Chapter 42

106K 1.3K 22
                                    

Chapter 42

Naging abala si Kenjie buong araw sa opisina pero nagawa naman nyang sumabay ng tanghalian sa asawa. Pinilit nya talaga makasabay dito kahit sa canteen na lang ng kumpanya sila kumain na kinabigla ng lahat ng tao dun dahil never pa syang nakita na kumain doon. Hindi rin kasi nakapagluto si Iya ng baon nila dahil kulang na sa oras na si Kenjie rin naman ang may kasalanan dahil naglaro pa sila sa kwarto. Hinatid pa nya si Iya sa cubicle nya mismo bago umakyat at bumalik ng opisina nya. Pagkaalis ni Kenjie ay kinikilig namang ang mga kasamahan ni Iya dahil sa pagiging sweet ni Kenjie sa kanya. Bago mag-uwian ay pumunta si Iya sa opisina ni Kenjie para magpaalam.

"Okay lang ba kung sumama ako mag-videoke kasama sila Ma'am Nadine?" sabi ni Iya habang si Kenjie naman ay seryosong nakatutok sa laptop nya. Dumaan ang ilang segundo bago ito sumagot.

"Where to?" saka ito muling nagtype bago sinara ang laptop.

"Malapit lang daw dito sa opisina."

"May kasama bang mga lalaki?" seryosong tanong ni Kenjie, tumango naman si Iya. He sighed.

"Kasama yung Alec?" pilit tinatago ang inis.

"Oo." mahinang sagot ni Iya.

"Pag-iisipan ko." sagot nito, wala naman imik si Iya. Maya-maya ay tumayo na ito.

"H-Hindi na lang ako sasama, babalik na ako." saka ito naglakad papunta ng pinto. Hawak na ni Iya ang door knob ng magsalita si Kenjie.

"Fine. Pumapayag na ako sumama ka." sabi ni Kenjie at tumigil naman si Iya at humarap dito.

"Okay lang naman. Sa susunod na lang siguro ako sasama." sagot ni Iya.

"Come here, Babe." pakiusap ni Kenjie at sumunod naman si Iya. Iginiya nya itong umupo sa kandungan nya kahit naiilang ito.

"K-Ken..sabi ni Mommy no monkey business sa office." He just smirked at her.

"Then let's lock the door." and he click something on the remote control. He wrapped his arms on her waist and sniffs her neck.

"So sweet." and kissed it.

"Kenjie." mahinang saway nito saka itinukod ang mga kamay sa dibdib ng asawa.

"Ang cute mo magtampo." sabi nito ng may nakakalokong ngiti.

"H-Hindi kaya ako nagtatampo." hindi makatingin ng diretso kay Kenjie. He tilted her chin to face him.

"Sumama ka na nga, kailangan ko rin naman mag-overtime ngayon dahil marami pa akong tatapusin." then he kissed her lips.

"Tell those guys to behave or else I'll kick them out of my company if they lay a finger on you." and he deepend the kiss. His arousal is beginning to grow and she can feel it poking her leg. Sinasagot naman ni Iya ang bawat maiinit na halik ng asawa.

"We need to stop babe or else I'll use all your energy and you're not gonna be able to join your team for videoke." He said and kissed her forehead. She's blushing again.

"Susunduin kita later." he informed her.

"Okay." and she's already smiling.

"Good. I'll see you later wife, enjoy." saka tumayo si Iya. Bago lumabas ng opisina ni Kenjie ay hinalikan ni Iya ng mabilis ang asawa. Masaya si Brianna na pinayagan sya ni Kenjie na sumama mag-videoke kasama ang mga katrabaho nya. Simula kasi ng malaman ng lahat na mag-asawa na sila ni Kenjie ay madalang na syang makasama sa mga lakad ng grupo dahil nahihiya sya saka iniisip nya rin ang asawa na baka magalit ito lalo na at may mga kasama silang lalaki kahit wala naman syang ginagawang masama. Natuloy ang lakad nila at natutuwa si Iya dahil walang nagbago sa pakikitungo ng lahat sa kanya, madalas nga lang syang tuksuhin dahil kay Kenjie. Nagtext sya kay Kenjie ng makarating sila sa lugar, sumagot naman ito at sinabing mag-enjoy daw sya. Pagkalipas ng isang oras ay nagtext ulit ito at inaalam kung okay lang ba sya at kung nag-e-enjoy ba. Napangiti si Iya ng mabasa ang mensahe na galing sa asawa at ni-replyan nya ito at sinabing okay lang sya at nag-e-enjoy sya. Pagkalipas ng isang oras ay naramdaman nya ang pag-vibrate ng phone nya at nakitang tumatawag si Kenjie.

"Hello, babe." sagot ni Iya. Lumabas muna sya ng videoke room para makausap si Kenjie ng maayos.

"Hi babe! uhmm, patapos na ako sa work ko. What time should I fetch you?"

"Siguro mga after 2-3 hours? Hindi ko kasi sure baka kasi mag-extend sila. Okay lang naman kahit mag-commute na lang ako pauwi. Magpahinga ka na lang." sagot ni Iya.

"No. I'll fetch you." maagap na sabi ni Kenjie.

"O-Okay. Thank you babe. Mag-ti-text na lang ako."

"Sure. Enjoy babe. Bye." at bumalik na si Iya sa loob ng videoke room. After forty five minutes ay tumawag ulit si Kenjie.

"Yes, babe?"

"Ah--ano.. umiinom ka ba? gusto mo sumunod na lang ako dyan? hindi ka ba ginugulo ng mga kasamahan mong lalaki? nung Alec?" hindi naman napigilan ni Brianna na matawa sa dami ng tanong ni Kenjie.

"Mister, okay lang po ako. Hindi ako umiinom, orange juice lang tapos kinakain ko yung calamares na order nila. Hindi ako ginugulo ng mga kasamahan kong lalaki lalo na ni Alec kasi kasama nya yung nililigawan nya." detalyadong sagot ni Iya.

"Good, sige balik ka na."

"Okay, babe. Bye." paalam ni Iya at bumalik na ulit sa loob ng videoke room. Lumipas ang twenty minutes tumawag ulit si Kenjie. Imbes na makulitan ay natatawa na lang si Brianna sa inaasal ng asawa and at the same time kinikilig dahil feeling nya nagseselos ito sa mga kasamahan nyang lalaki at feeling nya rin ay namimiss sya ito katulad ng pagkamiss nya.

"Yes po?"

"Ano.. Kasi.... Susunduin na ba kita?" halos hindi masabi ni Kenjie. Hindi sya mapakali at nagtataka rin sya sa sarili.

"Sige." pagpayag ni Iya.

"Sure? T-Tapos na ba kayo?"

"Hindi pa pero pwede na rin naman ako umuwi."

"Ayos lang naman kung mamaya pa kita sunduin kung nag-e-enjoy ka pa dyan babe."

"Okay na po. Sunduin mo na ako." she said while smiling.

"Sure?"

"Ayaw mo ba Mister?"

"No! I-I mean..actually, nandito na ako sa labas ng building." nagulat si Brianna pero mas lalo yata syang kinilig sa nalaman.

"Wow ang bilis naman ng mister ko. Sige magpapaalam lang ako sa kanila tapos lalabas na rin ako." she said.

"Okay wife. I'll wait you here." saka bumalik si Iya sa loob at nagpaalam na sa mga kasama. Mabilis na lumabas si Brianna ng building at nakita nya agad si Kenjie na nakasandal sa kotse nya at abala sa pagtipa sa telepono nito habang ang mga babaeng dumadaan ay napapalingon dito. He's so handsome in his black business suit. Lumapit agad si Brianna sa asawa at hinalikan sa labi ang asawa. Making the other girls know that Kenjie's already taken.

"Hi babe!" masiglang bati ni Kenjie and wrapped his arms around her waist.

"Nainip ka ba?"

"Nope. I just miss you." and kissed her forehead.

"Masyado ka magpakilig mister." at mahinang hinampas ito sa braso. He laughed.

"Only for you babe." saka humalik ito sa pisngi at giniya sya papasok sa loob ng kotse. They went home together.

To be continue...

Vote and comments please. Thank you.

Comments! Comments! Comments! Lols. Love you! =) -Hao

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon