F I F T Y

411 17 2
                                    

day 252

"WELCOME BACK, SHANA!" Nagulat ako nang marinig ang malakas na sigaw ng mga kaklase ko saka napatawa. Natuwa rin naman ako dahil sa unang pagkakataon ay ginawan nila ako ng ganito. Kapag kasi absent ako dati parang wala lang eh.


"Oh Shans, cupcake. Sobra naming namiss ang kakulitan mo eh!" Masiglang sabi ni Lauren saka ako inabutan ng cupcake. Maya-maya pa ay niyakap niya ako nang mahigpit at ilang minuto rin itong nagtagal. Malamang pati si Lauren ay alam na ang totoo kong sakit.


"Sobra naman kasi 'yang asthma mo Shana! Isang linggo ka ring wala!" Sabi ni Jack, at ngumit ako ng pasasalamat kay Lauren dahil hindi niya ipinaalam sa iba pa naming mga kaklase.


"Pero at least, ayos na ako diba! Oh, maaasar mo naman ako." Napanguso naman siya at lumapit si Jack para guluhin ang buhok ko. "Namiss mo akong asarin eh!"


"Oh siya, siya. Magsibalik na kayo sa mga upuan niyo at may ia-aannounce ako." Natigil ang mini-reunion namin nang dumating na ang teacher namin. Nagsibalik na sila sa kanilang mga upuan habang inayos ko ang paglalagay ng bag sa tapat ko.


"Shana, alam mo bang habang wala ka ay madalas umupo si Charles sa tabi ko? Nakakainis kasi ilang beses ko na siyang binasted pero hindi pa rin sumusuko!" Natawa naman ako sa pagrereklamo ni Lauren. "Next time ha, 'wag ka nang umabsent?"


"Sus, gusto mo rin naman." Mahina akong napa-irit nang kurutin niya ang siko ko. "Oo na, joke lang naman eh!"


Natahimik ang lahat at napatingin naman ako sa sinulat ni Ms. Fetalvo sa board. Bigla na lang nag-hiyawan ang mga kaklase ko at maging ako ay hindi maiwasan ang matuwa ng sobra.


"Oh, Shans. Hinay-hinay sa pagr-react. Baka atakihin ka na naman." Hinawakan ni Lauren ang kamay ko at sinubukan kong kumalma pero hindi ko magawa dahil sobrang natuwa talaga ako sa announcement ng teacher namin.


"Last year, dahil maganda ang results ng NCAE niyo, gusto ng principal na i-treat kayo kaya naman ang retreat niyo ay magaganap sa isang resort!" Masiglang sabi ni Ms. Fetalvo kaya naman mas lalong nagsigawan ang mga kaklase ko. "Magaganap ito two weeks from now after the monthly test niyo. Kaya bago kayo magsaya, maghirap muna kayo."


Napa-"aw" naman ang mga kaklase ko at hindi ko maiwasan ang mapatawa. Ang cute nilang lahat!


"Pipilitin kong sumama." Desidio kong sabi saka tumingin kay Lauren na nag-aalala. "Marami naman kayong magbabantay sa akin kaya magiging ayos ako! Hindi niyo naman ako pababayaan diba?" Kumindat pa ako sa kanya para ipakita na okay lang kung sasama ako.


Napabuntong-hininga na lang siya at tumango. "Oo na, sa pag-aalaga pa lang ni Lucas busog ka na eh." Siya naman ang kumindat sa akin, dahilan para mamula ako.


Isang linggo na rin pala ang nakalipas simula nang bumisita sila sa hospital at hindi ko alam pero palagi na lang nilang inaasar si Lucas. May nangyari ba noong nakatulog ako? Pakiramdam ko kasi may hindi ako narinig na importanteng bagay!


***


"Huwag nga kayong PDA!" Reklamo ni Matt nang ilapag ni Lucas ang tray ng pagkain. Taka akong tumingin kay Matthew pero ang simangot niya ay napalitan ng malaking ngisi. "Alam mo Shana, may mga bagay kang hindi dapat pinalalampas. Katulad na lang ng confe—"


Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay binato siya ni Lucas ng tissue at mas lalo siyang napatawa. Nagtataka naman akong tumingin sa kanilang lahat pero nakangiti lamang sila ng makahulugan at nainis naman ako.


"May alam kayo na hindi ko alam!" Pinag-singkitan ko sila ng mata pero hindi nila ako pinansin at nagsimula na silang kumain. "Leslie!" Tinignan ko ang best friend ko pero tinawanan niya lang ako saka kinain ang sandwich niya.


"Hayaan mo na Shana, talagang may sapak lang mga 'yan." Sabi ni Lucas saka sinamaan ng tingin ang mga kasama namin na ngayon ay nagtatawanan.


May nangyari talaga noong nakatulog ako at dapat kong malaman kong ano ba 'yung sinabi ni Lucas!

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon