Chapter 30

104K 1.2K 33
                                    

Chapter 30

Hindi pa rin alam ni Kenjie kung paano sasabihin kay Iya ang plano nya at ang gusto ng mommy nya. Ilang araw din bago nya napagdesisyunan na gawin ang plano nya bago pa sya kulitin ulit ng mommy nya. Kenjie asked Brianna out for dinner. It was not the usual dinner date because he made it extra special with candles and flowers.

"Uh, Kenjie a-anong meron?" nagtatakang tanong nya kay Kenjie habang kumakain sila. Huminga muna ng malalim si Kenjie bago nagsalita.

"I actually want to talk about something.." he said and Iya's actively listening to what he's saying.

"And to be honest, I am not sure if you'll agree to this but this is the only option that I can think of." while looking at her.

"A-Ano ba yun?" biglang kinabahan si Brianna sa sinabi ni Kenjie.

"I want you to marry me." he finally said it. Shock was writtern on her face and she doesn't know what to say.

"Look, I know that what we have is just part of our deal but right now I really don't have any option but to ask you to marry me because of Mom. I want to ask you if you can marry me just for a year then after that we can file an annulment." He immediately added. Sadness shown on her eyes instantly gone.

"O-Okay." ang tanging nasabi lang ni Iya at ngumiti ng bahagya.

"Okay? as in payag ka na magpakasal tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Kenjie. He holds her hand on the table. She simply nodded at him.

"Really?" she smiled. Biglang tumayo si Kenjie at agad na itinayo si Iya para yakapin. He's so happy that Brianna agreed to his proposal.

"Thank you! Thank you Iya!" masayang sabi nito. She hugged him back.

"P-Para kay tita." Sabi ni Brianna. He faced her.

"Thank you talaga. Sobrang kinakabahan ako kanina kasi akala ko hindi ka papayag. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan. I promise it'll be just for one year tapos ako ng bahala kay Mommy after nun, ako ng bahalang gumawa ng paraan at mag-explain kung bakit tayo maghihiwalay." he said.

"S-Sige." tipid na sagot nito.

"I'm really sorry for dragging you into this mess, it's not really my intention pero napasubo na kasi ako dahil kay Mommy. Pangako gagawin ko ang lahat para tulungan ka at ang family mo in exchange of this proposal."

"P-Pwede bang simpleng kasal lang ang gawin natin, yung kahit sa huwes lang? Saka pwede bang konti lang ang makaalam ng pagpapakasal natin?" pakiusap ni Iya. Iginiya nya ulit ang dalaga upang umupo. "Yes we can do that. Ako ng bahala." then he took out something from his pocket. Isang kulay pulang kahita na parisukat. Binuksan nya ito at kinuha ang singsing na may dyamante sa gitna. Kinuha nya ulit ang kamay ni Brianna saka isinuot ang singsing sa dalaga.

"It really looks beautiful on you." he said and touches her finger where he puts the ring on. Hindi makapaniwala si Brianna na sa gabing ito ay mag-pro-propose sa kanya si Kenjie at magiging engaged sya dito. Hindi nya rin naman kayang tanggihan ang binata dahil malaki ang utang na loob nya rito at hindi rin naman nya kaya na makita si Kenjie na sa iba magpropose at magpakasal. Iniisip nya palang parang naninikip na ang dibdib nya. Then right there and then she realized something. Yeah, it hits her whole system and now she doesn't know if she can still free herself from it. She felt something warm inside her when he puts the ring on her finger. She didn't expect that this moment will come...from being a nobody..to being Kenjie's f-ckbuddy.. pretend girlfriend..and now he'll be marrying her..soon. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Iya pero nangingibabaw sa kanya ang kasiyahan na kahit iba ang sirkumtansyang meron sila ni Kenjie ay hindi pa rin mapigil ng kanyang puso ang matuwa sa nangyayari. Alam nyang marami syang mga bagay na dapat ipangamba.. maraming bagay na umaasa syang mangyari at sana'y totoo na lang.

"Paniguradong matutuwa si Mommy pag binalita natin sa kanya na ikakasal na tayo." sabi ni Kenjie. Napangiti si Iya.

"Matitigil na yung pangungulit nya sa'yo." biro nito na kinatawa naman ni Kenjie.

"Oo nga. Bukas na lang natin sabihin sa kanya pagpunta natin ng ospital."

"P-Paano pala sila Nanay?" nag-aalalang tanong ni Brianna. Pinisil nito ang kamay ng dalaga.

"Don't worry, I got you. Pupuntahan natin ang parents mo and I'll formally ask for their permission to marry you." He assured her.

"Thank you Kenjie."

"Ako dapat ang mag-thank you dahil tinutulungan mo ako kahit ang ibig sabihin nun ay ang pagpapakasal sa akin."

"A-Ano ka ba.. okay lang yun saka tinutulungan mo rin naman ako." sagot nito.

"And if ever in the middle of our marriage makahanap ka ng guy na mamahalin mo just tell me so we can plan things ahead and file an annulment." Hindi naman naisip ni Brianna ang punto na yun kaya hindi nya alam ang isasagot kay Kenjie. Tumango na lang sya dito at itinuloy ang pagkain.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon