Special Chapter - Untold story

Start from the beginning
                                    

"But I want to, gusto ko na pagsilbihan ka, gusto ko na iparamdam yung pagmamahal ko sa'yo kahit sa ganitong simpleng bagay lang. Alam ko naman na hindi ganun kadali na patawarin ako, na maalis yung sakit na nadulot ko sa'yo but I willing to do everything just so we could make this work." he holds her hand.

"Brianna, please. I'm begging you." and kissed the back of her hand. A tear fell from his eye. Naramdaman na naman ni Brianna yung bigat sa dibdib ng makita nya ang luha sa mata ng asawa. She breathe deeply and made a decision.

"Let's give it a try." she said, napa angat agad ng tingin sa kanya ang asawa at unti-unting nagliwanag ang mukha nito.

"Really? Thank you! thank you! I love you!" he said while hugging her tight. Ngayon na lang ulit sya nagkalakas ng loob na yakapin si Brianna. He missed her so much, he's missing her even if they're living in one roof. He's missing her even if she's just few inches away from him. He loves her so much and he will not let her down on this second chance that she gives on him.

Simula ng araw na yun ay dumoble pa ang effort ni Kenjie sa panunuyo nya kay Brianna. Halos araw-araw sya na ang nagsisilbi dito at sa anak. Hindi sila kumuha ng kasambahay kaya tulong sila ni Kenjie sa pag-a-ayos at paglilinis ng buong kabahayan. Mas madalas na si Kenjie ang umaako ng lahat ng gawain kahit ayaw ni Iya. Nauuna itong magising kay Iya tapos ay magluluto ng breakfast para sa kanila, si Kenjie din ang nag-papalit ng diaper at nagpapa-dede sa tuwing umiiyak si Caspian sa gabi at madaling araw. Si Kenjie rin ang naghuhugas ng mga pinggan kahit sinasabi ni Iya na sya na ang gagawa. Si Kenjie din ang nag-luluto ng tanghalian bago ito pumasok sa opisina tapos ay iinitin na lang ni Iya sa tanghali. Maaga rin itong umuuwi para paglutuan si Iya ng hapunan kahit sinasabi nyang sya na lang ang magluluto. Halos wala itong nagiging pahinga dahil kahit weekend ay todo asikaso ito sa mag-ina nya, he's doing everything to prove that he's worth the second chance that she gave him.

"Kenjie." mahinang tawag ni Iya sa asawa. Ginigising nya ito dahil nakatulog na ito sa table habang gumagawa ng dinala nyang trabaho galing sa opisina.

"Kenjie." gising ulit ni Iya sa asawa saka ito tuluyan na nagising. Nakikita ni Brianna ang lahat ng pag-a-asikaso at effort ng asawa para sa pamilya nila. Nakikita nya rin kung paanong binubuhos nito ang halos lahat ng atensyon nito sa kanilang mag-ina. Nakita pa ni Iya kanina si Kenjie na hinihilot ang sintido habang may binabasang mga papeles. Naisip ni Iya na baka masakit ang ulo ni Kenjie kaya pumunta sya ng kwarto nila para kumuha ng gamot pero pagbalik nya ay tulog na ito.

"Sa kwarto mo na ituloy yang pagtulog mo, mas kumportable dun." sabi nito kay Kenjie. Hinilot ulit nito ang sintido.

"O-Okay lang babe, may tatapusin pa kasi ako." sagot ni Kenjie.

"Bukas mo na lang yan tapusin, matulog ka na. Masakit ba yung ulo mo? nagdala ako ng gamot, inumin mo na muna bago ka matulog." napangiti naman agad si Kenjie at kinuha agad ang gamot na dala ni Iya.

"Thank you." saka ininom ang gamot. Ilang minuto pa bago pumasok ng kwarto nila si Kenjie, naisip ni Iya na baka tinapos muna nito ang trabahong naiwan bago matulog. Dahan-dahan itong pumasok sa loob ng comforter nila at nahiga. Si Iya naman ay nagkukunwari na tulog na. She felt him moved closer and kissed her on the forehead.

"I love you, good night." saka humiga at natulog. She felt something warm on her chest.

Ng mag-umaga ay naunang gumising si Iya kay Kenjie. She took advantage of it and cooked breakfast for them. Sunday ngayon at balak nyang yayain si Kenjie na mag-simba sila kasama si Caspian. Ng matapos syang mag-prepare ng almusal ay sakto naman na nakita nya si Kenjie na nagmamadali papunta sa kusina kung nasaan sya. Nagulat si Kenjie dahil naihanda na lahat ni Iya ang breakfast nila.

"I-I'm sorry babe, tinanghali ako ng gising. Na---"

"It's okay. Don't worry about it, mag-breakfast na tayo para maabutan pa natin yung mass sa church." sabi nito sa asawa.

"M-Mag-sisimba tayo?" tanong ni Kenjie.

"Yup, ayaw mo?"

"No! I mean gusto ko." masayang sagot ni Kenjie saka mabilis na inihanda ang upuan ni Iya at pinagsandukan sya ng pagkain. Naka-abot sila sa pangalawang misa sa umaga. First time yata nilang mag-sisimba na buong pamilya, madalas kasi si Iya lang ang uma-attend ng misa kasama si Caspian o kasama rin ang nanay at tatay nya.

"Peace be with you." he said while holding Caspian.

"Peace be with you." sagot ni Brianna saka tumingkayad para bigyan ng mabilis na halik sa labi ang asawa. Kinagulat naman iyon ni Kenjie.

"I love you." she said and smiled at him. Hindi maipaliwanag ang saya ni Kenjie ng marinig nya ang sinabi ng asawa at ang pahalik nito sa kanya. He wanted to shout and jump for joy but he remembered that he's holding Caspian.

"Thank you Lord, I love you." he said.

"I love you babe, mahal ko kayo ni Caspian." and he kissed her forehead and hugged her while holding Caspian.

END

His uncontrollable sensual desireWhere stories live. Discover now