Pero ang kinagulat ko ay yung ginawa niya kinabukasan after namin mag kaaminan... He posted a photo in his instagram.


@iamthomastorres: You are the reason why I love mornings.

Picture ko habang natutulog pero yung right eye ko lang ang nakikita. Sa likod makikita ang sinag ng araw na nag mumula sa bintana. Gumawa ng ingay ang post niya sa social media at hindi mapigilan na mag taka ang mga netizen dahil hindi naman daw mukhang si Santa Arra ang nasa picture. Mas lalo silang nag kagulo nang inilabas yung teaser nung mini mag noong araw din yun at pasabog ang ending dahil may pasulyap sa sagot niya about Arra and ehem his new girl ehem.

"Tumawag nga pala si Mama Bechay kahapon. Nag papahanap ng venue para sa renewal of vows nila papa." Thomas told while washing the dishes. Rules namin yan sa bahay na kung sino ang hindi nag luto siya ang mag huhugas. "I told her na may magandang church sa Antipolo."

"Then?"

"Sabi ko iche-check natin today."

Napa-kunot ang noo ko sa sinabi niya. Akala ko kaya niya ako di pinapasok today dahil... wag na lang.

"Ah okay." Yan lang ang nasabi ko. Self, umasa ka naman. "What time tayo aalis?"



"Pag tapos mo diyan, mag ready na tayo. We need to go there early tapos..." He stopped in the middle of his sentence just to look at me. "Date tayo?"

He displayed his million dollar smile. Oo, ikaw na ang pinag pala ng charms.

"Wag na. Mag hanap na rin tayo ng venue para sa reception at catering service." I tap his cheeks. "Next time na lang. May training ka pa bukas at may pasok pa ako. We need to rest early."

"How about on friday? Movie marathon tayo?"

"Check ko yung schedule ko." I said.

Naguilty naman ako. Ilang beses ko na siyang tinatanggihan pag nag aaya siya ng date. Wala naman akong magagawa dahil puno ang schedule ko.

"Thom..." I called him. He looked at me with a smile. Hay nako. Kahit pa ngumiti siya alam ko naman na disappointed siya.

"Hmm..."

"I love you."

I don't know why I said that. But I feel that it is the right to say it.

"I love you more."

---

Habang bumabiyahe kami papuntang Antipolo ay kumakanta kami ni Ara. We enjoy doing simple things together. I hold her hand while driving. It gives me so much comfort knowing that she's sitting on the passenger seat. Pag dating namin sa Immaculate heart of Mary Paris may mga tao pang nag liligpit. Mukhang may kasal na naganap kanina.

"Gusto mo dito na lang tayo mag pakasal?" Tanong ko sa kanya. She looks so amazed with the architecture of the church.

"Pwede rin." She answered me.

"After ng wedding nila Mama betchay, sunod na tayo."

"Agad agad?!" She said with her widened eyes. "Hindi pwede. Madami tayong gastusin. Mag papatayo pa tayo ng bahay. Ang dami mo pang gastos last week!"

" I just want to give the best for you."

"Pag usapan na lang natin mamaya, Thomas."She ended the discussion.

Parehas kaming pumasok sa simbahan. Ara took some picture of the church habang ako siya naman ang kinukuhanan ko. It became my hobby to take a picture of her. Bigla siyang humarap sa akin na naka-kunot ang noo. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit anong emosyon ata ipakita niya maganda pa rin siya. Yes, I am crazy in love with my wife.





"Kinukuhanan mo na naman ako ng picture." She complained but it didn't stop me from taking some shots.

"You're my favorite subject."

"Bahala ka pag naubos yang memory mo!" She said and turned her back.

"I don't care kung maubos. I will buy a new cellphone and fill it with your photos." I said. Kinuha ko yung rose na nakalapag at lumapit sa kanya. "Ars..."

"Hmmm..."

"Turn around."

"Ayoko. Kukuhanan mo lang ako ng picture."

"Dali na."

Padabog niya akong nilingon at siyempre naka-ready ang ngiti ko para salubungin siya. Iniabot ko sa kanya yung rose.

"Dami mong alam!" She pinched my cheeks. Since the day I confess, tuwing may ginagawa ako for her kinukurot niya ang pisngi ko. Noong una akala ko sadista lang siya pero na-realize ko na paraan niya yun to hide her kilig.

"Ikaw lang ang laman ng isip ko. How come na madami akong alam?"

"Kung makabanat ka parang high school students tayo! Puntahan na nga natin yung office."

She pulled me to the office. A woman in her late 50s greeted us.

"Mag papakasal ho ba kayong mag kasintahan?" Tanong agad sa amin.

"Nako, hindi po kami mag kasintahan." Tumaas ang kilay nung babae at ako naman ay napalingon kay Ara. What did she say? "Mag i-inquire lang po kami kung mag kano po yung rent sa venue para sa renewal of vows ng parents ko."

"Ah ganon ba?" Tumango naman si Ara. May kinuha naman na papel ang babae at iniabot kay Ara. "Nandiyan yung rates. We also offer flower arrangements kung gusto niyo."

"Sabihan ko po yung mother ko. Salamat po."

We went out of the office. Papunta na kami sa kotse nang maalala ko yung ginawa niya.

"Did you just denied me earlier?" Hindi naman ako nasaktan pero I need clarification.

"Huh? Kailan?"

"Kanina! When the woman asked if we are together sabi mo hindi." Hindi ako galit. Curious lang talaga.

"Uy! Gumagawa ka ng kwento. Nag disagree lang ako nung tinanong niya kung mag boyfriend tayo." Napakamot na lang ako sa batok habang siya naman ay natawa.

"That's what I am talking about! You denied me."

"I didn't deny you, Mister." Kumapit siya sa arm ko at hinalikan ang pisngi ko. "Hindi naman talaga kita boyfriend ah!"



"VICTONARA!"

"What?" She asked with a playful smile. " Swerte mo nga promoted ka agad from stranger to husband."

"Hindi ka nanligaw para mapasagot ako. Hindi mo pa ako hiningi, na sa'yo na agad ako." Somehow, it made me felt blessed but sad. Hindi ko man lang siya naligawan. I'm a lucky bastard. "Huy, joke lang! Drama mo today."



"Nahh... It's true. Pakiramdam ko I took you for granted. Hindi man lang kita pinag hirapan." Hindi ko alam saan nang galing yun pero bigla na lang lumabas sa bibig ko. My wife deserve every effort I could give pero di ko na bigay dahil biglaan nga lang lahat ng nang yari.

She is there whenever I need her. Naalala ko nung natalo kami, medyo gabi na akong nakauwi pero hinintay pa rin niya ako at agad sinalubong ng yakap. It's just a simple hug that replenish all the lost energy.

"Thomas, look at me." She held my cheeks and looked at my eyes. "We have a lifetime to fill with joy and memories. That thought alone is enough."



But it won't stop me from my plan. Courting Victonara 101!

Whirlwind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon