Special Chapter - Untold story

113K 1.5K 36
                                    

Special Chapter – The untold story

Happy 500k reads guys! I love you all! Thank you for supporting Kenjie and Brianna =)

***

"Maghiwalay na tayo." hindi alam ni Iya kung saan nya nakuha ang lakas ng loob para masabi na ang desisyon nya. Napatigil si Kenjie sa kanyang ginagawa at tumingin sa asawa.

"W-What?" pag-ka-klaro nito baka mali lang ang rinig nya.

"Gusto kong mag-hiwalay na tayo." mas buong sagot ni Iya sa asawa. Agad na lumapit si Kenjie dito at kinuha ang mga kamay ni Brianna.

"I love you. Mahal na mahal kita Iya, please huwag mo naman gawin ito." nakita ni Iya ang pag ngilid ng mga luha ng asawa. She breathes deeper.

"Alam ko malaki ang naging kasalanan ko sa'yo but please..please Iya give me a change, give us another chance. Hayaan mo naman akong i-prove sa'yo yung pagmamahal ko.. na nagbago na ako. Alam ko na wala ng silbi pa yung pagpapaliwanag ko, alam ko na ayaw mo na rin na marinig pa but please hear me out, please believe me. Isang beses lang na may nangyari sa amin ni Eloisa, and that happened when we're not yet married but I'm telling you pagkatapos nun hindi na yun naulit pang muli. Tinapos na namin kung anu man ang meron sa amin at nagkasundo na maging magkaibigan na lang and believe me or not after that day I realized that I already fell for you. I got this guilt that I shouldn't have done that.. na mali yung nangyari sa amin dahil committed na ako sa'yo. Tapos natakot ako, natakot na akong sabihin sa'yo ang totoo kasi mahal na kita, ayokong mawala ka sa akin.. Ayokong iwan mo ako pero sa kakatago ko pala nun hindi ko alam na magiging ganito tayo.. na aabot tayo sa puntong ito.. sa puntong kinatatakutan ko. Believe me, Iya. Hindi ako ang ama ng dinadala ni Eloisa, at wala na akong nararamdaman sa kanya. Believe me, please.. I love you. Mahal ko kayo ni Caspian.. kayo ang buhay ko. Please, give our family a chance." at tuluyan ng lumuha si Kenjie. Pilit na iniinda ni Brianna ang sakit na nakikita nya sa asawa, tila doble ang sakit na nararamdaman nya sa kanyang dibdib, hindi na rin nya napigilan na maiyak.

"I love you babe and I'm really really sorry for hurting you, for breaking your trust." saka ito lumuhod sa harap nya. "Please, sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko.. gagawin ko ang lahat huwag ka lang makipaghiwalay sa akin.. huwag mo lang akong iwan. Mahal kita, sobra." and he hugged her tight. Walang nasabi si Brianna sa asawa at parehas na lang silang umiyak. Ng mahimasmasan sila ay pinagpabukas na lang nila ang paguusap.

When Brianna woke up, nakita nya ang isang boquet ng bulaklak sa tabi nya. Bumukas naman ang pinto at nakita nya si Kenjie na may dalang tray na may pagkain. Nginitian sya nito saka lumapit sa kanya.

"Good morning, babe." saka nilapag ang tray sa tabi ng bulaklak.

"Ginawan kita ng breakfast. I hope you'll like it."

"B-Bakit andito ka pa? di ba may pasok ka ngayon?" she asked.

"Hindi muna ako pumasok ngayon. I want to spend time with you and Caspian." he looks at her with full of hope.

"Kain ka na." saka ito umupo sa tabi ni Iya at kinuha ang kubyertos para subuan sya pero pinigilan nya ito.

"Ako na." sabi ni Iya saka kinuha ang kutsara kay Kenjie. Hinayaan naman sya nito, inalok nya itong kumain din pero tumanggi ito at sinabing tapos na sya kumain. He silently sits beside her while looking at her eating the food he prepared. Medyo naiilang si Iya pero nagawa nyang ubusin ang inihanda na almusal ng asawa sa kanya. Mababakas sa mukha nito ang kasiyahan ng maubos ni Iya ang pagkain.

"Uh-- mag-sa-shower ka na ba? Wait, i-ha-handa ko lang---"

"Ken, okay lang. Hindi mo kailangan na gawin ito." she stops him. He looked at her again, worried.

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon