E I G H T E E N

701 37 1
                                    

day 79

Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway. Absent si Leslie ngayon kasi susunduin daw nila 'yung Tita niya galing sa States. Hindi naman porket absent si Leslie ay ganoon na rin ang gagawin ko. Napabuntong hininga muli ako nang makarating ako sa tapat ng room namin.


"Shana!" Bago pa man ako makapasok ay may tumawag sa akin, dahilan para mapalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Matt na masayang kumakaway sa akin at hindi ko mapigilan ang mapangiti. I waved back at him and was about to go in when they blocked my way to the door. "Nasaan si Leslie?"


"Oh, absent siya ngayon." Sabi ko, at tumango naman sila. "Oy alis jan, pangit. Papasok na ako." Tinaasan lang ako ni Lucas ng kilay at hindi ko mapigilan ang kiligin nang kaunti dahil ang pogi niya. Stahp bbq.


"Sa amin ka sasabay ng lunch ha?" He said, with a grin on his face. "Maghihintay kami dito sa labas para hindi ka makatakas." I rolled my eyes when I heard them laugh. Lakas tama talaga ang magto-tropang 'to.


I nodded because I know that I do not have any other choices. Wala na rin naman kasi akong ibang sasabayan dahil si Leslie lang ang ka-close ko. "Oo na, para namang may iba pa akong pwedeng isama."


He ruffled my hair and I pouted. Ang tagal-tagal ko kasing inayos dahil nga makikita ko siya ngayon tapos bigla na lang niyang guguluhin ang buhok ko!


Napatingin si Francis sa relo niya at sumenyas na dapat na akong pumasok. "Malapit na mag-time kaya pumasok ka na Shana. See you later!" Sabi niya at umalis naman sa harap ko si Lucas. Dali-dali akong naglakad papunta sa upuan ko dahil nahihiya ako sa titig ng mga kaklase ko.


"Uy ikaw ha, napapansin kong ka-close mo sina Lucas." Napalingon ako sa tabi ko at nanlaki ang mata ko dahil kinausap ako ng katabi ko. "Uhm, ikaw si Shana diba?" I nodded, still speechless.


Hindi na siya muling nakapagsalita dahil dumating na ang first period teacher namin. Hindi pa rin ako makapaniwala na kinausap ako ni Lauren dahil madalas ay saka lang siya bumabalik sa tabi ko kapag dadating na ang teacher namin kaya wala kaming panahon para mag-usap. Nag-iiba na ba ang simoy ng hangin ngayon?


Tungkol naman kina Lucas, dahil na rin sa kakulitan ng mga kaibigan niya ay mas naging close kami. Feel ko nga nakalimutan na niyang crush ko siya dahil napaka-casual ng pakikitungo niya sa akin. Ayos na rin 'yun, atleast hindi siya kasing awkward tulad ng inaakala ko.


Dumaan na ang second at third periods at sumunod na ang break time. Dali-dali namang nagsialisan ang mga kaklase ko dahil balita ko ay ibinalik na uli sa menu ang burger steak. Napangiti na lang ako at nagpunta na sa labas at nakitang naghihintay na sina Matt sa akin.


"Ang bagal mo talaga kahit kailan!" Natatawang sabi ni Lucas. I rolled my eyes at him, causing him to laugh even more. "Napaka-kulit mo sa chat pero napaka-snob mo naman sa totoong buhay." He wrapped his arm around me and I tried to be calm. Hindi ngayon ang time para umatake ang sakit ko, kinikilig pa ako huhu.


"Pangit ka kasi!" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen at inalis ko na ang nakapulupot na braso sa akin ni Lucas. Baka kasi ma-misunderstand ng iba. Pero okay na din 'yun, para atleast ay mabawasan ang fangirls niya. 

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon