10.

7.5K 116 2
                                    

An. I am typing this chapter at 2:13am.
ADNSWS.

Dennise's

Nandito kami sa School para magligpit at ayusin ang mga booth. May Janitor naman ang school, kaso hindi kakayanin kaya  tumutulong pa din kami kahit puyat at pagod na kami.

After this ay may two days kaming pahinga. Habang may hangover pa ang ilang studyante sa fair, Ako naman may hangover sa halik ni Alyssa.

Si Aly ay nasa 4th floor sa room namin. ito at si Ara ang umaakyat ng mga chairs na ginamit dito sa booth namin.

Tumutulo na ang pawis ko habang inaayos na namin ang mga ginamit namin.

"I'm starving! "Sigaw ni Ella habang hila ang mga tela na ginamit namin na props.

"Kinain mo na nga lahat yung dala kong pagkain Ate Ella tapos gutom ka na naman. "Sabi ni Jho na may hawak na walis.

"Di na kayo nasanay kay Jorella. "Sulsul naman ni Kim.

"Tigilan nyo nga ako. "Reklamo ni Ella na naupo na sa Bermuda grass.

"Den. "

Napapitlag ako sa hawak ni Alyssa sa balikat ko kaya napaharap ako dito bigla. Pawis na pawis na ito at basa na ang shirt nito.

"Ly! Ano yun? "Ngumiti ako dito, pero hindi ako makatingin sa mga mata nito. Kung naiilang na ako sa muntikan. Lalo na ngayon.

"You can use this. "Inabot sakin ni Alyssa ang towel nito kaya umiling ako.

"Mas kailangan mo yan Ly. "Sabi ko saka iniba ang tingin. Hindi ko kayang titigan ang mukha ni Alyssa dahil naaalala ko ang nangyari at kung gaano ka warm ang labi nya.

"I have a spare one. "Saka nito pinunasan ang mukha ko kaya agad akong napaiwas dito.

"W-wait! Ako na. "Sabi ko saka kinuha ang towel na hawak nito.

"Ate Alyssa, Can you please help me here? "Tawag ni Maddie.

"Sure. Wait lang Den. "Paalam nito kaya tumango lang ako.Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Alyssa.

"Den, Patulong naman nitong box Di ko madala. "Sabi naman ni Ella.

Paano nya madadala yun eh mas malaki pa sa kanya.

"Hayaan mo na yan Ella, ipapakiusap na lang natin yan sa Janitor. "Sabi ko dito saka naupo. Ako yung nagtutupi at naglalagay ng mga kurtina na ginamit namin. Mabuti sana kung manipis lang yun, ang kakapal kaya masakit na ang mga braso ko.

"Maddie,Hold this."Narinig kong sabi ni Alyssa.

Pag naririnig ko ang boses ni Alyssa, Namumula ako. Naalala ko yung Kiss namin, At Gosh, Ibang-iba yung epekto sakin. Tingnan ko ito habang tinutulungan si Maddie na ayusin ang mga natirang kalat.

Pinagmamasdan ko lang ito,Hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sa lips ni Alyssa. Namula na naman ako at agad na iniwas ang tingin.

Napahawak din ako sa labi ko at ipiniling ang ulo.Sa tuwing ma-aalala ko ang kiss ni Alyssa last night, Natutulala ako. Ganito ba talaga ang first kiss?

"Hoy, Besh.Para kang baliw dyan. "Napabaling ng tingin ko kay Ella.

"Besh? "Tumaas ang kilay ko. Wala kasing tumatawag sakin nun, maliban kay Alyssa.

"Oo. Besh na kita ngayon.Wala kang karapatan tumanggi. Anyare sayo? Hahawakan mo ang labi mo tapos iiling ka. Anong problema mo? "Sabi ni Ella sabay titig sakin. Umiwas ako ng tingin.

"Wala. "Sagot ko lang saka tumayo ulit para tumulong magligpit.

"Nababaliw ka na ata."sabi nito sabay talikod.

Her First and Last(AlyDen)Where stories live. Discover now