6.

7.8K 128 4
                                    

Alyssa's

"Ly.. "I smiled kahit nakabaon ang ulo ko sa unan at kahit sobrang sakit ng ulo ko. I heard Dennise voice at alam kong nasa kwarto ko sya.

"You okay? "Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses nito.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata.Saka dahan-dahan kong ginalaw ang ulo ko.

Nakita kong nakatitig ito sakin kaya hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti kahit masama ang pakiramdam ko.

Ang ganda nya, kahit magulo ang buhok, kahit naka-glasses, Ang ganda nya.

"Okay lang Den.. "Paos na sagot ko.

Okay pa ako nung isang araw ng bumili kami ng Camera ni Den. Kaso kahapon, Nakaramdam na ako ng bigat ng pakiramdam nung sa training namin.

Buti na lang, Saturday ngayon. Ngayon din ang usapan namin ni Den na pupunta sya dito sa bahay kaya lang nalaman siguro nito na may sakit ako. Wala na naman sina Mommy at kuya,Biglaan ang pag-alis nila papuntang manila.

"May gusto kang kainin?"parang lumubog ang puso ko at sumikip ang pag-hinga ko ng maramdaman ang mainit na palad ni Den sa leeg ko at ang isa ay sa likod ko.Nakadapa kasi ako ng higa.

"Hmmm"Wala akong lakas mag-salita.

"Sige.Magpapaluto ako ng Soup ha?Wait lang.Kailangan mong magbihis"Parang music sa pandinig ko ang mahinang boses ni Dennise.

Kahit ganito si Den ay mabait ito.Sobra.Kaya hindi ako bato para hindi mahulog sa kanya.

Nahilo ako ng galawin ako ni Den.

"Ly,ang bigat mo. Magbihis ka ng damit para presko ka"Dumapo ang kamay nito sa tagiliran ko at malakas dun ang kiliti ko. Pinigil ko ang wag matawa. Baka kurutin na naman ako nito.

"Den.. Di ko kaya"Totoo yun. Sobra talagang sakit ng ulo ko.Pakiramdam ko,May nag-mamartilyo,Nag-Mamaso sa ulo ko sa sobrang sakit.

"Ly. Please. Magbihis ka"Pilit ako nitong hinuhubaran. Bakit parang nanginginig ang mga kamay ni Dennise?

Pinahiga ako nito ng maayos at Binalot ako nito ng kumot. Naramdaman kong binibihisan na ako nito pero wala akong lakas para magsalita.

"Ang taas ng lagnat mo."Narinig kong sabi nito bago hinaplos ang noo ko. Nakaramdam ako ng maginhawang pakiramdam sa hawak lang ni Den.

Pwede talaga itong Maging Doctor. Ang gaan ng kamay nito.

"Den,Ang sakit ng ulo ko"Hirap na saad ko.

Naramdaman ko ang pag-galaw ng kama at pag-dampi ng mga kamay ni Den sa magkabilang gilid ng ulo ko.Saka dahan-dahan minasahe.

Napahinga ako ng malalim sa ginhawang naramdaman ko.

Nakatulog ako pagkatapos ako nitong bihisan at i-massage.

Hindi ko Alam kung ilang oras akong nakatulog basta after akong pakainin ni Den at mag take ng Med ay nakatulog na naman ako ulit.

Madilim na sa labas. Nakasara ang blinds ko pero may kaunting nakabukas kaya kita kong madilim na.Nilibot ko ang tingin.Wala si Denden,Siguro umuwi na, Pero pag tingin ko sa Sofa ko sa gilid ay nandun ito.Tulog.

Alam kong paulit-ulit ako nitong pinunasan para makabawas sa init ng pakiramdam ko.Thankful, because i have her. Wala kasi sina Mommy at Daddy para alagaan ako,Pero nandito si Den kaya kahit papano,okay ako.

"Sleeping Angel"Sabi ko ng makalapit dito.Nahilo pa ako ng kaunti ng tumayo ako pero alam kong okay na ako. Hindi nito sout ang glasses kaya kitang-kita ko ang boung mukha ni Den. Para talaga syang anghel matulog.Kahit noon pa,Gustong-Gusto ko syang panoorin matulog.Lahit sa kalagitnaan ng klase.Akala ko nga,Walang meaning yung halos inaabangan ko syang matulog tumawa o kaya mainis.Yun pala iba na .

Her First and Last(AlyDen)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt