13.

6.7K 107 3
                                    

An Daming ganap sa all star game. NSWS SHIPPERSSSSS!


Alyssa's

Hindi mabura-bura ang ngiti ko kahit nasa school na kami. Kahit yata natulog na ako, gumising at naligo. Pati mga flowers ni Mommy sa garden namin ay hindi nakaligtas sa maganda kong mood.Sobrang ganda talaga ng mood ko kahit nakauwi na kami ni Den kahapon mula sa "Date" namin. I am excited to see her kahit 24 hours pa lang kaming hindi nagkikita. 

Pagdating ko sa School ay nakita ko agad si Den na nakikipag-usap sa ilang student.
I smiled by just looking at her.

May hawak itong mga papers.

Naka-smile ako saka pasimpleng lumapit dito ng magpa-alam na ang mga kausap nito. Nakasunod lang ako dito habang paakyat ito sa floor namin.

Naka-ngiti ako habang nakasunod dito.

Malapit na kami sa pinto ng bigla ko itong yakapin.

"Ay Tipaklong! "Sabi nito at hinampas ako.

Natawa ako.

"Alyssa! Bakit ka ba nang-gugulat ha? "Nakasimangot na sabi nito. Inayos nito ang glasses at nilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga nito na naligaw sa mukha nito.

"Sorry. "Hinalikan ko ito sa buhok.

"Tara na nga. "Sabi nito at hinila ako.

Pagpasok namin ay tulog sina Ara at Kim sa table. Si Ella, Kumakain. Sina Jho at Bea, Share sa isang earphone at nakikinig sa ipod.

Sina Marge at Maddie, nagbabasa.

The rest, ayun may kanya-kanya ng mundo.

Naupo kami ni Den sa table at tinignan ko ang papers na nilagay nito sa mesa.

"JS prom?"Nasabi ko ng mabasa yun. Parang form ng dance namin sa Prom.

"Yes Ly, By next week na ang simula natin sa practice para sa Prom dance natin.At ikaw na vice, In-charge ka sa pagtuturo ng sayaw. "Sabi ni Den kaya kumunot ang noo ko.

Kung sinabi ni Den na magtuturo ako kung paano pumalo ng bola pwede pa. Pero sumayaw?

"Pero Den,Hindi ako marunong. "Tutul ko at napakamot sa ulo. Tinaasan ako ng kilay ni Den. Baka ibang sayaw ang maturo ko kung sakali.

"No buts Valdez. "Sabi nito saka naupo sa tabi ko at binigay sakin ang mga papel.

"Tayo na kasing mga officers ang kailangan mag-ayos nito. Hindi na natin magugulo ang Seniors dahil busy na sila sa Final exam and Clearance. "Narinig kong sabi ni Den.

Mauuna kasi ang final exam ng mga Seniors, Hindi sila sasabay sa exam namin.
May naalala ako kaya binaba ko ang papel na binabasa ko.

"Dennise. Sino pala ang Ka-partner mo sa Prom? "Tanong ko dito. Sakin kasi, Madami akong pinsan na lalaki. Sa laki ng angkan namin, Bihira ang babae sa mga Valdez kaya mas mataas ang rate ng mga lalaking Valdez. Madami din akong pinsan na ka-edad ko kaya di ako mahihirapan.

"Si Myco. "Agad na tumaas ang kilay ko ng marinig ang sinabi ni Den.

"Who? "tanong ko dito.Kahit narinig ko na ang sagot nito. Tinitigan ko ito ng masama. Hindi lang si Lazaro ang may karapatan magtaray. Hinila ko ang damit ni Den, Naka-Casual pa din kami dahil hindi pa naman regular class. Bukas pa.

Dennise chuckled.

"Si Myco. "Ulit nito na naka-ngiti kaya sumimangot ako.

"Why him?! Pwede naman iba ha?! Si Mosh, Ang pinsan mong makapal ang kilay na si Fred! "Sabi ko dito na naiinis na kinamot ang ulo. Sabay tingin kay Den ng masama. Iba na lang, Wag lang si Myco dahil umiinit talaga ang dugo ko pag naririnig ang pangalan Myco. First time kong mainis ng sobra sa isang tao, Sa pangalan pa lang. Hinila ko ulit ang damit ni Den. Para tuloy akong bata na humihingi ng pera sa nanay.

Her First and Last(AlyDen)Onde histórias criam vida. Descubra agora