CHAPTER 5: Flashback Chapter

Start from the beginning
                                    

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay din ng hangin kumakanta
Maari bang huwag ka nang
Sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na♪

Pansin ko na dumadami na yung tao. Pero itutuloy ko ‘to!

♪Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka♪

At ngayon nagkukumpulan na sila. Hindi naman sobrang dami pero siguro nasa sampu na silang nanonood sakin.

♪Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka..

La la la.. la la la..♪

Nagpalakpakan sila ng matapos ang kanta. Ako naman ay ngumiti lamang sa kanila at ibinalik na ‘yung mic sa sales lady. Agad-agad akong naglakad papalayo doon. Nahihiya ako na ewan.

Medyo hiningal naman ako sa paglalakad ng mabilis kaya tumigil muna ako dito sa may tapat ng McDo. Sakto at gutom na rin ko. Kakain na muna ako. Umorder ako ng walang kasawaan na Chicken Fillet with rice, hot fudge sundae at regular fries. Wala akong budget para sa Mc Spicy, uuwi pa ako. Hahaha!

Umupo ako sa pangdalawahang table lang kasi ako lang naman mag-isa. Habang kumakain ako ay may isang lalaki ang may bitbit na tray na nasa medyo early 40s na.

“Excuse me, pwede makiupo?” Mukhang propesyonal na tao ‘to. Mayaman. Pero bakit sa fast food lang kumakain? Weh.

Hindi pa man ako nakakapagsalita o pumapayag, umupo na kagad siya. Ang awkward sa pakiramdam.

“Pasensya na kung umupo ako kagad without your permission ha? By the way, I’m Mr. Eric Monson, ang head ng Interstar Records.” Nilahad niya ang kamay niya at ito’y inabot ko naman at nagpakilala rin.

“Ako naman po si Jasmuel Cerezo. Ano hong kailangan niyo sakin?” binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kanya.

Kumagat muna siya sa kanyang burger, nginuya at tsaka sumagot.

“Kanina kasi napanood kitang kumakanta doon sa may department store. Gusto ko sana na gawin kitang talent. Pasisikatin kita.” Ha? Tama ba ‘yang narinig ko? Ako? Pasisikatin? Huwat.

“Paki-ulit nga ho? Ako, pasisikatin niyo? Nako, mukhang malabo na ho ata ang mga mata ninyo. Sa itsura kong ito, nako po, huwag na ho ako. Iba na lang ho.” Sabi ko sabay subo ulit ng kinakain ko.

“May talent ka sa pagkanta, hijo. Alam kong taliwas ka sa totoo mong kasarian pero napakaganda ng boses mo. At tsaka wag mong problemahin ang itsura mo, ako ang bahala na magpabago sayo.” Sabi niya at uminom sa soft drinks niya.

Totoo na ba talaga ‘to? May kumukuha sakin as talent? Kaso pag pumayag ako, baka magulang na lang ang mga magulang ko.

“Naguguluhan po talaga ako. Nananaginip lang ata ako. Pag-iisipan ko na lang po.” Sagot ko sa kanya.

Nilabas niya ang wallet niya at may kinuha na isang maliit na card. Iniabot niya ito sa akin.

“Kung ganon, contact me kung nakapag-decide ka na. I hope to see you soon.” Tumayo na siya at umalis.

Kinuha ko ang maliit na card na ito at nakita kong siya ang president ng Interstar Records na hawak ng ABS-CBN. Ito rin yung recording label ng mga idol kong si Angeline Quinto at marami pang iba.

Tanggapin ko kaya? Kausapin ko muna sila sa bahay.

Behind the Spotlight (COMPLETED)Where stories live. Discover now