18.

6.8K 130 1
                                    

Dennise's

"Where are you Ate Den? Matagal ka pa ba? Malapit na mag-start ang game. "

I sigh pagkatapos mabasa ang text ni Maddie.

Inayos ko ang mga papers ko sa ibabaw ng mesa, Hindi pa kasi ako pinapaalis ni Mr. Mendoza para pag-usapan ang activity namin sa prom.

Matagal pa akong nag-stay dun sa SCR kasi pinag-uusapan pa din namin ang ibang dance step.

Ito kasi ang school admin.

"Sir, Come on. My girlfriend is have a game today. "Sabi ng isip ko.

Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko habang nakatingin sa mga papel.

My Girlfriend.

Matagal pa din kaming nag-stay sa room kaya halos magwala na ako. Tinatadtad na din ako ng text ni Maddie.

"Naka-simangot na si Ate Alyssa,Ate Den.. Talo kami sa first set. "Text pa din ni Maddie.

Hindi pa kasali si Maddie sa First Six line-up. Mamaya pa daw 'to papasok.

Hindi nagte-text sakin si Alyssa. Haay. Nagtampo na ata nung nagreply ako kanina na baka hindi ako umabot sa game.

Sinusumpa ko 'to sa nakakalbong ulo ni Coach carlo na hindi na 'to makakapag-asawa si Mr. Mendoza. "Bulong ng isip ko.

At Last.....

Hindi pa din n'ya ako pinapaalis at nangigigil na ako. Patingin-tingin na din ako sa Wall clock.

Ilang beses na din nag missedcalls Si Maddie.

"We've lost sa 2nd set. "

Text ni Maddie kaya naglakas-loob na akong magpaalam.

"Sir, May game po yung Volleyball team ng SAU ngayon.Pwede na po ba akong umalis?. "Paalam ko kaya agad 'tong napakamot sa ulo at napakunot-noo.

"May game? Ay! Oo nga pala! I forgot.Kaya pala walang masyadong studyante sa Ibang department. Hala sige na. "Biglang sabi nito.

Parang gusto ko 'tong batukan si Sir.

Makakalimutin pala.

Since sa Batangas Arena ng City ginanap yung game ay 15 mins pa ang byahe kaya agad na akong nag-rent ng tricy para mahabol ang game nina Alyssa.

"Ate Den,Your Girl needs you. "

MADDIEEEE!

"Kuya, Mahahabol pa ba natin ang game sa BA? "

"Oo naman Miss! "Sagot ng driver. Proud n'ya pang sinabi yan samantalang yung Tricy n'ya ay parang naghihintay na lang ng resignation letter sa junkshop sa sobrang bagal at lumang-luma na.Napatapik ako sa noo.

"Ipakilo mo na lang kaya 'to kuya?"Sabi ko ng mahina.

After 20 minutes..na dapat ay 15 minutes lang ay nakarating naman ako sa Batangas Arena.Amoy usok na ako,at hindi ko na maintindihan ang itsura ko.

Since naka-uniform ako ng pang-SAU,ay agad akong nakapasok at dinig ko ang sigawan ng Lavander Na kulay ng mga Shirt,Balwarte ng SLA ang mga 'to,Samantalang tahimik ang mga naka-red na sa school naman namin.Malaki ang Arena.Pag SAU at SLA ang may game,Dito talaga ginaganap palagi.

Saint Louise Academy and Saint Anthony University is both a Prestigious School.

Tinignan ko ang Score board at nakitang lamang na ang SLA ng dalawang set.Maging ang Third set ay malapit na nilang makuha.

Her First and Last(AlyDen)Where stories live. Discover now