8.

7.1K 129 2
                                    

Alyssa's

2nd day of fair.

Para akong nakalutang sa alapaap habang nakatitig kay Den na nakikipag-usap kay Maddie at Gizelle.Hindi talaga maalis ang tingin ko sa kanya.

So far, Maganda naman yung 1st day of fair namin.

"Ly..Hindi na ako magtataka kung bigla na lang matunaw si Denden dyan. "Bulong ni Kim na lumapit sa kinau-upuan ko. Ako ang in-charge ngayon sa Entrance. Pero dahil nandun si Bea at Marge kaya nakaupo lang muna ako. Kanina pa kasi ako nakatayo.

"Kumusta ang panliligaw mo Alyssa? "Tanong naman ni Ara na sa kabila ko naman naupo.

Napabuntong-Hininga ako.

"Hindi ako Marunong manligaw."Reklamo ko at agad na napakamot sa batok.

"Anak ng Sampung kalabaw Alyssa.Bakit hindi?! "Sigaw ni Ara kaya napatingin samin sina Den.

"Wag ka ngang sumigaw. "Sabi ko sabay iling kay Den na nagtatanong ang mga mata.

Bumalik naman ito sa pakikipag-usap kay Maddie at Gizelle.

"Hindi dapat tinanong mo muna si Den kung pwedeng manligaw? "Tanong ni Kim.

"Umu-oo na sya Kim. Kaso hindi ko alam kung paano sisimulan. Basta pinaparamdam ko lang na Special sya. "Sabi ko at tinignan ang dalawa.

"Ay ewan. Give her Flowers"Walang ganang sabi ni Ara.

"Nagawa ko na. Santan nga yung naibigay kong bulaklak. "Agad na naibuga ni Kim ang kinakain nitong sandwich. Si Ara naman ay napalakas ang tawa. Halos mamilipit ito sa kakatawa.

"Ikaw lang ang kilala kong nagbibigay ng bulaklak na santan. May pera ka naman, Bulaklak lang Ly.Bakit hindi ka man lang bumili kahit isang rose? "Tanong ni Kim. Hindi pa tumitigil si Ara kakatawa.

"Ara,Tumigil ka kakatawa.And nagmamadali ako nun. Next time, Bibilhan ko na sya kahit isang garden pa. "Sabi ko. Sumeryoso ang dalawa.

"Wag mo na kayang ligawan? I mean, Umakyat na kayo sa next level"Sabi ni Ara kaya tumingin ako dito at agad na umiling.

"Gusto kong paghirapan syang makuha. "Sabay tingin kay Den na tumatawa na.

Ngumiti ang dalawa.

"Sige na. Ganito. Yayain mong mag-date"Sabi ni Kim at tumaas-baba ang kilay.

"Dalhin mo sya sa Special na lugar".Sabi naman ni Ara.

"Date, Special na lugar? Good Idea,Siguro after nitong fair natin.Kasi may two days naman tayong pahinga after this.Yayain ko syang mag-date."Sabi ko na naka-ngiti.

"Ly ang flowers ha.Utang na loob.Wag santan"Sabi ni Ara na naiiling.

"Oo na.Wala naman sa plano ko na bigyan sya ng bulaklak na santan.Kahapon ko lang nalaman na santan pala ang bulaklak na dala ko kahapon.."Sabi ko Saka nilibot ang tingin.

Kahit two days na,Sobrang dami pa ng tao.Grabe.

"Ate,ikaw naman dito"Sabi ni Beadel kaya tumayo ako.

Pumwesto ako sa Entrance namin para ako magbigay ng stamp sa mga papasok.Katabi ko si Marge na syang nagko-collect ng bayad.

"Hi! Ikaw po yung Team Captain ng Volleyball po dito sa SAU? "Tanong ng isang babae na hula ko, taga ibang school. Naka uniform kasi.

"Ako nga. "Sabi ko at ngumiti lang.
Sa totoo lang, Ayoko ng ganito. Naglalaro lang ako dahil mahal ko ang Volleyball.

"Ay. Pwedeng magpa-picture? Ang galing mo po kasi! "Sabi nito kaya pumayag na din ako.Nakakahiya naman kung tatanggi ako.

Her First and Last(AlyDen)Onde histórias criam vida. Descubra agora