Chapter 44

8.6K 171 4
                                    

Hara's P.O.V.

"Hoy babae, ano na namanyung issue niyo ni Nash? Don't tell me nangangamoy, love triangle tayo ngayon? Naku-naku Cindy, buti pang iwas-iwasan mo na yang kalokohang yan. Gulo yan" Pagbabanta ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya.

"Aba nagsalita ang hindi nanggugulo ah. Hoy Sahara Vanderweele, for your information, nung kulang na lang tsugiin mo lahat ng estudyante dito, di ba gulo yun" Sabi niya sa akin. Binigyan ko siya ng pamatay na tingin.

"Tahimik ka ngang walang hiya kang loko ka, iba yun eh. Tsaka duh, love traingle ng mga gangsters? Okay ka lang? Para kang nakipag patintero kay kamatayan nyan eh" Sagot ko sa kanya.

"Bakit pag kasama ba kita, di na ba ako nakikipagpatintero kay Kamatayan?" Sagot niya balik sa akin. Tinapunan ko naman siya ng unan, kaya lang, nakailag ang loka-loka.

"Teka nga, ano ba kasing nangyari sa inyo ni Nash? Bakit ganun ang sinasabi ng Buio E Luce, what's with them? Or good question, what's with you?" Tanong ko with a smirk. Halata namang medyo nataranta siya. Hahaha Oh diba? Ang galing kong mambwiset ng tao. Parang wala naman siyang balak na sumagot kaya ginawa kong panakot yung Chakram ko.

"Magsasalita ka or hindi?" Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang lumunok ng ilang beses. Hahaha halatang natatakot ang gaga.

"Sila Hale kasi, they caught him off guard. Kinanta nila yung I think I'm In Love Again tapos iniwan kami ni Nash dito. Tapos umamin siyang gusto niya ako." Pag-amin ni Cindy sa akin. Humagalpak naman ako ng tawa kaya nag-iba ang timpla ng mukha niya.

'Arf Arf Arf'

Bagong gising si Cream, hahahaha alam ko kasi, tumahol yun dahil naistorbo sa tulog niya. Hahaha mana na si Cream sa akin. Mainitin na ang ulo niya. Hahahaha

"Ang ingay mo kasi, inostorbo mo ang aso ko" Reklamo ko sa kanya at hinimas-himas ang balahibo ni Cream. Tumayo naman si Cindy na nakapamewang.

"Kyaaaaaaaaaaaaaah" Sigaw ni Cindy kaya napatakip ako ng tenga. Pati si Cream, nagtakip na rin ng tenga. Ang ingay kasi ni Cindy.

"Ano ba naman Cindy? MAy balak ka bang sirain ang eardrums namin dito?" Tanong ko sa kanya. Nag peace sign naman ang loka pero umakyat na siya sa higaan niya.

"Kyaaaaaah ang cute!!!!!" Tili niya na naman kaya tinakpan na naman namin ang tenga ko.

"Isa pang tili mo, gigilitan ko na talaga yang leeg mo. Ang sakit-sakit na ng tenga ko." Sabi ko sa kanya Pero tinarayan niya lang ako.

"Tingnan mo to oh. She's so cute!! Mas cute pa sa Cream mo" Sabi niya habang kalong-kalo ang isang pusa. Napansin ko lang ha, itong dorm namin, may bigla-bigla na lang na sumusulpot na hayop dito. Di na ako magugulat kong may lumabas na ahas dito.

"Finally! I have my very own pet" Sabi niya habang hinihimas-himas ang balahibo ng pusa niya.

Pusa? Tsaka Aso sa dorm? Naku-naku. This is not a good idea.

NashP.O.V.

"Oyy!" Bati ko sa kanila. Andito kami ngayon sa private room ng Buio E Luce. Nagmemeeting.

"Oh? Problema mo?" Tanong nila sa akin. Tong mga to talaga Minsan na nga lang ako namamansin sa kanila, hindi pa talaga ako sinusuportahan.

"Alam niyo, nag-iwan ako ng pusa sa dorm ni Cindy, natanggap niya kaya yun?" Tanong ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Nash, kelan mo ba talaga gagamitin yang utak mo? Alam mo naman sigurong may aso dun diba? Si Cream? Tas binigyan mo si Cindy ng pusa. Pag-aawayin mo pa ang mga hayop sa dorm nilang dalawa eh." Sabi ni Hale sa akin.

"Hala di ko naisip yun ah" Nasambit ko. Totoo naman kasi eh hindi ko naisip yun.

"Kelan ka ba nag-isip" Sabi ni Ace sa akin. Etong loko-lokong to.

"Pero Hale maiba ako ha, ngayong alam na antin na hidden agenda si Trevor kay Hara, ano ang gagawin mo? You like her diba?" Tanong ni Rence sa kanya.

"Bakit siya lang ba?" Pilyong tanong ni Jaden sa amin. Tong lalaking to, minsan lang magsalita. Nang-aasar pa talaga.

"Okay-okay, Ace and Hale ano ang gagawin niyo ngayon na Trevor is joining the competition for the heart of Hara?" Tanong ni Rence sa amin.

"Ang sagwa Rence. Para namang dudukutin ang puso ni Hara sa sinasabi mo" Sabi ko. Tinapunan niya naman anko ng matalim na tingin kaya nanahimik na lang ako.

"Once na umamin si Ace kay Hara, papaubaya na ako. Pero habang wala pa edi, shing. Tuloy ang competition" Sabi ni Hale sa amin.

"Bakit hindi pa ba umaamin si Ace?" Tanong ni Rence kay Hale.

"Paano aamin eh pinangunahan ang mga pangyayari. Yan tuloy ngangabels, ang sama ng tingin ni Hara sa kanya." Sagot ni Hale kay Rence.

"Oy-oy-oy, clarification lang, nalilito pa ako nun" Sagot ni Ace sa amin.

"Lokohin mo lelang mo Ace. Alam naman naming lahat na hindi ka talaga nakaramdam ng spark kay Leonora, pinilit mo lang ang lahat" Sabi ni Jaden kay Ace.

"Malay ko bang pinapaikot lang ako ni Leonora." Sagot naman ni Ace.

*beep*

"Guys may beep tingnan niyo nga kung sino yan." Utos ni Rence sa amin. Tingnan niyo nga to, para namang leader oh.

"Gustong makipagkita ng Monarchia Nero. Asap" Sabi ni Hale habang tinitingnan ang beep.

Agad-agad naman kaming pumunta sa lugar kung saan, nakikipagkita kami sa Monarchia Nero for business only.

"Oh ano na naman tong kagaguhang to?" Tanong ni Ace sa kanila.

"I think alam mo na kung bakit gusto naming makipagkita sa iyo." Sagot ni Trevor sa kanya.

"Ooh talaga lang ah? Baka naman hindi yun yung rason? Baka nga kayo ang may gawa ng pagsabog sa pond. Alam niyo dibang andun si Hara?" Tanong ni Ace sa kanila.

"Kung makapagbintang kayo, may ebidensya kayo?" Tanong naman ni Trevor sa amin.

"Kayo lang naman ang may alam na andun si Hara diba? At yung dalawang babaeng conyo na kasama niyo, umamin mismo na yung BOSS nila ang nasa likod ng pagsabog na yun" Sagot ni Hale sa kanila.

"The two conyo girls are just MY temporary members, at hindi na namin sila kargo ngayon." Sagot ni Trevor sa kanya.

"Ganun ba? Oh sige deal" Sagot ni Ace kay Trevor.

"Deal"

A/N: Haluuu first update for today. Mamaya na naman yung isa or dalawa. Salamat po.... Vote tsaka comment po kayo oh. Suggest po ng name ng pusa ni Cindy.... Hahahaha 700 reads thank you...

x�U�}ܦ^�$

Heiress Of DemiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon