F O R T Y - E I G H T

374 19 0
                                    


day 243

"Shana!" Napalingon ako sa mga boses na narinig ko at bago pa man ako makapag-react ay bigla na lang nila akong niyakap. Natawa naman ako nang mahina at tinapik ang likod ng kung sino man ang malapit sa akin.


"Yo guys!" Pa-cool kong sabi at nag-alala ako nang bigla kong nakita na napaluha silang lahat. "Huy grabe sila. Buhay pa ako friends~" Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko kahit na medyo nanghihina pa ako. Pangatlong araw ko na ngayon sa hospital at ang sabi ng nanay ko ay dalawang araw akong walang malay.


Lumapit naman sa akin si Leslie at niyakap ako nang mahigpit. Nakonsensya naman ako dahil alam kong sa kanilang lahat ay siya ang pinakapinag-alala ko. "Walang hiya ka Shana. Ilang araw kong pinagdasal na sana hindi ka pa kunin—"


Agad kong tinakpan ang bibig niya at napatawa. "Hindi pa ngayon, okay? Marami pa akong dapat gawin kasama kayo at syempre, ga-graduate ako nang kasabay kayo!" Masaya kong sabi at napatingin sa apat na lalaking nag-aalala sa kalagayan ko. Bigla ko tuloy naaalala na malamang ay alam na nila kung ano ang karamdaman ko.


Napangiti ako nang mapait. Ang sikretong tanging kami lamang nina Joshua at Leslie ang nakakaalam ay nabunyag na. Alam kong may napapansin na sina Lucas at kuya France at ngayong nakumpirma na, alam kong mas lalo silang mag-aalala sa akin.


"Alam mo bang palagi kang binibisita ng mga 'yan? Si Lucas nga umabsent pa kahapon nang malaman niyang pwede ka nang magising anytime soon!" Nanlaki ang mga mata ni Lucas at binatukan niya si Matt na napakadaldal. Napatawa naman ako dahil namiss ko ang kakulitan nilang apat!


"Dito nga kayo! Namiss ko kayo!" At pagkasabi ko noon ay umalis si Leslie sa tabi ko at agad na nagtakbuhan ang mga ugok. "Huy grabe, chill mga bro!" Natatawa kong sabi dahil sobrang higpit ng mga yakap nila sa akin.


Maya-maya pa ay narinig namin ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at pumasok ang nanay ni Joshua at ang parents ko. Nginitian ko sila at kita ko ang pag-ginhawa ng ekspresyon ni Dra. Tolentino.


"Nako naman, talagang nag-abala pa kayong bumisita kay Shans kahit na weekend!" Masiglang sabi ng nanay ko at nilapag ang mga binili niyang pagkain sa mesa. "Mabuti na lang at marami akong nabili na pagkain."


Naglakad papalapit sa akin si Dra. Tolentino at niyakap ako. "Thank God, you're awake." Nang kumalas siya sa yakap ay pinisil niya ang pisngi ko. "Marami kang pinag-alala, Shana. Mas alagaan mo ang sarili mo ha?"


Chineck niya lang kung ayos na ba ang kondisyon ko. Sabi rin niya ay sa Monday pa ako madi-discharge para ma-monitor ang kalagayan ko at siguraduhing hindi ako aatikihin ulit. Sa susunod na week na nga lang ulit ako makakapasok para na rin daw makapagpahinga ako.


"Shana, ipagkokopya na lang kita ng notes ha?" Sabi ni Leslie habang kumakain ng saging. "Nga pala, baka daw bukas na bumisita si Lauren kasi may inaayos lang siya ngayon." Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti habang pinapanood ko silang masayang kumakain.


"Panget." Napalingon ako sa nagsalita at sinamaan ito ng tingin. "Tss, kung maka-glare ka diyan. Ikaw na nga 'tong na-miss." Nagulat ako sa sinabi ni Lucas at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Rinig ko ang kantsyawan ng mga kaibigan namin pero hindi ko na lang sila pinansin.


"Wala ka lang makulit!" Binelatan ko siya at mas lalo naman siyang napatawa. Umupo siya sa tabi ko at ginulo ang buhok ko. "Lucas!"


"Hindi ka pa naliligo ano?" Natatawa niyang sabi na mas lalong ikinasimangot ko. "Pero 'wag kang mag-alala. Gthjho pjajha rin kita." Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil nakaramdam ako ng antok na epekto ng gamot ko.


Bakit parang feeling ko may importante akong hindi narinig?

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon