Chapter 24

106K 3K 549
                                    

Chapter 24
Worth

Days went by and Gael never let a day pass without giving me a piece of flower. Bawat araw ay ibang klase ng bulaklak ang binibigay niya sa akin. And every flower that he's giving me, adds to the guilt that I'm feeling. Pakiramdam ko'y bawat pagtanggap ko ng bulaklak galing sa kaniya ay nadadagdagan ang pag-asa niya sa akin.

Si Isaiah ay hindi ako masiyadong nasusundo na at nahahatid nitong mga nakaraang araw dahil may kailangan ipolished sa ire-release na tour album nila na kailangan niyang tutukan.

Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko pang magtagal ang ginagawa niya para sa akin.

"Blair, you're idling again!" halos alugin na ako ni Ida dahil nakatulala nanaman ako't wala sa sarili.

"I'm sorry..." sabi ko naman at saka kinuha na ang tinidor upang nagsimula nang kumain ng pasta na ni-order ni Ida kanina.

I let her choose my food because she's treating me today. She said that she got the highest score among her blockmates in their last quiz kaya nanglilibre siya ngayon.

"I noticed that you're too pre-occupied these past few days. Magmula pa noong concert nila Kuya." pagpuna niya.

Ida can really notice the changes in my behaviour because she's my bestfriend. We're always hanging out kaya agad niyang napupuna ang pagbabago sa akin. Kahit ako din naman sa sarili ko'y nararamdaman ko na rin. It feels like I'm not myself anymore.

"Sorry... Marami lang talaga akong iniisip at gumugulo sa isipan ko." paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

Napabuntong hininga naman si Ida at binaba ang kubyertos na kaniyang hawak saka pirming tumingin sa akin. She even crossed her arms and looked so serious.

"Para saan pang magbestfriend tayo kung hindi mo is-share sa akin 'yang mga saloobin mo." she said. "Nakakatampo ka na. You always use to tell me everything pero ngayon, parang ang dami mo nang tinatago at nililihim sa akin. We're not just bestfriends, Blair. We're also partners in everything kaya bakit mo sinosolo ang problema mo kung nandito naman ako."

"Maybe I'm too scared to tell you about this... I'm hesitating, Ida." pag-amin ko. "Pakiramdam ko magagalit ka sa akin kapag sinabi ko sa'yo 'to."

"You can tell me anything, Blair... Kahit ano." sabi niya naman. "Is this about Gael? Kaya hindi mo masabi-sabi sa akin dahil kapatid ko si Kuya Isaiah?"

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi saka tumango-tango.

Iyon ang isa sa mga kinakatakot ko. Hindi ko kayang isugal ang pagkakaibigan namin ni Ida. She's like a sister to me. Hurting her brother means hurting her, and that's the last thing I'm going to do while I leave. Gusto ko ang pananakit lang na gagawin ko sa bestfriend ko ay ang panahong mamamatay na ako.

"I'm your bestfriend, Blair. We're soul sisters." she stated and smiled at me. "Huwag kang matakot na magkwento sa akin lalo na kung alam mong kailangan mo nang masasandalan. I can see that you're very confuse right now and I want to help you. Ang kaso nga lang, hindi kita matutulungan kung patuloy mong tinatago sa akin ang gumagambala sa'yo."

Nagsumikap naman siyang abutin ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.

"I'll listen to you and I'll give you a fair advice. I won't think of Kuya Isaiah as my brother for now. Trust me." she assured me.

And so, I did.

Kwinento ko kay Ida lahat ng bumabagabag at gumugulo sa damdamin at isipan ko. Wala akong tinira't binuhos ko sa kaniya lahat ng mga naipon ko at sinasarili kong problema nitong mga nakalipas na araw.

FierceWhere stories live. Discover now