Chapter 22

105K 3.1K 769
                                    

Chapter 22
Last Time

"You'll ride with me." agad namang sabi ni Isaiah nang sabihin nilang may party'ng pupuntahan upang i-celebrate ang success ng kanilang concert ngayong gabi.

"I brought my own car." sabi ko naman sa kaniya.

"I will let one of the staffs drive it to the hotel. After the party, I'll promise to let you go home on your own. Please?" he sweetly begged me.

Wala naman akong nagawa't umayon nalang sa kaniyang plano. Kapag nagprisinta pa siyang ihatid ako mamaya'y tatanggi na talaga ako. At kapag hindi naman siya pumayag, magkukunwaring galit nalang ako upang hayaan niya na ako.

"Hindi ba tayo makikita ng mga fans niyo?" nag-aalala kong tanong sa kaniya habang patungo kami sa kaniyang sasakyan.

Si Ida ay kasama ngayon si Ike. Kay Ike nalang daw siya sasabay papunta sa hotel. Umuwi na sila Tito't Tita kaya paniguradong kay Isaiah na siya sasabay pauwi.

"No, they won't." sabi niya. "The securities made sure that they will not see us. Sa iba tayo dadaan para hindi nila tayo nakita. They already secured the path."

I'm happy that Isaiah respected what I want. I thought he didn't make a plan tungkol sa pagsasabay namin na 'to at hahayaan niya lang na makita kami ng mga tagahanga nila.

Nang makarating kami ni Isaiah sa may pinagparkingan ng kanilang mga sasakyan ay nadatnan namin sina Ida, Ike, Jirro and Sic na nagtatawanan.

"Nandito na pala ang lovers." anunsyo ni Jirro nang makita kami ni Isaiah na dumating.

"Let's go, let's go!" pumapalakpak pa si Sic at pinatunog na ang kaniyang sasakyan bago pumasok dito.

Ganoon din naman ang ginawa ni Jirro, samantalang si Ike ay pinagbuksan muna si Ida ng pintuan bago tumungo sa driver's seat.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko at pati na rin ang pagngisi ko habang pinapanood si Ike at Ida. I can really sense something between the two of them kahit na idene-deny niya sa akin.

"Wala ba talagang naku-kwento sa'yo si Ike tungkol kay Ida?" kuryoso kong tanong kay Isaiah nang makasakay kami sa kaniyang sasakyan.

"Hmm... Wala naman." sagot ni Isaiah. "I also asked him about my sister pero ang sagot niya lang ay magkaibigan lang sila. They both like watching anime kaya mas nagkakasundo silang dalawa kaysa kay Jirro at Sic."

I pouted and crossed my arms. "That's not how I see the both of them, Isaiah." sabi ko naman. "Alam mo yun? I can feel something. They're just denying it, pero may nararamdaman talaga ako."

"Hindi lang naman ikaw." he glanced and smiled at me. "I'm also eyeing Ike's moves when it comes to my sister. Binabantayan ko rin siya. Alam ko namang matino si Ike, but Ida's still my little sister."

Napatango-tango naman ako. Siguro kailangan ko ring gumawa ng plano kahit papaano upang mapaamin ko si Ida. I'm really curious about them.

"Anyway... did you like the song that I made for you?" he suddenly asked me.

The lyrics of the song that he made crashed like waves inside my head. I can feel my cheeks burning because of it.

"Hmm..." I tried to sound unsure kahit na ang totoo naman ay gustong-gusto ko ang kantang ginawa niya para sa akin.

Palingon-lingon sa akin si Isaiah na para bang hindi na siya makapagfocus sa pagd-drive dahil sa kakahintay ng sagot ko.

"If you don't like it... I can make some revisions. Just tell me what I need to change—"

FierceWhere stories live. Discover now