Chapter15: The twins

Start from the beginning
                                    

"Pero alam mo sis, hindi naman talaga yun yung pinaka iniisp ko........ May isa pang bagay na gumugulo sa akin."

Sabi ni Annie habang nakatingin sa mga mata ng kanyang kakambal. Kitang kita naman ni Anne ang mga mapuputlang labi ni Annie at ang mga mata nitong tila ba natatakot.

"W-what?"
sabi Anne

"A-about d-dun sa ginawa natin kay S-Serina....... Sis natatakot ako, w-what if kung b-buhay pa si S-Serina at iniisa isa nya tayo o k-kung pinaghihiganti s-sya ng kapatid nya.... A-Ayaw ko pang mamatay. "

Maluha luhang sabi ni Annie habang patuloy sya sa kanyang panginginig. Nahintatakutan naman si Anne sa sinabi ng kanyang kapatid, ngunit pinilit pa rin nyang kumalama at inirapan ang kanyang kapatid.

"L-L-like, Duh! Ikaw ba yan Annie, ang walanghiya kong kakambal? Naniniwala ka sa multo?! Hahahahaha! Nakakatawa ka! At kung si Serenity man yung pumapatay, well dalawa tayo, isa sya, sinong talo? Naku matulog ka na nga lang Annie! Nakakahaggard ka!"

Agad na humiga si Anne matapos magsalita, sa totoo lang ay natatakot sya sa pwedeng mangyari sa kanila. Pilit lamang nyang pinalalakas ang kanyang loob para lumakas din ang loob ng kanyang kakambal.

Napabuntong hininga si Annie.

"Well tama ka, masyado lang akong nagiging paranoid. Sige good night."

Humiga na rin si Annie at pinidot nya ang switch ng kanilang ilaw sa tabi na kanyang kama.
Ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay bigla silang nabulabog dahil sa isang ingay na nanggagaling sa 1st floor ng kanilang bahay, para bang binabasag ang mga pinggan sa kanilang kusina.

Agad napatayo ang dalawa sa kanilang pagkakahiga. Pinindot ni Annie ang switch ng ilaw, pero laking pagtataka nya ng hindi ito gumana, ginamit na lamang nila ang kanilang cellphone bilang ilaw.

"A-Ano yun?"

Tanong na pabulong ni Anne, nagsisimula na silang matakot dahil patuloy pa rin nilang naririnig ang ingay na nasa kanilang kusina.

"Nasaan ba sila manang?!"

Nagpapanic na tanong ni Anne.

Agad silang natahimik ng may marinig silang mga yabag papaakyat sa kanilang kwarto.
Dahil sa dilim ay mas nadagdagan ang takot ng dalawa.

Agad napa luha si Annie habang si Anne naman ay nakatulala lamang nakatingin sa harap ng pinto ng biglang huminto ang mga yabag na naririnig nila kanina, hudyat na nasa harap na ito ng kanilang kwarto.

"Anne and Annie, Its your time now to play a game with me~"

Malambing sambit ng taong nasa labas ng kanilang kwarto, sa tono ng boses nito ay isa itong babae.

At sa tono ng boses nito ay kilala na nila kung sino ang taong nasa bahay nila.

"Serina........."

Halos sabay na sabi ng kambal ng mamukhaan nila ang boses ng taong nasa labas ng kanilang kwarto.

Kinalabog ni Serina ang pintuan ng kanilang kwarto, pilit nya itong binubuksan sa pagakakalock. Napahagulhol na lamang ang dalawa dahil sa sobrang takot.

"Patay ka na diba?! Patay ka na!"

Naghihisterical na sigaw ni Anne.

Isang nakakatakot na tawa ang kanilang narinig mula sa labas ng kanilang kwarto, tila ba ito ay isang halakhak ng isang demonyo.

"Hahahahaha! Oh Anne, yeah im dead because of you guys. I came from the grave just to play with you. Its payback time. Hahahaha!"

Ate(Completed)Where stories live. Discover now