S E V E N T Y - T W O

313 17 0
                                    


day 287

"Sinabi na kasing pagayahin mo ako! 'Yan tuloy, feeling ko babagsak pa ako sa Physics!" Natatarantang wika ni Matt kay Joshua. Hindi lang siya pinansin ni Bato kaya naman mas lalo na siyang nag-hysterical. "Makaka-graduate kaya ako!?"


Dahil sa sobrang lakas na boses ni Matt ay binatukan ko siya. Mamaya ay mapaalis pa kami rito sa lounge kung saan namin hinihintay na matapos mag-exam sina Shana. Balak kasi naming kumain magkakasama para naman ma-relax kami nang kahit kaunti.


"Mabait naman 'yang si Ms. Alice. Ipapasa ka na niyan!" Sabi ni Francis. Tumingin naman sa akin si Matt na alalang-alala pa rin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.


"Oh, anong problema mo?" Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago muling nagpapadyak doon sa kinauupuan niya. Seryoso, saang lupalop ba namin napulot ang isang 'to? Nakakahiyang kabarkada eh.


"Matt ang pangeeeeet mo!" Napalingon kami sa sumigaw at nakita sina Shana at Leslie na papalapit sa amin. Bigla naman akong napangiti dahil mukhang maayos namang natapos ni Shana ang exam.


"Shanaaaaa! Babagsak ako sa Physics!" Yayakapin sana ni Matt si Shana pero hinila ko ang braso ni Shana, dahilan para muntikan nang matalisod si Matt. Natawa naman silang lahat at napanguso na lang si Matt. "Madamot!"


Tumingin naman sa akin si Shana at ngumiti na parang nanloloko. "Ikaw ha, napaghahalataan na kitang may crush sa akin!" Sabi pa niya saka pinisil ang mga pisngi ko. Pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko dahil sa sobrang lapit ni Shana.


Nang bitawan niya ang mga pisngi ko ay nagkibit-balikat na lang ako saka siya inakbayan. "Oh, tara na?" Tanong ko sa kanila, at nagtanguan naman sila. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa themed café na palagi naming tinatambayan.


Nauna silang maglakad at naiwan kami ni Shana sa likod. Tahimik si Shana, kaya naman bigla akong na-curious sa kung ano ba ang iniisip niya. Madalas kasi kapag magkasama kami ay siya ang madaldal. Ano kayang meron?


"Shans, okay ka lang?" Mukha naman siyang natauhan at tumingin sa akin, saka tumango. Ibinalik niya ang tingin niya sa daan at kita kong may bumabagabag sa isip niya. Tumigil ako sa paglalakad at saka siya hinarap sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya. "Sigurado ka?"


Bigla-bigla na lang namula ang buong mukha ni Shana. Ang cute niya, pero dahil may gusto akong malaman, mamaya ko na lang sasabihin. Ilang segundo pa siyang natahimik, bago nagsalita.


"Kinakabahan ako sa results ng finals ko." Sabi niya, saka siya umiwas ng tingin. Bigla naman akong natawa at napabalik ang tingin niya sa akin. "Anong nakakatawa roon?"


Pinisil-pisil ko ang pisngi niya habang nakangiti. "Diba sabay tayong nag-review? Alam kong marami kang nasagot kasi ako ang nagturo sa'yo!" Kinindatan ko pa siya bago binitawan ang pagkakahawak sa pisngi niya. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita kong medyo lumungkot ang mga mata niya pero bago pa ako makapagtanong ay hinila na niya ako para makaabot kami sa mga kaibigan namin.



Shana's

"Ang sarap talaga nitong chocolate cake!" Masiglang sabi ni Leslie habang ninanamnam ang inorder niyang chocolate cake. Natawa naman kami sa biglang pagbabago ng mood ni Leslie dahil kanina ay medyo bad trip siya.


"Shans, paborito mo 'tong patata diba? Eto oh." Nilagay naman ni Lucas ang dalawang piraso ng baby potatoes doon sa plato ko. Napangiti naman ako nang malawak dahil gustung-gusto ko ang mga ito!


Narinig naman namin ang kantsyawan ng mga kasama namin kaya hindi ko maiwasan ang mahiya.


"'Wag niyo nang ipamukha sa akin forever alone ako, okay?" Singhal ni Matt, habang tinutusok-tusok ang pasta niya. Siniko ko naman siya, dahil katabi ko lang naman siya. "Oo na, Shana. Gets ko na talagang wala kong pag-asa sa'yo."


"Ang drama mo Matt!" Hindi ko na napigilan at sinuntok ko na ang braso niya. "Nandiyan lang naman si Lauren diba? Sayang nga lang at hindi siya nakasama." Natatawa kong sabi. Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.


"Summer break na, saan niyo balak magpunta?" Pag-iiba ng topic ni Kuya France. Gusto ko sanang ma-excite pero bigla kong naalala ang kondisyon ko. Tuwing summer break naghihigpit sina Kuya sa akin dahil masama sa akin ang masyadong magpa-init.


"Kung may plano kayo, pass muna kami ni Shana. Masama sa kanya ang pagbabad sa initan." Sabi ni Leslie. Kita ko namang medyo na-disappoint sila, at nalungkot naman ako. Ayoko kasing naapektuhan 'yung plano nila dahil sa akin.


"Edi pumunta tayo sa Baguio! Hindi malamig doon!" Pags-suggest ni Matt. Nakita ko namang umiling si Joshua at napanguso naman ako. "Bakit naman bawal doon?"


"Malapit na ang graduation, mapa-paranoid lang ang parents namin." Napatango naman kami. Hindi nga rin pala kami pwede magla-labas dahil maraming superstitions sa mga graduating.


"After grad, tara na lang mag-beach!" Masigla kong sabi. Umiling naman si Leslie pero nginitian ko lang siya. "Isama natin ang parents natin para makampante naman kayo." Natatawa kong wika.


"Shana, sinabi na ngang bawal kang magbabad sa initan diba?" Pagbabanta ni Lucas. Dahil sa hindi ko alam ang sunod na mangyayari sa akin, kailangan kong ipaglaban ang gusto ko.


"Babantayan mo naman ako diba? Wala namang mangyayaring masama sa akin." Nginitian ko lang sila at kahit alam kong may pag-aalala pa sa mga isip nila, pumayag na sila. Natuwa naman ako dahil sa unang pagkakataon ay makakapag-beach ako kasama ang mga kaibigan ko!


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon