F O U R T E E N

689 35 1
                                    

day 39

"Shana, ayos ka na ba? Paalis na tayo." Rinig kong sabi ni Mama at mabilis ko namang sinuklay ang buhok ko. Weekly check-up ko ngayon kay Dra. Tolentino para matignan kung magbabawas ba uli o ako ng gamot or magdadagdag na naman.


Napangiti naman ako nang makita ko na sasama si Kuya Theo ngayon sa check-up ko. Simula kasi nang mag-college siya ay bihira na niya akong masamahan dahil sobrang busy niya. Bakasyon siya ngayon kaya naman tuwang-tuwa ako na palagi ko siyang nakikita.


Kumapit ako sa braso ni Kuya at napatawa naman siya. "Same old Shana. Napaka-clingy mo talaga." Ginulo niya ang buhok ko, dahilan para mapanguso ako sa kanya. Pinisil naman niya ang pisngi ko dahil cute ako. "Ang laki mo na pero hindi ka pa rin nagbabago!"


"Tse!" Inalis ko ang mga daliri niya sa pisngi ko saka siya kinurot sa tagiliran. Narinig ko ang mahinang tawanan nina Mama at napangiti na lang din ako.


"O siya, tara na at baka ma-late pa tayo sa appointment natin." Matalik na kaibigan nina Mama at Daddy si Dra. Tolentino kaya hindi na kami nahihirapang magpa-schedule. Napakabait niya rin dahil simula bata ay siya na ang doctor ko.


"Kapag nabawasan ang gamot mo ngayon Isa, manlilibre ako ng ice cream." Sabi ni Daddy habang nagmamaneho. Napangiti ako dahil alam nilang sobrang mahal ko ang ice cream pero hindi ako pwedeng makakain nito madalas dahil na rin sa condition ko.


"So, kamusta na ang school? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni Kuya Theo. Napaisip naman ako. Dalawang linggo na ang nakakaraan at ayos pa naman ang lahat. 'Yun nga lang, hindi pa rin ako pwedeng mag-take ng PE dahil na rin sa advice ni doktora.


"Okay naman, hindi ako nase-stress kasi tinutulungan naman ako ni Leslie sa mga bagay-bagay." Napangiti naman ako nang may maalala ako. Hanggang ngayon, kinukulit pa rin ako ni Lucas na gusto niyang makita ang mukha ko. Pero dahil magaling akong magtago, hindi pa rin niya ako nahuhuli.


"Sino si Lucas Briant Soriano?" Nagulat ako nang magtanong si Kuya Theo. Paano niya nakilala si Lucas? Napangisi siya nang malawak at kinuha ang phone ko. "Aba, at kailan ka pa natutong maglagay ng password?" Pangungutya niya habang sinusubukan niya pa ring hulaan ang password ko.


"Ma! Si Kuya oh!" Reklamo ko kay Mama pero napatawa na lang siya. "Akin na phone ko!" Piliit kong kinukuha kay Kuya Theo ang phone pero tinago niya ito sa bulsa niya.


"Lucas Briant Soriano sent you a message." Pinanliitan niya ako ng mata. "Makikilala ko rin kung sino 'yan."


"Tama na ang away niyo at nandito na tayo." Sabi ni Dad saka binuksan ang pinto. I glared at my brother for the last time before leaving the car but he just laughed. Paniguradong aasarin niya ako nang aasarin. Ugh, kuya!


***


"Hmm, stable pa ang condition ni Shana at hindi pa tayo magdadagdag ng gamot." Masayang sabi ni Dra. Tolentino. "Hindi rin tayo mag-aalis ng gamot either. Basta hija, don't overwork yourself sa school ha?"


Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ramdam ko namang nakahinga nang maluwag ang pamilya ko nang marinig ang kondisyon ko. Alam kong hindi na ako magtatagal pero dahil sa pinapakita ng katawan ko... umaaasa akong may magbabago. Umaaasa akong magtatagal ako.


Tinignan ni Doktora ang orasan niya at ngumiti muli sa amin. "Darating na ang anak ko para dalhin ang mga gamot. Sa Winston din siya nag-aaral, graduating katulad mo." Natutuwang sabi ni Dr. Tolentino. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya. I don't need another person to be aware of my condition.


"Ang galing naman ng anak mo at tinutulungan ka sa trabaho mo, Stephanie." Sabi ni Mama.


"Mabuti nga at hindi ko na kailangan pa siyang pilitin na mag-Med dahil siya na mismo ang may gusto." Proud na wika ni Dra. Tolentino. Kung titignan mo ay napakaganda niyang babae at sigurado akong gwapo o maganda ang anak niya.


Bumukas ang pinto at nagliwanag ang mukha ni Dra. Tolentino. Lumingon ako at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Mukha namang nagulat din siya pero hindi niya iyon pinahalata at dumiretso sa nanay niya para ibigay ang gamot.


"This is Joshua, my son." Pagpapakilala niya kay Joshua. Hindi na ako mapakali dahil isa siya sa mga kaibigan ni Lucas! "And this is Shana, 'yung kinekwento ko sa'yong matagal ko nang pasyente na taga-Winston din."


Ngumiti nang matipid si Joshua sa akin at nag-iwas muli ako ng tingin. "You never told me her name, though." Napatakip naman sa bibig niya si Dra. Tolentino at napahagikgik.


"I wanted you to meet her personally." Sabi niya nang nakangiti pa rin. Inabot niya na muli ang mga gamot kay Daddy at isinulat ang instructions in case na makalimutan ko. "Take care of yourself, Shana. Always pray and maybe a miracle will work on you."


Napangiti ako sa sinabi niya at tumayo na kami. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, at hindi ko maiwasan ang malungkot. Isa siyang doctor at alam kong nalulungkot siya dahil wala siyang magawa para pagalingin ako. Tanging pagpigil lang sa maaga kong pagkawala ang kaya niyang gawin para sa akin, but I'm always thankful for that. She'll always be my hero.


"I'm always praying for you, Shana. Please fight hard."


sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon