Chapter 27

102K 1.1K 15
                                    

Chapter 27

"Oo pare, nagkita na kami pinuntahan nya ako kanina dito sa opisina kaninang umaga." sabi ni Kenjie sa kausap nyang si Chris sa cellphone.

"Okay na kayo? kayo na ba ulit?" pangaasar ni Chris.

"G*go, hindi nga kami nag-usap ng tungkol sa amin." sagot nito na kinatawa naman ng isa.

"Wala, ang hina mo talaga pare. Basta ikaw na lang magsundo sa kanya mamaya ah, dadaanan ko pa kasi yung ka-date ko."

"Ako ng bahala sumundo kay Eloisa, f-cking manwhore." pang-aalaska nito sa kaibigan.

"Same to you dude. I got to go, see you later at the bar."

"Yeah, later." then Kenjie ended the call. It was already past five in the afternoon at nag-uuwian na ang ibang empleyado. Biglang naisip ni Kenjie si Iya at tinext nya ito para ipaalam na hindi sya nito maihahatid pauwi.

To Brianna: Hey,babe. I'm sorry hindi kita maihahatid ngayon pauwi, may biglaang lakad kami nila Ize.

He texted her. After two minutes ay nag-reply si Iya.

From Brianna: Ayos lang Ken, sasabay na lang ako sa mga kasamahan ko rito. Take care.

To Brianna: Alright, just send me a message when you get home. Take care too.

Umuwi si Brianna kasabay ang mga ka-trabaho nya at naghiwa-hiwalay na lang sa sakayan. Samantalang si Kenjie ay nagmamadaling umalis ng opisina para sunduin si Eloisa at magkasabay na pumunta sa bar. Ngayon na lang ulit sila nag-bar na magkakasama pagkatapos mawala ni Jasper. They talked about Jasper and how Ize's helping the company he left for his family. Pagkatapos nun ay nagsaya na sila at naginuman hanggang umaga kaya di na nagawa pa ni Kenjie na tignan ang phone nya. Sa bahay ni Kenjie sya umuwi at fortunately tulog pa ang mommy nya kaya nakaiwas sya sa pagtatanong nito at sermon, pagkauwi nya na rin nakita ang text sa kanya ni Iya na maayos itong nakauwi. Natulog agad sya at nagpahinga. Ng magkatanghalian ay kinatok sya ng kasamabahay nila para saluhan ang mommy nya sa hapag kainan at wala naman syang nagawa kundi ang bumangon kahit masakit pa ang ulo nya at inaantok pa. Pagkababa nya ay masama agad ang tingin sa kanya ng mommy nya.

"Bakit umaga ka na umuwi Kenjie? Saan ka na naman nanggaling?" tanong ni Melissa.

"Good morning Mom." pagbati ni Kenjie na tila walang narinig na tanong galing sa mommy nya. Humalik ito sa pisngi saka umupo sa katabing upuan sa mesa.

"May tinanong ako Kenjie." paalala nito.

"Mom, naginuman lang kami nila Ize sa bar." sagot ni Kenjie saka humigop ng kape.

"Nagpaalam ka ba sa girlfriend mo?" tanong ulit nito.

"Yes Mom." tipid na sagot nito saka tahimik silang kumain ng tanghalian. Malapit na silang matapos kumain ng magkwento ang mommy ni Kenjie.

"Nagkita at nagkausap pala kami ng parents ni Iya. They're good people." she said. Sumang-ayon naman si Kenjie.

"And guess what? we're both excited for the two of you to get married! we also talked about our future apo's." masayang kwento ni Melissa na kinatigil naman sa pagkain ni Kenjie.

"W-What?! A-Anong kasal?" gulat na tanong nito.

"Kasal nyo ni Iya, napagusapan kasi namin na maganda kung magpapakasal na kayo agad para habang malakas pa kami ay maalagaan namin ang mga magiging apo namin." nakangiting sagot nito.

"But Mom..wait.. we've already talked about this, right?"

"Yes. But you see.. Brianna's parents are so much into my plans too. Excited na rin silang magka-apo, so tell me, kelan ba kayo bubuo ni Iya ng apo namin?" Sumeryoso naman si Kenjie.

"Mommy, stop doing plans for us, for me. Huwag mo akong pangunahan, please. Nagusap na tayo tungkol dito at wala pa sa plano namin ni Iya ang magpakasal lalo na ang mag-anak agad." nawala naman agad ang ngiti sa mga labi ng mommy ni Kenjie.

"Pinapangunahan ba kita? Masama ba na maging excited para sa future nyong dalawa? I just want you to settle down with the right woman, Kenjie. I just want the best for you. Itong mga ginagawa ko hindi lang naman 'to sa akin, para rin ito sa'yo." nangingilid na ang luha ng mommy ni Kenjie. He sighed and stands up.

"Again, I'm not ready yet to settle down and I appreciate that you want the best for me but I don't like it that you're the one planning for me. Malaki na ako Mommy at yung pagpapakasal at apo na hinihingi nyo hindi ko yun basta basta lang maibibigay as if binibili lang yun." naiinis na sagot nito.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, hindi mo naiintindihan yung nararamdaman ko. And what's wrong about settling down? nasa tamang edad ka na para magpakasal at bumuo ng pamiilya. Bakit ayaw mo bang bumuo ng pamilya kasama si Iya? Hindi mo ba sya mahal? May iba ka pa bang babae na gusto?" sunod-sunod na tanong ng ina nito.

"I'm done eating." saka ito naglakad palayo sa hapag kainan.

"Hoy! Kenjie! kinakausap pa kita! huwag kang bastos, bumalik ka dito!" sigaw ni Melissa pero hindi sya pinansin ng anak at umakyat agad sa taas. Hind na lumabas pa ng kwarto si Kenjie at nagkulong na lang sa loob. Hindi na rin ito pumasok sa trabaho dahil may hangover pa sya at inaantok. Bago mag-gabi ay umalis si Kenjie ng bahay ng hindi nagpapaalam sa mommy nya kahit nakita nya ito sa sala at dire-diretso lang na umalis ng bahay ng hindi kinakausap ang ina.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon