F I F T Y - F O U R

378 23 2
                                    

day 266

"Shana! Bilisan mo!" Agad kong ibinaba ang tawag ni Les nang makasakay na ako sa bus. Nang makita ko siya ay napairap na lang siya at agad na itinuro ang upuan sa tabi niya. "Bakit ka ba kasi na-late ng gising?"


Hinabol ko muna ang hininga ko bago sumagot sa kanya. Actually, tumakbo na ako dahil akala ko ay maiiwan na ako ng bus! "Si Kuya kasi umuwi kagabi. Tapos ang dami-daming ibinilin kanina. Hanggang sa paghatid sa akin dito puro bilin!" Tinulungan niya akong ayusin ang bag na dala ko saka ako umupo sa tabi niya.


"'Yung maleta mo ba naipalagay mo na doon sa compartment sa baba ng bus?" Tumango na lang ako saka ipinikit ang mga mata ko. 5 am pa lang kaya naman antok na antok ako. Dalawang oras daw kasi ang byahe papunta doon sa resort kaya kailangang agahan ang alis namin.


Nagsimula nang umandar ang bus at ang mga kaklase ko ay parang mga ewan na nagsigawan. Hindi ko maiwasang mapamulat at matawa dahil sa sobrang excited nila. Buong klase kasi namin ang nasa bus ngayon kaya kahit umagang-umaga ay energized na agad sila.


"Alam mo bang hinahanap ka sa akin nina Lucas kanina?" Nakangisi niyang sabi at napairap naman ako. Iniiwasan ko siya ngayon kasi nga diba, may crush siya. Ayokong masaktan lalo na't mas nahulog na ang loob ko sa kanya. "Actually, sinabi kong hindi ka makakasama kaya hindi ko alam ang magiging reaction nila mamaya."


Sabay kaming napatawa dahil sa kalokohan ni Leslie. Nai-imagine ko ang mukha nila lalo na ni Kuya France! Siya pa naman itong excited na excited na makasama ako dahil marami daw siyang gustong sabihin sa akin ngayon retreat.


Maya-maya pa'y narinig ko ang pagtunog ng aking phone. Nakita kong nag-message sa akin si Joshua at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Talaga ngang naniwala sila na hindi ako sasama!


"Les! Nag-message sa akin si Joshua, magpapadala na lang daw sila sa akin ng pictures!" Napahagikgik ako at kita kong napangiti na rin si Leslie. Hay nako, excited na tuloy akong makita sila!


***


"AKALA KO BA HINDI KA SASAMA!?" Malakas na tanong ni Kuya France bago ako takbuhin para yakapin. Nang makita kasi nila akong bumaba ay agad nilang iniwan ang mga gamit nila at si Kuya France ay tumakbo na papunta sa akin.


"Si Leslie ang may kasalanan!" Tinuro ko si Leslie na ngising-ngisi sa mga badtrip na mokong. "Na-late lang ako ng kaunti kasi ang dami ng bilin ng kuya ko!" Dahilan ko, at nagsitanguan naman sila. Kumalas na sa yakap si Kuya France saka kinurot ang pisngi ko.


"Sumakay ka naman sa trip niya. Sabi mo pa sa akin na mag-enjoy kami!" Pagmamaktol ni Joshua. Binelatan ko na lang siya at sumama naman lalo ang tingin niya sa akin. "Tss, sayang lang ang ginawa kong retreat letter sa'yo!"


"Sino bang may sabing gawan mo ako?" Tinaasan ko siya ng kilay pero umirap lang siya. Pagdating talaga sa tarayan, talo ako ng lalaking 'to!


"Okay, Section My Pamily, pumunta na kayo sa rooms dahil magb-breakfast na tayo in one hour!" Dinig kong sabi ng class president namin. Napatingin naman ako sa mga mokong at ngumiti lang sila sa amin.


"O siya, kita na lang tayo mamaya Shana mah labs!" Kumaway pa sa akin si Matt bago kami tumalikod ni Leslie para pumunta sa cottage namin. Malaki ang resort na 'to at may assigned stations para sa bawat sections kaya naman okay na okay kami rito.


"Lauren!" Masigla kong sigaw nang makita siyang nakahiga na doon sa kama niya. Tatlo ang kama per cottage at may parang mini-kitchen dito kaya naman malawak ang espasyo namin dito. "Hindi na kita nakausap sa bus kanina!"


Napanguso siya saka bumangon. "Hindi ako nakatulog sa sobrang excitement kaya knock out ako sa buong byahe!" Singhal niya saka bumalik sa pagkakahiga. "Gisingin niyo na lang ako kapag ready na kumain ha?" Tumango kami ni Leslie, saka nagsimulang ayusin ang mga gamit namin.


Tatlong araw kami dito kaya naman sulit na sulit ang pag-stay namin dito. Pinagsabay-sabay na ang sections dahil sobrang tagal kung iisa-isahin kami atsaka mas magastos. Maganda na rin ito, mas magiging close ko ang ibang batchmates namin!


***


"Shana, napaka-duwag mo talaga!" Natatawang sabi sa akin ni Leslie habang pinapanood ko siyang lumutang doon sa 6 feet kasama sila Lucas. Ako naman ay nakaupo lamang dito sa hagdan dahil takot ako sa malalim.


Inirapan ko lang siya saka tinuloy ang paglalaro doon sa tubig. "Malunod ka sana!" Syempre, nagbibiro lang naman ako. Pero para naman may pang-inis ako sa kanya, binelatan ko siya pagkasabi noon. Tinawanan niya lang ako at nagsimula na muling maglangoy.


"Boo!"


"Ay lintik ka!" Nagulat ako nang biglang lumitaw ang ulo ni Lucas sa harap ko. Sinabuyan ko siya ng tubig dahil nagulat ako sa ginawa niya. Natawa lang siya saka umupo sa tabi ko. "Doon ka nga sa kanila! Tampo pa rin ako sa'yo!"


Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Patuloy akong nakatingin sa mga kaibiang naming nag-eenjoy doon sa kung ano mang nilalaro nila sa malalim na parte ng pool.


"Hindi ka naman kasi dapat magtampo." Mahinahon niyang sabi. This time, napatingin na ako sa gawi niya. Halos mag-blush ako dahil ang gwapo niya pa rin kahit na basa siya. Tumutulo pa rin ang tubig mula sa buhok niya at ang pisngi niya ay mamula-mula na dahil sa sobrang init.


Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago ako umiwas ng tingin. Rinig ko ang kantsyawan ng mga kaibigan namin na ngayon ay pinapanood kami. Inirapan ko lang sila dahil wala na namang magawa ang mga iyon.


"Shana..." Panlalambing niya sa akin, at ramdam ko ang paghawak niya sa aking kamay na nakababad sa ilalim ng tubig. Napatingin ako doon at pilit kong pinakalma ang puso kong nagwawala. "Shana, 'wag ka nang magtampo."


Napataas ang tingin ko sa mga mata niya at muli, nalunod na naman ako sa mga titig niya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti at hindi ko namalayan na inilapit ko nap ala ang mukha ko sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya at hindi maiwasan ang mapatawa.


"Ano ba 'yan, hindi kita matiis."

sa ibang mundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon