Akala ko naman kung ano ang problema nilang dalawa ni Daddy at kung bakit malungkot si Mommy ngayon. I think Mom just can't stand being away from Dad dahil sanay siyang lagi silang magkasama.

Maybe that's why she trained me to be independent dahil mahihirapan ako kung sakaling maging dependent ako sa kanilang dalawa dahil palagi silang wala. I'm suddenly being thankful nang dahil doon. Siguro'y talagang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay mayroong rason. Hindi nangyayari dahil ganon lang talaga at hindi nangyayari dahil itinadhana lang... Dahil kung ganoon, parang wala kang halaga. Parang hindi sa'yo ang sarili mo dahil hindi naman pala ikaw ang may hawak ng buhay mo.

"Ilang araw na po bang wala si Daddy?" tanong ko.

"Two days..." she answered.

I can't help but to smile. Mom really can't live without my Dad by her side.

"Hmm... There's still five days left, Mom." sabi ko.

"I know. That's why I'm getting lovesick here." sabi ni Mommy't bahagyang tumawa. "I miss your father so much."

"He'll be home soon, Mom." I said.

Mas lalo namang tumawa si Mommy at hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.

"I sound like a teenage girl waiting for his boyfriend to be home from an overseas trip." she teased herself and then laughed again. "Anyway... can I call you often?"

"Of course, Mom. Whenever you feel lonely." sabi ko naman.

"Thank you, Blair. I love you." she said.

Mas lalo naman akong napangiti. Kapag kay Mommy na nanggagaling ang tatlong salitang 'yon ay kakaiba talaga ang sayang nararamdaman ko.

"I love you too, Mom." sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Ngiting-ngiti ako habang pabalik ng campus. I think no one can ever break the happiness that I'm feeling, but the moment I saw Gael, leaning on the wall outside the room, I knew I was wrong. Mayroon palang makakapagpawala sa sayang nararamdaman ko.

Balak ko sanang mag-ikot-ikot muna for a few minutes bago pumasok sa room ngunit nang makita kong napalingon siya sa akin ay wala na akong choice kundi ang maglakad na papasok. I don't want him to think na iniiwasan ko siya. Gusto ko'y maging malinis ang paglayo ko sa kaniya.

Gael smiled when he saw me. Nang makita niya akong papalapit ay umayos siya ng tayo at pagharap sa akin. But right when I'm about to pass through him, I saw his smile faded.

Dire-diretso ako papasok sa room at umupo sa aking madalas na inuupuan dito. Nagawa ko pang ilabas ang libro ko kahit wala namang pag-aaralan para lang isipin niyang ayokong magpa-istorbo dahil nag-aaral ako.

Ang akala ko'y umalis na siya ngunit nang may tumayo sa aking harapan, kahit di ko pa tinitingala'y alam kong siya na 'yon. I can smell his familiar scent that made me know it's him.

"I'm studying, Gael." panguna ko na sa kaniya habang pirming nakatingin pa rin ako sa aking libro, nagkukunwaring nag-aaral.

"I know." sabi niya't naglapag siya ng isang sunflower sa aking lamesa.

My lips slightly parted. I didn't even see him holding this earlier nang makita ko siyang nakatayo sa labas ng classroom.

"I don't know your favorite flower but I ask the florist what to give a girl except a rose and she told me sunflower, that's why..." he explained.

"Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa." sabi ko nalang.

Kinuha ko ang sunflower na nakaharang sa aking libro dahil sa kaniyang pagkakalapag at nilagay sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

"So uhm... study well. I'll go now." nag-aalangan niyang pagpapaalam sa akin.

Tumango nalang ako nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin sa kaniya. I don't want to see him, not this close.

Narinig ko nalang ang kaniyang pagbubuntong hininga bago tuluyang umalis sa aking harapan.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakaalis na siya. Nilingon ko ang sunflower na binigay niya sa akin at kinuha ito. Inilapit ko ito sa akin at hindi ko maiwasan ang mapangiti.

I can't deny that Gael's a kind of man who's full of efforts. Nakakapanghinayang at nakakakonsensya nga lang dahil sa akin niya inaalay ang mga efforts na binibigay niya na kahit kailan ay hinding-hindi ko masusuklian.

Kung sakaling nagpatu-patuloy man siya sa kaniyang ginagawa, sa tingin ko'y hindi na ako mananahimik. I need to tell him eventually that I need him to keep his distance away from me. The last time I told him to stay way, he didn't listen. This time, hindi ko na hahayaan pang suwayin niya pa 'yon.

I don't want to hurt him more... He needs to consider and respect that this is what I want and I will whatever it takes to make him understand.

Habang nasa gitna ng klase'y naramdaman ko ang pagv-vibrate ng aking cellphone kaya pasimple ko naman itong dinukot sa aking bulsa. Wala namang pakealam ang professor ko't kapag nagtuturo siya'y nasa board lang ang kaniyang focus sa kakasulat ng kung anu-anong main points ng lesson na idini-discuss niya.

Isaiah:
Sorry, I didn't get to pick you up earlier. I overslept. But, I'll definitely fetch you later. I asked your sched from Ida. You don't need to reply. I know you're busy. See you later.

Nang mabasa ko ang mensahe ni Isaiah para sa akin ay agad lumipad ang aking mga mata sa bigay ni Gael na sunflower. I don't know if I should let Isaiah see this or not.

Throughout my current subject down to my last subject for this day, ang tanging nasa isipan ko lang ay kung saan ko pwedeng mailagay ang sunflower para hindi makita ni Isaiah.

But of course, I don't want to deprive Isaiah about knowing this. Gusto kong maging honest sa kaniya. Ayokong maglihim o magtago kahit na maliit na bagay man 'yan. Minsan, sa pagtatago natin ng akala nating maliit na bagay lang ay diyan nagmumula ang malaking gusot sa isang relasyon. Mas maganda ng maagapan kaysa lumala.

Ten minutes before my last class ended, Isaiah already texted me that he parked his car sa may Mcdo sa tabi ng University Mall.

Agad ko namang namataan ang sasakyan ni Isaiah nang makarating ako doon. Pero bago ako sumakay sa front passenger seat ay luminga-linga muna ako sa paligid para tignan kung may nagmamasid sa akin.

When I saw that the coast was clear, I made my way inside his car, fast like a thunder strike sa sobrang takot na baka may makasilip sa kaniya't makita kaming dalawa. I need to be extra cautious lalo na kung wala namang pakealam si Isaiah sa pwedeng mangyari sa aming dalawa.

Isaiah's wide smile welcomed me, but it instantly faded when his eyes drifted to the sunflower that I'm holding.

"That's uhm... ah... a sunflower." nag-aalangan niya pang sabi.

Bahagya ko namang inangat ang sunflower para mas maipakita sa kaniya. "Sunflower nga." sabi ko naman.

Tumango-tango siya't itinikom lang ang bibig saka pinaandar na ang makina ng kaniyang sasakyan.

"Bigay sa akin 'to ni Gael." dagdag ko na kahit hindi niya naman itinanong kung sino ang nagbigay nito sa akin.

Isaiah's forehead creased and glanced at me before looking back at the road. "What's his name again?"

"Gael." sabi ko ulit. "He's the guy that I was telling you about. Yung nirereto sa akin ni Daddy at yung inamin ko noong isang araw... siya din 'yon."

"Well... what a lucky guy, huh?" kahit na itago niya'y hindi pa rin nawala ang pagka-sarkastiko ng tono ng kaniyang boses.

"If I tell you that I'm only yours, will you still think that he's luckier than you?" paghamon ko sa kaniya at bigla namang bumagal ang pagtakbo ng kaniyang sasakyan nang dahil sa sinabi ko.

"Not just luckier than him... but the luckiest among all men." he said and looked at me. "If I have you..."

FierceWhere stories live. Discover now