9.Touch

8.4K 133 9
                                    

Dennise's

After nung kasal-kasalan namin kuno ni Alyssa ay lagi ko ng naiisip ang mga ganun eksena kasama sya. Lagi kong tinitgnan yung singsing na sinuot nya sakin.Hindi ko alam kung bakit yun pumapasok sa isip ko. Mga bata pa kami. Madami pa ang pwedeng mangyari.

Third Day of fair, Kung madami ang tao sa first day, Mas lalo na ngayon na Last day.

Naka-Tago ako sa sulok ng booth para manakot.

Sobrang dami na din ang naka-pila bago kami pumasok dito.

Si Alyssa, Nasa labas ito para sa entrance.Si Ella ngayon ang kasama ko sa loob.Lagi na lang kasing sina Fille at Gretchen ang nandito kaya naisip kong kami naman.

"Awooooo"Sabi ni Ella kaya tinapik ko ito.

"White Lady ka, Hindi Aso. "Bulong ko dito.

"Ay ganun ba? Sorry, Nadala lang ako.Alam mo naman na yun ang role ko kahapon.Bwisit talaga si Ara"Naiinis na sabi ni Ella. Yun ang pinagawa sa kanya ni Ara kahapon, Yung role na aso kaya galit na galit ito kay Ara until now.

May pumasok na dalawang studyante na taga ibang School, Palinga-linga ang dalawa. Madilim sa loob at pulang lights lang ang ginamit. May nilagay din na mga fake na Lapida. Yung unang setting is Cemetary. May mga fake din na nilagay na mga kunwari, Zombies, Aswang etc.

Dito kami ngayon ni Ella sa unang setting.

May background Music din para mas feel mo talaga ang takot mo. Si Marge at Beadel ang nag-ayos nito. Sa kabilang setting is Style garden at may Bridge na ginawa dun. Ang galing nga ng pagkakagawa ni Marge at Beadel.

Si Kim ay nakadapa sa gilid. Nagre-ready na din ito.

Hindi ko alam kung paano 'to na Assign samin, Samantalang last year ay Nasa LNL kami na sa Seniors nga yun ngayon.

"Grabe, Ang ganda ng pagka--UWAAAAH! "Hinila ni Kim sa isang paa ang babae kaya nagtatakbo ito.

Lihim akong natatawa, Well. Nakaka-enjoy naman nito.

"Booooooooooo! "Sulpot ni Ella sa harap nila. Nagsisigaw na tumatakbo ito.

"AAAAAAAAH! "Sigaw nung dalawa.

Natawa si Ella ng bumalik sa tabi ko.

Si kim naman ay natatawang bumalik sa pwesto nito.

May pumasok ulit,Dalawang lalaki.

"Pre, Natatakot ka ba? "Tanong nung isa.

"Hindi Pre. Hindi naman 'to totoo.Saka lalaki ako Pre.Wala akong kinakatakutan."Sagot naman nung isa.

"Kaya nga, Pero---Aaaaahhhhh! "Tumili ito na parang babae ng hilahin ni Kim bigla ang paa.

"Beh! Alis na tayo dito!Di ko keri!"Sabay takbo nung dalawa.

"Boooooooooooooooo!!! "

Sumulpot kami ni Ella sa harap ng mga ito.

"Goshh! Waaaah! Mama! "

Ng mawala ang dalawa ay..

"Ehhh?"Sabi ko sabay nagka-tinginan kaming dalawa ni Ella.Humagalpak kami ng tawa ni Ella habang si Kim ay tawang-tawa din.Bakla pala.hahah.

Pagkatapos ay lumabas na kaming tatlo dahil pumalit na si Maddie at Gizelle.

Dumaan kami sa gilid para hindi kami makita ng mga naka-pila. Naupo ako sa upuan dahil napagod ako sa kakatawa sa mga pumapasok.

Kinuha ko ang bag ko para maghanap ng pamunas dahil mainit sa loob.

"Grabe yung dalawang lalaki. "Sabi ni Kim habang nagpupunas din ito. Natawa na naman kami ng maalala ang dalawang lalaki.

Her First and Last(AlyDen)Onde histórias criam vida. Descubra agora