Chapter 22

9.6K 241 5
                                    

Nash's P.O.V.

"Cause I f*cking like Hara Ace!" Sigaw ni Hale sa kanya kaya napatigil naman siya. Abong confession to Hale? Agad-agad? Di niya lang man kami sinabihan? -.-

"Hoy Hale! Kumalma ka nga. Ano ba yang pinagsasasabi mo? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Sigaw ni Jaden kay Hale. Tiningnan ko naman si Ace ngayon na muntunganga lang. Nagpipigil na naman siya ng galit.

"Di pa ba obvios Jaden? I LIKE HARA! Bingi ka?" Tanong ni Hale kay Jaden. No this is not him. Ibang iba siya sa Hale na kilala namin. Is this another tactic? Nabigla naman ako nung biglang hinigit ni Ace ang kwelyo ni Hale.

"Ganyan ka na pala ngayon? Nang-aagaw?" Sabi niya habang hinahawakan ang kwelyo ni Hale.

"Ace! Ace! Kumalma ka muna" Sabi ni Rence na pinipigilan na rin si Ace. Pero dahil sa sadyang malakas si Ace, di pa rin siya nagpapapigil.

"Bitawan niyo nga ako! LIsten to this Hale, I will make your life miserable." Sabi ni Ace at lumabas na ng kwarto. Lahat naman kami napatitig kay Hale. Tong mokong na to.

"Hoy Hale Tieszen, ano na namang drama yun? Sryoso ka ba sa kagaguhang yun ha?!" Galit na tanong ni Rence

"What do you think so?" Tanong ni Hale sa amin. Agad naman siyang nasuntok ni Jaden sa mukha.

"Gag* ka. Agawan pala ang gusto mo ha?! Hale for Pete's sake. NAHIHIBANG KA NA BA?" Tanong ni Jaden kay Hale na ngayon ay pinupunasan ang dugo sa labi niya.

"Anong gusto mo? Kung bumalik si Leonora, pinaasa lang si Hara? Hindi niyo ba narinig ang sinabi niya? Hindi niya alam! Anong gusto niyo? Pabayaan ko si Hara? She's so damn SPECIAL!" Sigaw ni Hale sa amin.

"Kaya mo ba siya kasi SPECIAL SIYA?? Damn Hale! Si Ace gusto niya si Hara kasi siya si Hara!" Sigaw ni Jaden kay Hale.

"Sigurado ka? Hindi mo ba inisip na baka nagustuhan lang ni Ace si Hara dahil sa pagkakahawig niya kay Leonora? Hindi mo ba inisip yun ha?" Tanong ni Hale habang nakayuko.

"Alam niyo kasi hindi madaling makakita ng tulad ni Hara. Yung tipong matapang, maganda at higit sa lahat, kayang manakit ng ibang tao para lang iligtas ang malapit sa kanya! Pero si Ace, ang tingin niya kay Hara ay walang iba kundi si Leonora!" Sigaw ni Hale ulit sa amin. We were left dumbfounded. Hale is really Hale, marunong siyang mag-isip across the line.

"Ang hirap lang kasing isipin na ang isang Hara Vanderweele eh masasaktan lang bigla dahil sa pagdating ng babaeng di niya naman kilala" Sabi ni Hale. Napansin kong may kuminang sa mga pisnge niya. Umiiyak si Hale.

"Ha-hale?" Tanong ni Rence kay hale at nilapitan si Hale.

"Pasensya na kasi hindi namin inisip yang mga pinag-iisip mo. Di namin inisip na baka si Leonora nga ang nakikita ni Ace kay Hara." Sabi ni Rence At yumuko na rin.

"Parang bago na kasi sa atin na may magustuhan si Ace na babae. Kaya nung umamin siyang gusto niya si Hara, laking tuwa namin. Tapos nung nalaman naman namin na gusto mo rin si Hara naging makitid ang utak namin. Hindi namin inisip yung naiisip mo." Sabi ni Rence habang nakayuko pa rin.

"Wala naman akong balak agawin si Hara eh kung talagang mahal siya ni Ace, hindi na ako manggugulo. Ang pinangangamba ko lang, baka pagbalik ni Leonora maiwan nang nag-iisa si Hara. Espesyal si Hara sa ating lahat. Sa iyo Nash kasi may bago ka nang Ate, sa iyo naman Jaden, kasi may nakakausap ka na tungkol sa seryosong bagay ng matino. Sa iyo naman Rence, nabigyan ka ng bagong rason na bumalik dito sa LMF High. Kay Cindy naman, natuto na ulit siyang makisama sa isang tao. At sa akin, nabigyan ako ng bagong rason para tumawa. Lahat naman tayo ayaw na masaktan si Hara kahit na pinagbuhat niya tayo ng tig-aanim na tao nung napikon siya, kahit na ginagawa niya tayong target ng Chakram niya, kahit na tinatakot niya tayo sa pagiging cold niya. Kasi handa niya naman kasi tayong ipagtanggol eh. Kaya nga ayaw na ayaw ko siyang masaktan, emotionally." Speech ni Hale. Oh sulitin niyo nang nagdradrama si Hale. Minsanan lang yan. Ate ko lang si Hara. Ang kapre ng height ko tapos ginaganyan-ganyan lang ako. -.-

"Kahit sila Trevor may isang pagbabago rin simula nung dumating si Hara. Naging marunong na silang mag-isip ng iba't-ibang plano para kunin si Hara. Alam ko kahit sila ayaw rin naman nilang masaktan si Hara eh. Kahit na paulit-ulit nila itong kidnappin, pag dumating na kami, kusa na lang nilang ibibigay si Hara. Kasi ayaw nilang gamitin ang kahinaan ni Hara, ang puso niya." Si Hale ulit yan. Hayaan niyo na. Words of wisdom niya yan. Minsan lang yan kasi most of the time, kalokohan ang pinag-sasabi niyan.

"Kaya kung sasaktan niya lang si Hara ay hinding-hindi ko siya hahayaang makuha si Hara. Kahit na kamatayan ang kaparusahan sa akin." Sabi ni hale at tuluyan nang umalis ng kwarto. Walk out king guys. Paki sampal na lang salamat.

"Every word that Hale said, has a deep meaning. Kahit na puro kadramahan lang yung pinag-sasasabi niya" Sabi ni Rence habang naka nguso.

"So sa tingin niyo, ano ang gagawin ni Hale?" Tanong ko sa kanila.

"Minsan nga Nash gamitin mo utak mo." Sabi ni Jaden hhabang naka salubong ang kilay.

"Eh ano nga? Wala akong ideya eh." Sagot ko sa kanila.

"Ewan ko wala rin akong ideya eh" Sagot ni Jaden sa akin. Agad ko naman siyang binatukan. Aba't gag* to ah.

"Ikaw kung makapagsabi ka sa akin na gamitin ko ang utak ko, para mo ring ginagamit yang utak mo. Manahimik ka na nga jan at baka batukan pa kita ulit." Sabi ko sa kanya. Kaya tumahimik na lang siya. Kainis kabwiset ng araw.

"Simple lang." Sabi ni Rence kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi niya isusuko si Hara" Sagot niya sa tanong naming dalawa.

"Pero ang magandang tanong dito ay-" Sabi ni Rence kaya napatingin ulit kami sa kanya. Pero napaisip kami nung sinabi niya to:

"How will an Ace Knier make a Hale Tieszen suffer?"

A/N: Hello po. Hindi po ako nakapag-update kahapon kasi gumala po si Miss A. Lumakwatsa kasama ang mga kaibigan. Kaya ayun po mianhe

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon