38.

5.1K 86 24
                                    

Dennise's

Pagkatapos ng pag-uusap namin na yun ay hindi pa din tumigil si Alyssa sa pakikipag-usap sakin.

May mga pagkakataon na kahit hindi ko ito papansinin ay gagawa ito ng gagawa ng paraan.Hindi naman yun maiwasan dahil nasa iisa lang naman kaming dorm at nasa iisa din na kwarto.Binabalak ko na din na lumipat ng ibang room o makipag-palit kay Ella,Pero hindi ko magawa.Honestly,May pumipigil sakin na gawin yun,At alam kong hindi papayag si Ella sa desisyon ko.

Mabuti na lang,Kahit may kinakaharap kaming issue ngayon ni Alyssa ay hindi ko na hinahayaan na madamay ang Team.Kaya pag nasa loob kami ng court ay nagagawa kong umakto ng normal.Kahit sobrang hirap nun parehas para samin. Kaya wala naman nakakahalata sa pagitan namin ni Ly,Maliban dun sa mga taong nakakalapit samin at nakakasama namin talaga.

"Ate Den!"Pabalibag na binuksan ni Jia ang pinto kaya gulat na napaangat ako ng tingin.Nakaupo pa naman ako sa kama at nagbo-browse sa laptop. Kakatapos lang ng Morning training at mamaya pa naman yung klase ko kaya naisipan kong tumambay sa loob ng kwarto habang naghahanap ng magandang panonoorin sa moviehub.Wala si Alyssa.Kasama ata ng Moneyger nito.

"Ano yun baby Ji?"Nagtatakang tanong ko kaya dali-dali itong lumapit sakin na akala mo susugod sa gyera saka inaabot ang phone.

Anong meron?

Inabot ko yun at tinignan.Pictures ni Jovee with other girl?So anong meron?

Tinignan ko si Jia bago binalik ulit ang tingin sa cellphone nito.Okay..

The Captions.

"Jovee Sollestre,The boyfriend of Volleyball star Miss Alyssa Valdez,Spotted at the bar with other woman."

Napanganga ako.Pictures ni Jovee na yakap ang babae at kahit madilim sa parteng bar na yun,Ay kitang-kita na halos wala nang natirang distansya sa pagitan ng mga ito.Tatlong pictures pero lahat yun ay pinapatunayan ang isang bagay na niloko nito si Alyssa.Tinitigan ko ulit ang pictures dahil baka kahawig lang ni Jovee but It wasn't.Its really him.I blinked a few more times.My eyes can't lie.

Maingay ang twitter,Samu't-saring negative comments ang natanggap ni Jovee at simpatiya para kay Alyssa pero wala itong reaction,The pictures had been posted a few hours ago at imposibleng hindi pa yun nakikita ni Jovee at Alyssa.

Si Alyssa!

Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Alyssa.My hands trembled while dialing her number.After a week,This is the first attempt that I did.

Nag ring yun,Pangatlo atang beses,Saka sumagot si Alyssa.

"Den"

Kalmadong sagot ni Alyssa sa kabilang linya.Anong nangyayari?Bakit parang may iba akong nararamdaman?Hindi kaya...

"Did you try to open your twitter account this morning?Where are you by the way?"Hindi ko mapigilan itanong.Mabilis ang paghinga ko sa magiging sagot nito.

"I am sorry Babe.Kailangan ko kasing umalis after training eh.And to answer your question.Yes.Kanina.Nagbukas ako just to check you or kung anong ginagawa mo.Alam ko naman na hindi mo sasagutin ang tawag ko."Paliwanag ni Alyssa kaya hindi ako nakakibo.So sa Social media sya nakikibalita sakin?Ibang klase eh halos araw-araw kaming magkasama kahit hindi ko sya pinapansin.At bakit dun?Eh hindi naman ako mahilig mag-update sa mga ginagawa ko sa Social Media.Bakit ako pa ang inaalala ni Alyssa?Hindi ba nya nakita ang pictures ni Jovee na  kumakalat sa twitter?

"So nakita mo na yung about kay Jovee?"I asked directly,Her heartbeat became fast because of anticipation.Just what the hell is happening?Pero pinilit kong ikalma ang sarili ko.

Her First and Last(AlyDen)Where stories live. Discover now