Chapter 18

120K 1.5K 20
                                    

Chapter 18

Pagkatapos ng nangyari sa bar ay naging iba na ang pakitungo ni Brianna kay Kenjie. Hindi na katulad ng dati na masayahin at lagi syang kinukumusta. Lalo tuloy na guilty si Kenjie at hindi na alam pa kung ano pa bang dapat nyang gawin tanggapin lang ni Brianna ang sorry nya. He tried talking to her but everytime he starts talking about it, she's just avoiding it. Naiilang si Kenjie ng ganito, sinubukan nyang humingi ulit ng sorry kay Brianna pero tanging "okay" lang ang sagot nito sa kanya. He tried sending her flowers and chocolates pero tila hindi naman iyon umubra. Ngayon lang napagtanto ni Kenjie na mahirap pala sumuyo ng babae, mas sanay sya na sya ang nilalapitan at sinusuyo. Matagal na rin ng panahon na hindi sya gumawa ng mga ganitong bagay, ang manuyo ng babae. Unang beses nyang manuyo kay Eloisa pero hindi ganito kahirap ang pinagdaanan nya hindi naman sa sinasabi nyang easy to get si Eloisa pero naiintindihan din naman nya kung bakit ganito ang pakitungo sa kanya ni Brianna. Alam nya naman kasing nasaktan nya ito at parang hindi na nirespeto nung panahon na yun. Patuloy na naging malamig ang pakikitungo ni Iya kay Kenjie at patuloy rin ang pagsuyo ni Kenjie dito. He even visited her family and bring food not just for Iya but to check her family too. Tinulungan nya si Nigel sa school project habang si Brianna naman ay tahimik lang ang madalang lang sya kausapin.

"Kuya, girlfriend mo na ba yung ate ko?" tanong ni Nigel kay Kenjie. Nagulat naman si Kenjie sa tanong ng kapatid ni Iya samantalang si Iya naman ay tahimik lang na naghuhugas ng mga pinagkainan at nakikinig sa kanila.

"Ha? ano.. she's not my girlfriend." tapat na sagot ni Kenjie. Ayaw nya naman magsinungaling sa kapatid ni Iya.

"Ganun? so nanliligaw ka pa lang?" tanong ulit nito. Napakamot ng bahagya si Kenjie sa noo nito.

"No, but we're special friends." nakunot noo naman si Nigel.

"Special friends? may ganun ba? weird." sagot nito. Natawa ng bahagya si Kenjie at pinagpatuloy nila ang paggawa ng school project ni Nigel hanggang sa matapos ito. Halos buong araw ay nasa bahay ni Iya si Kenjie. Bago mag-gabi ay umalis na rin ito. Nagpaalam muna si Kenjie sa parents ni Iya bago umalis pati na rin sa mga kapatid nito.

"Sige Kuya, balik ka ulit. Laro tayo ng basketball."

"Oo ba, pagbalik ko."

"Okay, saka pala Kuya huwag mong papaiyakin yung Ate ko ah. Mahal namin yan." hindi inaasahan ni Kenjie na sasabihan sya ng ganun ni Nigel pero tumango na lang sya bilang sagot saka lumabas ng bahay kung saan naghihintay na sa kanya si Brianna. Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad patungo sa kotse ni Kenjie.

"I'll go ahead. Thank you for today." he said, she just nodded.

"Bye." sabi ni Kenjie saka ito pumasok sa loob ng kotse at umalis.

Nagkaroon ng company outing at kasama ang department kung saan kabilang si Brianna sa unang batch ng outing. Hindi dapat sasama ang dalaga dahil mas gusto na lang nitong magpahinga pero pinilit sya ng mga kasama nya sa department kaya sumama na rin sya. Maaga pa ng makarating sila sa beach resort kaya naggala muna sila at nag picture kung saan saan. Hindi naman napansin ni Brianna kung kasama si Kenjie sa unang batch ng nag-outing dahil ang alam nito ay may iba itong lakad. Magkakasama ang mga babae sa isang malaking kwarto. Kinagabihan pagkatapos ng hapunan ay dumiretso ang iba sa bar para mag-inuman at ang iba naman ay nagpahinga na. Si Brianna ay naglakad lakad na lang muna sa tabing dagat at nakuntento na pagmasdan ang alon at damahin ang katahimikan ng lugar. Medyo malayo ang bar sa may tabing dagat kaya hindi masyadong rinig ang ingay. May mga ilaw ang bawat puno na nagbibigay liwanag sa dagat. Habang naglalakad ay kumukuha sya ng litrato ng paligid ng bigla na lang may umakbay sa kanya. Nagulat sya at hindi nakapalag, naamoy nya ang alak sa taong umakbay sa kanya. Isang lasing na estrangherong dayuhan.

"Hi Miss, wanna join me in bed tonight?" he said in slur. Agad na tinanggal ni Brianna ang kamay ng estranghero sa kanyang balikat at lumakad palayo pero biglang hinablot nito ang kanyang braso.

"Come on! Don't be such a prude. You'll enjoy it." and he winked at her. Kinabahan si Brianna at pilit winawaksi ang kamay na humahawak sa kanya pero ayaw sya bitiwan ng lalake. But the next thing she knew, the stranger's fell down on the sand, leaving a bloody nose. She didn't expect that he'll be here to save her after what happened to them. He punched the stranger again but the guy was able to punch back. And so she saw him become rage and punched the stranger more. Kung hindi pa inawat ni Brianna si Kenjie ay hindi pa ito titigil sa pagbugbog sa lalake. May lumapit na mga roving guard at dinala ang estranghero. Nakita naman ni Iya ang dugo sa labi ni Kenjie.

"T-Thank you." matipid nitong sabi. He smiled at her.

"You're welcome." saka nagpagpag ng mga buhangin sa damit nito.

"Gamutin natin yung sugat mo." alok ni Iya, na nagaalala sa binata.

"Okay lang ito. Malayo sa bituka." biro ni Kenjie.

"Kahit na, gamutin natin yan." saka inabot ang kamay ni Kenjie at naglakad. Lalo naman lumaki ang ngiti ni Kenjie habang hawak ang kamay ng dalaga.

"Bati na tayo?" tanong nya. Hindi sumagot si Iya.

"Uy, bati na tayo?" hindi pa rin ito sumagot kaya ang ginawa ni Kenjie ay sinundot nya ito ng bahagya sa tagiliran, dahil dun nakiliti ito at tumigil sa paglakad.

"Kenjie!" saway nito.

"Bati na tayo ah?" he begged. She saw the sincerity in his eyes.

"Oo." she sighed. Natuwa naman si Kenjie.

"Walang bawian." and gave her a chaste kiss.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

A/N: Thank you for waiting! Gosh! I've been squeezing my brain out because I wanna give you an update, I'm really sorry this is all that I got right now. I hope you'll still read it. Lol. Anyway, I got a very busy week and busier schedule ahead. I really appreciate your patience, your effort of voting and leaving a comment on my stories. =)

Hi to @rowenaebentulan  @YogiAbeez @sheilamae22  @boobybird27 @YingyingKikawa  @HelenRCruz  @juliemo125  @cutie_peech  @jllostsoul  @Trishafeels  @emilytuliao18  @JoyTello  @yzakosijer   =)

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon