka rin no? Nagtatapat na nga yung tao with a letter. Kung hinablot ka lang jan sa gilid at sinabihan na 'Hey I like you' jan ka magduda! Nag effort pa siya para linlangin ka diba." Sabi ko sa kanya kaya napaisip naman siya sa sinabi ko.

"Sa tingin mo? Serious siya dito sa confession niya?" Tanong niya sa akin. Anlabo niyang kausap.

"Paulit-ulit lang? Ilang turnilyo ba ang natanggal jan sa utak mo at parang hindi nag fufunction ng maayos?" Tanong ko ulit sa kanya. Pero imbes na sumagot. Binatukan niya ako. Walanghiya.

"Pero Hara, nakita ko yung moment niyo ni Ace kanina ha. You look good together bakit kaya di na lang maging kayo? I'm sure na maraming maiinggit sa inyo. You'll be Mr. And Miss LMFH. Kyaaaah so amazing!!" Sigaw niya sa dorm. Tinapunan ko ng unan yung mukha niya kaya napatingin siya sa kin.

"Yah! Why'd you do that?" Singhal niya sa akin.

"Ingay mo! Ano bang pinagsasasabi mo jan?" Tanong ko sa kanya.

"Gaga ka I heard yung mga I need you tsaka come back to me ni Ace sayo. Confession diba yun in a different way? Parang front niya lang yun. Pero ang totoo its a confession. Gusto ka ni Ace HARA di mo ba napapansin yun?" sabi ni Cindy sa akin.

"Hoy babae ka. Wag ka ngang gumawa ng kwento jan. Palipad kita ngayon eh. Tsaka ginawa niya lang yun kasi kinailangan niya ako sa grupo. Mag hunus dili ka nga Cindy." Sabi ko sa kanya.

Hale's P.O.V.

"Hoy tatanungin natin siya ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Nababaliw ka na ba? Gusto mong mamatay ng maaga?" Tanong sa akin ni Jaden.

"Hindi para maliwanagan lang naman tayo." Sabi ko sa kanya.

"Kung gusto mo ikaw ang magtanong." Sabi ni Nash sa akin. Eh sa gusto ko lang naman malaman ang katotohan eh. Mali ba yun? Bawal ba yun? Ha Sagutin niyo ako Bilis!!

"Eh kailangan ko ng back up. Paano kung kitilin ni Ace ang buhay ko? Gusto ko may witness agad para agad-agad akong maihaya" Sabi ko sa kanila. Agad naman akong binatukan ni Rence. Ang sadista ng isang to.

"Nababaliw ka na ba? Gusto mo talagang mamatay? Huy Hale para sabihin ko lang sayo, di magmamadali si Ace sa pag kitil ng buhay mo. Yung tipong ikaw na lang mismo ang tatapos nito kasi ang sakit, tagos na tagos talaga." Sabi ni Rence sa akin. Kita niyo tong isang to. Hindi mo maintindihan kung nagpapaalala o nanakot eh.

"Pero may point naman si Hale eh, kailangan rin natin siyang tanungin para kung mangyari man yung bagay na yun, alam niya na yung gagawin niya diba? Hindi yung magpapadalos-dalos siya sa mga gagawin niya." Sabi ni Nash. Peace of knowledge pag nagtino si Nash, ang galing niya pong mag-advice promise. Sasabihin niyo talaga na hulog siya ng langit sa words of wisdom niya. Anlaki niyang tulong-

"Aray!" Sigaw ko sa kanila. Batukan ba naman ako ng tatlong tao.

"Ayan na siya o tanong mo na dali!" Tinulak nila ako papunta kay Ace,

"Bakit?" Tanong ni Ace sa akin. Sh*t kinakabahan ako!

"Umupo muna tayo!" Sabi ko sa kanya at hinigit siya paupo sa sofa.

"Ace heart to heart talk tayo ha" Sabi ko sa kanya. Napatitig naman siya sa akin.

"Paano kung- Paano kung bumalik si Leonora?" Tanong ko sa kanya.

"Paano si Hara?" Tanong ko sa kanya. Napayuko siya sa akin.

"Huh?" Takang tanong niya sa akin. Nagugulahan siya. Oh paano kung on the spot na diba?

"Kung bumalik si Leonora, ano ang gagawin mo kay Hara?" Deretsong tanong ko sa kanya. That caught him off guard. Oh di ba?

"I don't know. Hindi ko alam." Sagot ni Ace habang nakatitig sa floor.

"Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Both of them are special to me." Sagot niya sa akin.

"Ano yan Ace?! Dual Heart?! Nahihibang ka na ba?!" Galit kong tanong sa kanya. Napaseryoso ang mukha niya habang nakaharap sa akin. I know he's serious about this topic.

"Hindi mo na lang sana siya pinakikitaan ng special treatment para hindi sumagi sa isip niya na special siya sayo!" Sigaw ko sa kanya. Tumayo ako pero agad akong hinawakan ni Nash at Jaden.

"Hale calm down!" Bulong ni Nash sa akin.

"Bakit ba Hale? What's the big deal? Bakit ba ganyan ka mag-alala ha?! Bakit ba?!" Sigaw rin ni Ace sa aakin. Galit na rin siya.

"Cause I f*cking like Hara, Ace! And I don't mind it because of you!!" Sigaw ko sa kanya.

Z��8ُg

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon