Chapter 6

148K 1.7K 17
                                    

Chapter 6

A/N: Sorry for the long wait.

****

Kinaumagahan ay nagising si Brianna na wala syang katabi sa kama. Paggalaw nya ay naramdaman nya ang sakit sa ibabang parte ng kanyang katawan. Pinakiramdaman nya ang kanyang sarili. Kagabi ay naibigay na nyang kanyang pinakaiingatan kay Kenjie kapalit ng pera, pero hindi sya nakakaramdam ng panghihinayang. Ginawa nya ito para sa kanyang pamilya, ang pinakamamahal nyang pamilya. Napalingon sya sa side table ng kama at nakita nya roon ang isang blangko na tseke na may pirma ni Kenjie, isa note na may maikling sulat para sa kanya at isang calling card.

I'm sorry I wasn't able to wait for you to wake up because I have a breakfast meeting to attend. I left a blank cheque for you so you can get any amount you needed and if you still need my help you can call me anytime. -Kenjie .

Napangiti sya sa sulat na iniwan nito. Hindi nya akalain na ganito pala si Kenjie Chua, kaya pala maraming babae ang nagkakagusto sa dito. Hindi sya nagsisisi na ibinigay nya ang kanyang pagkababae kay Kenjie dahil para sa kanya ay mabuting tao ito. Bumangon na sya at dumiretso sa banyo para makaligo at makapag bihis, pagkatapos nya maligo ay may naghatid ng almusal sa kwarto at in-order daw ito ni Kenjie. Nag almusal muna sya bago umuwi ng bahay. Panigurado na nag-aalala na ang kanyang nanay dahil madalas naman umuuwi sya kahit madaling araw na natatapos ang trabaho nya. Pagkarating nya ng bahay nila at sinalubong agad sya ng kanyang ina na nag-aalala sa kanya.

"Iya, anak saan ka ba nanggaling? Kagabi pa ako nag-aalala sa'yo." Alalang sabi ng kanyang ina.

"Pasensya na po 'nay, hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Nagkayayaan po kasi yung mga ka-trabaho ko kasi birthday po nung isa tapos nakitulog na lang po ako sa kaibigan ko." pagsisinungaling ni Iya.

"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi." pagaalala na sabi ng nanay ni Iya.

"Pasensya na po talaga. Si tatay po kamusta?"

"Stable naman daw sabi ng doktor, pupunta na nga ako ngayon sa ospital at si Nigel ang nagbantay kay tatay mo kagabi."

"Nag-almusal na po ba kayo?"

"Tapos na, may tinira akong pandesal dyan para sa iyo."

"Salamat po 'nay. Ingat po kayo." at hinalikan ni Iya ang nanay nya sa pisngi.

"Salamat anak." ngumiti ito sa kanya ngunit may lungkot pa rin sa mga mata.

"Iya, sinisingil na tayo ng bayarin sa ospital. Kailangan na daw natin magbayad kahit kalahati lang. Pasensya ka na anak at ikaw lahat ang gumagawa para sa pamilya natin, kung sana'y malakas pa ako para makapag trabaho at makatulong sa iyo." naiiyak na sabi ng kanyang ina. Inalo ito ni Brianna.

"Huwag po kayong mag-alala 'nay. Hahanap po ako ng paraan para mabayaran natin ang bills sa ospital. Kaya po natin ito." tumulo na rin ang luha ni Iya. Hindi kaya ng puso nya na nakikitang nahihirapan at namomroblema ang kanyang mga magulang. Parang kinukurot ang puso nya pag nakikita nya ang nanay na umiiyak dahil sa sitwasyon nila ngayon.

"Pasensya na talaga 'nak. Inaako mo lahat ng responsibilidad na hindi dapat ikaw ang umaako." umiiyak na sabi nito.

"Sssh. Wala po kayong dapat ihingi ng pasensya. Mahal ko po kayo ni tatay at ang mga kapatid ko kaya gagawin ko ang lahat para sa inyo. Nagpapakatatag po ako para sa inyo kaya maging matatag din po kayo 'nay. Malalagpasan rin po natin ang pagsubok na ito." at niyakap nya ng mahigpit ang kanyang ina. Ilang minuto rin na nagiyakan sila pagkatapos ay umalis na ang kanyang ina para palitan si Nigel sa ospital sa pagbabantay sa kanyang tatay.

Sobrang hirap ng buhay, minsan parang gusto na nya sumuko. Lagi naman nagsusumikap sya at ang pamilya nya pero parang wala naman nangyayari at mas lumulubog pa sila sa kahirapan. Pero pagnaiisip ko kung gaano nagpapakatatag ang tatay para sa amin ay nabubuhayan ako ng loob at patuloy na lumalaban sa hirap ng buhay. Kailangan magpakatatag at maging malakas lalo na ngayon at ako lang ang inaasahan ng aking pamilya. Ayoko na munang isipin ang sarili ko o ang sasabihin ng ibang tao ang mahalaga ay matulungan ko ang aking mga magulang at kapatid. Pagkatapos maglinis at asikasuhin ang kanyang mga kapatid sa pagpasok sa eskwela ay dumiretso na sya agad sa bangko para ipapalit ang tseke na binayad ni Kenjie sa kanya. Nilagyan nya lang ito ng sapat na halaga para sa pamilya nya, pambayad ng bills sa ospital, sa bahay at pang tuition ni Nico. Medyo malaking halaga ang nakuha nya dahil na rin sa bayarin sa ospital, sana lang ay hindi magalit si Kenjie sa kinuha nyang halaga na pera pero kung sakali man ay makikiusap na lang sya dito na gawin na lang itong utang at babayaran nya rin ng paunti-unti. Nagtaka man ang nanay nya sa pagbayad nya ng buo sa bill sa ospital ay nagsinungaling na lang sya at sinabing humingi sya ng tulong sa munisipyo at mga charitable institution. Ayaw nya sanang magsinungaling sa mga magulang nya pero kailangan. Alam nyang magagalit ang mga ito pagnalaman ang ginawa nya pero mas hindi nya kaya na makitang naghihirap ang kanyang pamilya at wala syang gagawin para sa mga ito.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon