S I X T Y - F O U R

325 18 6
                                    


day 275

"Shana, bilisan mo nga!" Dinig ko ang sunud-sunod na pagkatok ni Leslie sa pinto ng kwarto ko. Isinuot ko ang hikaw ko nang mabilisan dahil kanina pa siyang nang-aabala sa akin. Hindi pa naman kami male-late! "Grabe Shana, hinihintay na tayo nina Lucas doon sa venue!"


Napairap ako nang wala sa oras at sa wakas ay natapos ko na ang pagsusuot ko ng hikaw. Gusto sana ni Lucas na sunduin ako kaso nandito si Kuya Theo at panigurado ay marami siyang ibibilin kay Lucas. At saka, gusto ni Kuya na siya raw ang maghahatid sa akin. Ewan ko lang kung bakit ba pati ang best friend ko ay nandito.


"Shana, isa—" Bago pa man maituloy ni Leslie ang pagbibilang niya ay binuksan ko ang pinto at nakita ko ang paglawak ng kanyang ngiti. "Naks, babae ka talaga!" Masigla niyang sabi at binatukan ko naman siya. Napaka-okray talaga ng isang 'to!


"Akala ko nga pareho tayong lalaki eh!" Pang-aasar ko at sa halip na mainis siya ay lalo pa siyang natawa. Tinitigan ko siya at ang ganda niya sa black, fitted gown niya na may sequin patterns. "Laki talaga ng future mo!" Sabi ko at halata naman ang pamumula ng mukha niya.


Hinampas niya ang balikat ko at sinamaan ako ng tingin. "Bastos talaga nito kahit kailan!" Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman napataas ang kilay ko. "Paniguradong babatayan ka nang maigi ni Lucas mamaya."


Nagtaka naman ako nagmamadaling tumingin doon sa full-sized body mirror sa may labas ng kwarto ko. Itim ang kulay ng gown ko, at ang style ay mahaba sa likod at maikli sa harap. Heart-shaped ang top nito kaya medyo exposed ang balat ko. Hmm, hindi naman kasing revealing nung kay Leslie.


"Tapos na pala kayo! Tara na at baka ma-late na kayo!" Napalingon kami kay Kuya Theo at nagulat na lang ako ng bigla niya akong lapitan para guluhin ang buhok ko. "Dalaga ka na talaga bunso! Pero hindi ibig sabihin non—"


"Pwede ka nang mag-boyfriend." Pagpapatuloy pa ni Dad. Na-excite naman ako dahil kumpleto kami bago ako pumunta sa prom! "Mag-picture na kayo ni Leslie para makaalis na kayo!"


Mga ilang minuto din kaming nagtagal pa sa bahay dahil picture kami nang picture. Eto namang si Kuya Theo, humirit pa ng picture kasama kaming dalawa kaya medyo natagalan kami. Maging sina mama ay nakisama na at halos makalimutan na namin ang oras.


"Naku! Umalis na talaga kayo at mahuhuli na kayo sa program!" Napatingin ako sa phone ko at nakita ang sunud-sunod na texts ng mga kaibigan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang 15 minutes na lang bago magsimula ang program!


Hinila ko na si Leslie pababa ng hagdan at dumiretso sa kotse. Nakakahiya naman kasi kina Lucas! Hindi sila makakapasok hangga't walang partner!


"Hay nako, Shana. 'Wag kang mag-alala, makakarating tayo roon on time!" Sabi ni Kuya Theo at kinindatan pa ako. Tumingin na lang ako sa bintana nang magsimula nang umandar ang kotse.


"Shana, na-eexcite ako. Hindi kasi tayo umattend last year!" Tinaasan niya ako ng kilay pero napatawa na lang ako. "Pero syempre, hindi ko isisisi sa iyo iyon. Mabait akong kaibigan eh." Nginisian niya ako pero hindi ko siya pinansin. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon ni Lucas sa itsura ko.

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon